Kabanata 3
Kinabukasan, umagang-umaga'y pupungas-pungas pa ako papasok ng classroom nang maligalig akong hinaltak ni Peachy, mula pinto patungo sa upuan namin.
kinumusta ako nito tungkol sa poging hinuha niya. Wala naman akong sinabi na may nakita akong Nazarro'ng pogi, pero iyon agad ang tumakbo sa utak niya.
Nagtanong din ito kung anong nangyari sa hacienda. Sa tanong niyang iyon naalala ko agad kung paano ako nahuli sa akto ni Kai na naglalakad nang patingkayad. Pakiramdam ko ay namula nang bahagya ang mukha ko.
Hinding-hindi ko sa sabihin iyon kay Peachy!
Sinabi ko na lang rito na sumaglit lang ako roon at umuwi rin agad. Hindi naman ito naniwala at kahit may prof ay kinukulit ako nito.
break time, habang kumakain kami sa bleachers ay nagtanong nanaman ito.
"Ano, kumusta ang pogi?"
"Wala nga sabi!" sagot ko rito.
Kanina pa ito tanong nang tanong. Muntik pa kaming pagalitan ng professor kanina sa kulit nito.
"wee, hindi ako naniniwala!" Angil nito.
"E'di h'wag!" sabi ko rito matalim ang tingin.
"Pero may nakita kang Nazarro?" tanong nito sa akin.
Tumango lang ako sakan'ya habang naiisip ang magkapatid.
Ngayon na naisip ko ang dalawang iyon, bakit nga ba ngayon ko lang napansin, Mabait sa akin si Beulah, at laging magaan kausap. Samantala ang kapatid niya'ng si Kai ay laging may tensiyon ang interaksiyon namin.
"Pogi?" Tanong nito sakin habang malaki na ang ngiting nakapaskil sa mga labi.
"Maganda." Sagot ko habang tumatakbo sa aking utak ang imahe ni Beulah.
Maputi ito na may mahaba at maitim na tuwid na mga buhok. Isang aspeto ang buhok niyang iyon sa pagiging elegante ng awra nito.
"ay, babae." dismayado nitong tugon.
"Meron pa, lalaki." Dagdag ko. Bakit naman hindi ko sasabihin, 'di ba? Ano naman kung malaman niyang may lalaki?
Galing sa pagkakadismaya, galak muli itong bumaling sa akin.
"Pogi?" Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa asta nito. Ano naman kung pogi o hindi? Looks are not the basis for love.
"Matanda." Maikli kong sagot sakan'ya.
Matanda naman na talaga si Kai. Kung hindi ako nagkakamali tinawag siyang kuya ni Eula, no'ng gabing iyon.
"Okey lang, Basta hot papa." Sabi nito at humagikgik pa.
Sa hagikgik niya'ng iyon ay tuluyan na akong nainis sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit, pero mukhang pinag papantasyahan niya na sa kaniyang utak si Kai. Hindi pa nga niya ito nakikita pero ganiyan na ang asta niya, paano na lang kung makita na niya ito?
"Panget 'yon!" basag ko sa pantasya nito.
"Maniwala sayo, Nazarro iyon, impossible!" sabi nito.
"Panget nga!" sabi ko rito.
"O, bakit high blood ka naman? Oo na at panget na." sabi nito at humalaklak pa.
Nanatiling kunot ang noo ko rito at nagpatuloy na lang sa pagkain. Bumalik na kami sa classroom bago matapos ang break.
Natapos na ang oras ng skuwela. Maaga akong uuwi ngayon dahil wala kaming groupings para sa ano mang subject.
Sabay kaming naglakad ni Peachy, palabas at naghiwalay lamang ng madaanan na ang motor namin.