Chapter 3

4 1 0
                                    

"Uy Oli pala pangalan mo pinasigaw mo pa ko nung first day!" Pagbibiro ni Steve habang binubuksan yung pinto ng kotse. Ngumiti nalang ako sa sinabi niya.

"Gab, ang taray naman ng bebe mo!" Tinignan ako ni Steve at ngumiti.

"Wag mo nga asarin future ko magdrive ka nalang teka saan ba kita ihahatid?" I rolled my eyes at him. "Sa vista." Tipid kong sabi at kinuha nalang ang phone sa loob ng bag ko.

"Pre open mo nga bluetooth." Napatingin naman ako sa harap ng magsalita si Gab.
Ilang sandali biglang kumanta si kupal.
"Simple lang ang pangarap ko mahalin nang katulad mo

Sana ay mapansin mo dahil

Simple lang ang pangarap ko maging ikaw at ako."

Tinitignan ako ni Gab sa rearview mirror kaya tinarayan ko siya at tumingin nalang ako sa bintana sakto kasi malapit na kami sa mall na pupuntahan ko.

Tinext ko si mommy na malapit ako.

Mom

Okay ingat ka Olive see you later!

Nasa parkway na kami ng mall siguro pwede na ako dito bumaba.

"Dito nalang ako."

"Huh? Anong dyan ka lang? Hahatid ka ni Gab no!" Si Steve habang tuloy tuloy na papasok ng parking.

"Para hindi ka na magbayad ng fee sayang lang din." Hindi nakinig si Steve at naghahanap g vacant slot para doon magpark.

"Oli hatid na kita." Lumingon siya sakin habang nakangiti. Ang creepy talaga!

"No, kaya ko na sarili ko." Like duh! Mamaya tumambay pa yan sa bakeshop ni mommy.

"No, I insist hahatid kita." Ang kulit talaga.

"Ano ako bata? First timer sa mall?" I rolled my eyes nakakainis.

Pagka-park ni Steve ay dirediretso naman akong lumabas ng kotse niya. Sumisigaw pa si Gab na hintayin ko siya pero hindi ko nalang siya pinansin.

Papasok na ko ng mall ng marinig ko yung hingal na hingal na si Gab sa tabi ko.

"A-ano ka ba! Ang bilis mo maglakad ang liit liit mo naman!" Hingal na sabi niya habang pinupunasan ng panyo ang pawis niya sa noo.

"Eh bat ka pa kasi sumunod?" Tanong ko sakanya na may halong inis.

"Wala lang." Nginitian niya parin ako kahit hingal na hingal na siya.

Malapit na ko sa bakeshop ni mommy pero kitang kita ko ang daming tao nakapila sa labas para makapasok at bumili.

"Pipila ka dyan? Nako! Aabutin ka pa ng gabi ang haba ng pila." Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad.

"Hoy wag ka ng pumila ang haba kaya."

"Hoy wag kang madaya pumila ka don bahala ka aawayin ka ng nasa unahan." Sigaw niya sakin pero wala akong pake nanay ko may ari neto.

Papasok na ko ng bakeshop ni mommy ng natanaw niya agad ako.

"Mommy! Congrats po!" Niyakap at kiniss ko siya sa cheeks.

"Buti nakaabot ka hindi pa nagsisimula. Halika pumasok ka na sa loob." Tinignan niya ung nasa likod ko. "Kasama mo ba yan anak?" Tanong ng mommy.

"Hi po tita! Ako po future son in law niyo!" Pagpapakilala ni Gab.

"Mommy wag kang maniwala dyan feeling close yan eh."

Tumawa si mommy habang inaabot ang kamay ni Gab "Ang galing mo magjome iho."

"Eh paano si Zac?" Bulong sakin ni mommy na may halong pangaasar. Nginitian ko siya at kiniliti sa tagiliran.

Katabi namin si mommy habang nagrribbon cutting. Eto naman si kupal feel na feel kasi kasali rin sa picture.

"Mrs. Ika Perez sino yung gwapo na kasama ng anak mo?" Tanong ng kakumare ni mommy.

"Ah kaklase niya yan, teka puntahan ko lang sila excuse me ha?" siya at umalis para kamustahin pa yung ibang bisita niya.

Madami rin ang mga bumili ng cupcakes and cakes ni mommy dahil kilala na ito dati pa kasi nagsimula muna siya bilang online seller.

"Grabe ang daming tao! Sa mommy mo pala ito! Yayamanin."

"Oo kaya bumili ka na!  Umalis ka na kaya naghihintay si Steve sayo."

"Sinabihan ko na yon na umalis I'll just book a grab nalang mamaya." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga tao na bumibili.

"Diwaw!"

Nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko yon sa pocket ng pants ko.

• telegram

Zacky: I have goodnews! Uuwi ako sa december.

Oli: Omg Zacky!!! Treat mo ko ha?

Zacky: Ofcourse nag ipon ako para sayo no!

Oli: Aww sweetie bestfriend!

Zacky: Bestfriend-zoned nanaman ako?

Nakangiti ako habang kausap ko si Zacky. Clinose ko yung app nang magtanong si Gab

"Ang saya mo naman.. Sino yan? Boyfriend mo?" Tanong sakin ni Gab na chismoso!

"Mind your own business please." I just gave him a fake smile. "You know what bakit hindi ka nalang umuwi wala ka naman gagawin dito." I suggested kasi totoo naman wala siyang gagawin dito kundi mang asar.

"Oh-Love-Yah gagawin ko lahat para sayo no!" He smiled at me again for the nth time.

"Can you stop smiling cause its annoying!" I rolled my eyes at him at tinignan nalang si mommy habang masayang masaya.

"Can you stop rolling your eyes? Kasi pag inulit mo yan baka mahulog na ko sayo ng tuluyan!"
He's imitating me! At ngumiti ulit siya sakin this time nawala na yung mata niya.

"Duh! Ang landi mo no! Kakakita mo lang sakin tapos ganyan ka na makaasta?"

"Na-Love at first sight ata ako sayo.." With a serious face.

"Sino na-love at first sight?" Tanong ni kuya ver habang habang ang ulo ko.

"Oh my kuya!! Buti humabol ka! Asan si dad?" Tanong ko habang yakap yakap ang braso niya.

"He's on the way already. Teka Estrada bakit nandito ka?" Tanong ni kuya

"Master hinatid ko tong kapatid mo dito." Sabay turo sakin. Tumango si kuya sakanya at hindi nagtagal nagpaalam na rin si Gab na aalis na.

"Alam mo na ba na uuwi this december si Zac?" Tanong ni kuya habang kumakain ng cookies baked by mom.

"Oo kakasabi niya lang sakin oh by the way nakalimutan ko siyang replyan. " Chineck ko muna yung time 3am na don sa LA tulog na siguro yon maglleave nalang ako ng message bago ako matulog mamaya.

"Oh ayan na pala si dad eh." Nasa entrance si dad with bouquet of pink roses pa!

Nagpalakpakan ang mga tao ng binigay ni dad kay mom ung flowers.

"Wala talaga silang pinagbago ganoon parin sila sweet na sweet parin tulad ng dati." Rinig ko habang pinaguusapan nila si mom and dad.

Tumagal ng 3 hours ang shop kaya tumulong na din ako sa pagbebenta. Si kuya naman ang nsgsserve sa dine in while me nandito sa kitchen inaayod ang mga tapos nang i-bake.

Pag-uwi namin naligo ako agad at humiga sa kama. Nagleave muna ako ng message kay Zacky bago ako matulog para pag gising niya mababasa niya na.

•telegram

Oli: Hi Zacky! Alam ko tulog ka na pero about sa bestfriend-zoned pag-usapan nalang natin yan paguwi mo dito. I miss you soooo much :)) Goodnight. Sleep na ako ha?

The Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon