Kabanata 1 - NARISA

1 0 0
                                    


"Humaba na ang buhok mo anak." turan ng aking ina.



Bigla akong napahawak sa aking ulo. Hindi ko na malayan nagkabuhok na pala ako hanggang batok na rin.



"Mamaya pong pagkatapos kong pumunta sa restaurant dadaan po ako sa Salon para magpakalb--"


"Huwag! Ang nais ko nga ay masilayan muling humaba ang iyong buhok. Prinsesa ka ni Mama at ang bawat ina maligayang makitang maganda ang buhok ng kanilang anak." tutol na aking ina.


Tinitigan ko ang aking ina. Nakangiti siya at maluha-luha. Nais ko sana ay magkatulad kami para malaman niya kasama niya ako sa kahit anong laban niya.


"At tsaka diba may pasok kana bukas. Konting panahon nalang may anak na akong Doctor." ang mga ngiting mula sa labi niya ang bumubuhay sa akin.



" 4 na taon pa ma. Kaya magpalakas ka huh? Hintayin mo akong maging isang ganap na Doctor." hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay. Puno ng pagsusumamo ang aking puso.


" Hmmm. Alam ko na pakulayan mo kaya yung buhok mo anak. Tiyak mas lalo kang gaganda."
turan niya habang hawak ang aking ulo at tila nag-iisip kung anong kulay ang nababagay sa akin.



.....



Kumalembang ang palamuti sa may pinto ng Salon ng bukasan ko ito.


" Oh si Narisa pala to! Ano dating gawi ba? Naku naku ang ganda mo pero kalbo ang trip mong gupit." sabi ni Hero ang madalas gumupit sa akin.



Luminga-linga ang sa kapaligiran ng Salon.



" Si Madam ba be? O si James?"




Tignan ko si Hero hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Ang tagal ko ng hindi naririnig ang pangalan niya.



" Ikaw ah ex mo pala si Papa James. Nachika ni Madam sa akin ng huli kang magpagupit. Si Madam late siya ngayon be may pupuntahan pa raw. Sa mama mo ata. " Daldal ni Hero.



" Hindi ako magpapagupit. Magpapakulay ng buhok."



" Hay be meron akong alam na kulay na babagay sayo promise! "



" Ikaw ng bahala. "


Maraming siyang tinanong tungkol kay James ngunit tango lang ang mga sagot na nakuha niya.


" Yan be chicks na chicks ka na kahit short hair ka. " pambobola ni Hero.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi na rin masama. Wala naman talaga akong pakialam kung anong maging itsura ko. Desente ayos na yon.



"Maraming Salamat Hero"




" Naku naman be Helen nalang huwag Hero" may halong pagtatampo niya.



Humakbang ako para kunin ang mga gamit at ilang pinamili ko. Tumunog muli ang kanilang palamuti hudyat na may bagong dating.



"Helen si Mama?"




Natigilan ako sa pamilyar na boses na aking narinig. Tama ang hinala ko narito na siya. Kaya nakilala na siya ni Hero. Mag 3 years palang sa Salon ni Tita Jane si Hero.



" Papa James! Wala rito si Madam." sagot ni Hero



I didn't even throw a glimpse to him. Mukhang natigilan din siya dahil sa presensiya ko. 4 years na simula noong huli namin pagkikita.



" Maraming Salamat ulit. Mauuna na ako Hero." Basag ko sa katahimkan.



"Hay sige be."


Tuloy tuloy lang ako hanggang lagpasan ko siya.



"Busit talaga tong si James" bulong ng babaeng nasa likuran niya.


Nagkatitigan kami ng babaeng kasama niya saglit tsaka tinuloy ko ang paglalakad palabas.


...

4 na taon simula ng iwan niya ako sa ere. 4 na taon simula noong hindi niya ako pinili. 4 na taon na.

Mabilis ko isinakay sa kotse lahat ng pinamili ko.
Hindi ako makahinga ng maayos at ramdam ako ang pagkabalisa ng aking katawan. Sumakay ako sa kotse at umupo ng maayos.


Inhale

Exhale

Inhale

Exhale

Inhale

Exhale



4 na taon na simula ng maramdaman ko ito. Ipinikit ko ang aking mata. Tangna kumalma ka Narisa!


Hindi ko namalayang tinatawagan ko si Manang.

"Nak bakit?" sagot ni Manang Fe.


" Manang nasa hospital na po ba kayo?"


" Oo nak, natutulog na ang iyong ina."


Oo nga madilim na sa labas hindi ko na malayan.
Pilit kong tinatanggal ang nginig ng aking boses.


" Manang maaaring pagkagising ni Mama pakisabi sa bahay muna ako natulog."

" Oo nak at saka bilin ng Mama mo na huwag ka munang pumunta rito dahil may pasok ka na bukas. "


" Sige po Manang. Maraming Salamat po."


Pinaharurot ko ang kotse papuntang bar. I need to disinfect my throat parang may kung anong bumabara. Namimiss na rin ng lalamunan ko ang beer.








Bastardos Series 1 - I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon