Chapter 1

38 5 0
                                    

ashtonlim liked you post

luh? totoo ba'to o baka napindot lang? isang beses kong nirefresh ung notif ko pero andun pa den ung pangalan nya, hindi ko na napigilan ung sarili ko kaya

"AHHHHHHHHH OMG AHHHHH HUHU OMGG UNG PUSOOO KOOOOO!!!" kinikilig na sigaw ko habang nagpapaikot ikot sa higaan ko ng bigla namang may humampas ng pintuan ko

"hoy ano ba? umagang umaga sigaw ka ng sigaw dyan! dalian mo bumangon ka na dyan at magsaing kana"

yep mama ko yon, kung ibang araw sana to tatamadin pako magsaing pero dahil nilike ni bebe abo ung post ko huhu lilinisin ko ung buong bahay HAHAHA syempre joke lang

bago ako magsaing may nagpost muna ako sa story ko na nilike nya ung post ko

what a good way to start myday, mama labas mo po lahat ng malinis na pinggan huhugasan ko HAHA thank you @ashtonlim for liking my post sana ako den like mo"

yan ang caption ko sa story na nilike nya ung post ko HAHAHA ewan ko ba baliw na baliw nako kay ashton

kaya bago pa ako masiraan ng bait ay tumayo na'ko para magsaing magagalit nanaman saken si mama HAHAHA

"hoy panget"

tawag saken ng panganay kong kapatid na si Luis, oo Luis sya tas ako si Louise ewan ko kay mama

"Oh ano nanaman? Ang aga aga mangaasar ka lang" iritado kong sagot sakanya

"HAHAHA di naman kita aasarin, nood ka game namin next week"

"Mukha mo ano papanggap nanaman akong girlfriend mo? andun siguro si Lara noh? nako"

"Baliw wala gusto ko lang ng support galing sa pinakapanget kong kapatid"

ayan ganyan ang kuya ko mahal ako nyan pero napakamapangasar amp

"sige ano oras ba?"

"mga 4 or 3 ng hapon, hanapan kita ng jersey para magamit mo"

tumango lang ako at nagpunta na sa kwarto para kunin ung cellphone ko, chachat ko si Raine

"hoy tuloy ba tayo next week?"

"Oo kita nalang tayo dun ah?"

"Sa powerplant ba?"

"Oo kahit sa entrance na tayo magantayan"

sineen ko lang ung reply nya bago ako lumabas ng kwarto para tignan ung sinaing ko baka masunog abugbug nanaman ako kay mama

si mama at ang 4 ko pang kapatid ang kasama ko, mag dadalawang taon ng wala si papa, medyo mahirap ang buhay pero kakayanin naman, kasi andyan pa si mama at ang mga kapatid ko

syempre nagiging inspirasyon ko na den si Ashton sa buhay, napapasaya nya ko sa mga simpleng bagay, napapaiyak nya din ako minsan pag hindi nya ako napapansin

hindi sya artista pero kapatid sya ng isang sikat na artista sa panahon ngayon, sa tingin ko may plano den syang mag artista o baka uunahin nya muna ang pag aaral at pag babasketball nya

Grade 10 ako samantalang grade 11 naman sya odiba bagay kami HAHAHA matagal na nya akong fan, simula ata nung 13 years old ako HAHAHA eh mag 16 nako so tatlong taon na den

hays grabe noh? Di ko den inaakala na tatagal ng ilang taon ung paghanga ko sakanya

ako mismo ay hindi sigurado sa nanaramdaman ko, kung simpleng pag hanga lang ba'to o mas malamin pa don wala akong kasiguraduhan pero isa lang ang sigurado ko ngayon, malabong maabot ko sya, malabong magkagusto sya saken

"ate tulala ka nanaman, iniisip mo nanaman yang Ashton mo" sabi ni ella

sya ung sumunod saken, bata pa pero maldita na HAHAHA ewan ko mana sa nanay HAHA joke

"hoy ikaw bata ka!' Sabay turo sakanya "nagtupi ka na ba ng mga nilabhan? kahapon pa yon ah?" masungit na sagot ko sakanya

"nako naman ate kahapon ko pa tinupi yon"

"Aba buti naman akala ko ako pa pagtutupiin mo e, asan si atha?"

"Andon sa kwarto kasama si ellie"

di pa ako nakakasagot ay bigla nalang syang umalis, tignan mo tong batang to napaka talaga

naupo lang ako sa lamesa habang naghihintay na maluto ung sinaing ko lagot ako pag di ko binantayan to HAHA cellphone muna ko

habang nakaupo chinect ko ung story ko sa ig

153 views

mas lalo akong nagulat ng nakitang kong naview ni ashton ung story ko di ko napigilan sarili ko nagtatatalon ako HAHAHAHAH

solid ung kilig ko ampp huhu mahal na mahal ko na talaga sya huhu


/isaxx/

FinallyWhere stories live. Discover now