Simula

17 2 0
                                    

Kakagaling ko lang ng school para magpasa ng documents. Pero etong si Gab kanina pang umaga ako hindi tinetext or tinatawagan kahit goodmorning wala eh. Kaya nagdecide ako na puntahan nalang siya sakanila kahit sobrang traffic papunta.

Mona
Oli, send mo ulit sakin yung softcopy ng docu ah may dadagdag lang ako.

Nagreply muna ako kay Mona  bago ko kausapin si Gab.

"Gab, anong problema natin?" Pilit kong tinatanong sakanya kasi ayoko na ganito kami.
Maayos naman kami kahapon, nagcelebrate pa nga kami ng anniversary namin.

"Wala." Tipid na sabi ni Gab habang hinihimas si Cookie.

"Gab naman kahapon okay pa tayo ah? Ano na nangyari ngayon? Pinaprank mo ba ko? Well to tell you hindi nakakatawa." Mangiyak ngiyak kong sabi sakanya habang nakatingin sa bintana ng kwarto niya.

"Let's break up, Oli."

Napatingin ako sakanya pero hindi parin siya tumitingin sakin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot "H-ha? Nakikipaghiwalay ka?" Napatango nalang siya.

"Shit naman Gab! Ano naghintay ka lang matapos ung pangalawa nating anniversary tapos iiwan mo na ako?"

"Gab, ano ba?" Niyugyog ko yung balikat niya pero hindi niya parin ako tinitignan.

"Ganon nalang na sayo kadali yon? Ang iwan ako? Akala ko ba ako ang lakas at pahinga mo? So akala ko lang pala yon?" Naghihintay parin ako na magsalita siya.

Kinagat ko ang labi ko para hindi ako maiyak, sobrang sakit pagkatapos ka pasiyahin ng dalawang taon tapos itatapon ka lang ng parang basura.

"So hindi mo talaga ako kakausapin? Okay fine payag na ko sa gusto mo. Goodbye Gab." Tumayo na ko sa sofa kung saan kami nakaupo.

Inaayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ako ng pintuan.

"Maam Oli aalis na po kayo?" Tanong sakin ni Ate Tesa. Tumango nalang ako at ngumiti ng pilit.

Pagkalabas ko ng gate nila unti unti ng tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Tangina ang sakit eh.

Binigay ko lahat sakanya tapos iiwan lang ako?
Saan ba ko nagkulang?

Naglalakad na ako palabas ng village nila na sobrang bigat ng nararamdaman ko patawid na sana ako sa kabilang kalsada para maghintay ng masasakyang jeep pero may humaharurot na truck na parating at-

The Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon