Chapter 1

15 2 0
                                    

First Year, First Sem

Pagkalabas ko ng kwarto amoy ko agad ang almusal namin.

"Oli, halikan na kakain na tayo." Aya sakin ni mommy habang abala sa paghahain. Lumapit ako at nakita ko ang shanghai na paborito ko.

"Yes shanghai!" Umupo na ko katapat ni kuya Ver. At naglagay ng kanin at anim na shanghai sa plato.

"Grabe ka Oli, dahan dahan lang kaya tumataba ka na eh." Pang-aasar sakin ni kuya.

"Mataba man ako maganda parin ako no!"

"Oh nagaasaran nanaman kayo dyan ang aga aga. Goodmorning my." Bati ni daddy kami mommy.

"Kumain na tayo at may pasok pa kayo." Aya ni mommy kaya tahimik kami nagdasal at kumain na.

"Ver, isabay mo na tong kapatid mo at baka malate alam mong ang bagal niyan." Pabirong sabi ni mommy at hinalikan ako sa pisngi.

"Mommy naman eh. Maganda naman ako diba?"

"Oo mana ka sakin" niyakap ko siya at hinalikan sa noo bago ako sumakay sa kotse ni kuya.

Umalis na din kami pagkasakay ko.

"Pag may nang-asar sayo sabihin mo sakin kasi ako lang pwede gumawa non." Ngumisi siyanat tumawa.

"Para kang tanga as if naman na may mangaasar sakin no!" Iling habang tumingin sa daan.

"Maraming loko loko sa campus kaya sabihin mo lang sakin." Mukha namang seryoso at tumango nalang ako.

Mga 30 minutes din kami nasa byahe bago makarating ng school.

"Dyan yung building niyo." Turo niya sa may gawing kanan. "Text mo ko pag uwian mo ns hihintayin kita."

"Yes kuya." Sabay labas na sa kotse niya.

Nilabas ko yung assessment ko at tinignan ang floor kung saan ang unang klase ko.

Calculus - 308

Tangina math agad aga aga.

Naghihintay ako sa elevator ng may bumangga sakin.

"Ah gago." Yon lang ang nasabi ko at napatingin sa bumangga sakin.

"Anong sabi mo? Pogi?" Sabay ngiti niya sakin.

"Kapal mo." Tinarayan ko siya at tumingin na ako sa harap.

"Ah oo pogi talaga ako." Hindi ko na siya pinansin at sumakay nalang ng elevator. Ako ang huling pumasok at bago magsara ang pinto nakita ko siyang nakangiti at kumakaway.

Napailing nalang ako.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na din ako sa third floor.

Pagkapasok ko sa room sobrang ingay agad ng mga kaklase ko.

"Hi!" Bati sakin ng isang morenang babae. Kumawaykaway pa ito at tinuro yung upuan katabi niya.

Ngumiti nalang din ako "Hello! Olivia nga pala." Pagpapakilala ko sakanya.

"Mona." Ngiti niya

"Eto nga pala si Phoebe at Karlo." Nginitian nila ako at nakipag handshake din.

"Uy Olivia sama ka samin mamaya maglunch ah." Aya ni Mona habang kumakain ng nerds.

"Oo Olivia may nakita kami doon sa labas samgyup tapos may unli wings pa!" Isa pa tong si Phoebe.

"Maka-Olivia kayo Oli nalang tayo tayo rin naman magkakasama ng 4 years!" Sabay tawa ko.

"Ewan ko ba dyan kay Moana!" Matinis na sabi ni Karlo. Kaya nagulat ako nanlaki mata ko. Sa macho niya pero kalahi pala namin siya!

"Oo ghorl! Wag ka na magulat isa akong babae." Hinawi niya patagilid yung buhok niya at nagpacute pa.

Eto naman si Phoebe at Mona tawa ng tawa.

"Kung nakikita mo lang itsura mo non Oli nakakatawa!" Si Mona na tawang tawa kala mo mamamatay na.

"Tangina nanlaki mata niya nung narinig niya magsalita si Karlo!" Dumagdag pa tong si Phoebe na nakahawak pa sa tyan niya.

Pero natigil din ang ingay ng room ng dumating ang unang prof namin.

Naging maayos naman ang klase namin at puro introduction about sa Computer Science. And yes I am currently taking BS Computer Science pag bumagsak change course.

Palabas na kami ng building namin ng nakita ko nanaman tong kupal na lalaki na to.

"Pre ayan yung kwinekwento ko sa inyo! Yung sinabihan ako ng pogi sa elevator!" Sigaw niya habang tinuturo ako sa mga kaibigan niya.

Kaya pati sila Mona napatingin na din sa lalaking makapal ang mukha.

Aanhin mo ang tangos ng ilong, makapal ang kilay, mahahaba ang pilik mata at matangkad in short Oli's type kung ganyan ang ugali!

"Ikaw ba ang tinuturo non Oli?" Bulong sakin ni Karlo. Umiling ako at inaya na ulit sila maglakad.

"Uy miss ano daw pangalan mo sabi ni Gabriel Estrada Pasay City Single 09452321563." Did he just mentioned his full name, where he lives, civil status and number?

"Oh ano nilista mo ba Mona?" Tanong ni Phoebe. Teka anong nilista? Habang nakatingin ang dalawa sa tinatype ni Mona sa phone niya.

"Ano yon?" Tanong ko sakanila.

"Pangalan at number ni pogi na tumuturo sayo." Tawa pa sila ng tawa.

"Mga baliw hayaan niyo yan bukas iba na trip niyan. Tara na maghanap na tayo ng resto." At umalis na kami. Rinig ko pa rin ang sigaw ng tropa ni kupal.

"Miss ano daw pangalan mo?" Bahala kayo lakas ng trip niyo.

Nakahanap na din kami ng masarap ng resto which is ung nirecommend ng kuya ko na unli wings dito sa campus.

"Taena ang sarap dito bat hindi natin to alam?" Tanong ni Phoebe habang kumakain ng garlic parmesan na wings.

"Eh pano puro ka bonchon o kaya ramen doon oh." Nguso ni Karlo.

"Grabe ano daw pangalan mo!" Sabi ni Mona habang nakatutok sa phone niya.

"Ha? Sino nagtatanong nyan?"

Humagikgik si Mona habang pinapakita sakin yung text nila.

"Ay gago Mona you texted him!" Bat sakanya ni Karlo.

"Gaga ka alam mong trip lang nila to si Oli eh." Si Phoebe habang kumakain.

"Huwag mo na yan replyan Mona. Kumain ka na." Sabi ko at kumain na ko.

"Oo na hindi ko na kakausapin. Pero penge muna ako ng number niyong tatlo mag-usap tayo sa telegram wala akong facebook acc or ibang social media accounts eh." Sabi ni Mona habang kumakain na ng wings niya.

"Taray naman bakit?" Tanong ko sakanya.

Ngumuso si Mona. " Eh kasi pinagbawalan ako magvlog ng parents ko na-expose ko sa video ko yung mga gamit nila mama sa bag raid."

"Tanga ka dzai! Bag raid pa more!" Tinawanan pa siya ni Karlo.

"Eh basta telegram tayo lagay niyo nalang dito later after natin kumain." Sabi niya at kumain nalang.

Habang kumakain nilibot ko yung mata ko at nakita kong ang instagrammable netong food hub na to.

Kaya siguro madami ring estudyante ang kumakain dito. Masarap na ang foods ang ganda pa ng ambiance.

Pagkatapos naming kumain tinext ko agad ang kuya ko. Sakto naman na uwian na rin niya kaya hindi na ako naghintay ng matagal.

The Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon