Pag gising ko unang kong chineck ang notifs sa phone ko kasi tuloy tuloy. Galing kay Zack..
• telegram
Zacky: Ano yung about sa bestfriend thingy?
Zacky: Naccurious ako Oli.
Zacky: Parang gusto ko na magdecember. 6 months pa ang hihintayin ko.
Zacky: Btw, goodmorning sayo. Uwian ko na video call tayo later pag uwi mo?
Oli: Zackyyyy! Sorry na naccurious ka pero sa tingin ko worth it naman ang paghihintay natin..
Zacky: Olibear sabihin mo sakin sa vc hindi sa chat! More like sa personal... I miss you so much..
Oli: I will Zacky! I miss you too! Magaayos na ako at may pasok pa ko! See you later ha! MwaaaPagkatapos ko makipagusap kay Zacky bumangon na ako at nagsimula mag ayos. Naglalagay lang ako ng sunscreen at liptint nang may narinig akong kumakatok sa pintuan.
Pagbukas ko ng pinto si kuya Oliver pala. "Oh kuya bakit?"
"Baka kasi hindi tayo sabay pauwi mamaya may pupuntahan ako eh."
"Ganon ba kuya? Sige okay lang mag ggrab nalang ako." Ngumiti ako to assure him na okay lang.
"Sorry talaga Oli bukas sabay na tayo ha?" Tumango ako. "Sige kuya magaayos pa ko bababa na rin ako in 5 minutes."
"Alright." Bago umalis si kuya eh ginulo kuna ang buhok ko.
"Bwiset ka talaga!" Nagblower pa ko guguluhin lang din naman pala.
Pagkatapos ko magsuklay ulit bumaba na ko para magbreakfast.
"Olive bigay mo pala tong banana cake kay Gab yung kasama mo kahapon." Sabi ni mommy habang nilalagay sa box ang banana cale na binake niya.
"Who's who??" Tanong ni daddy habang kumakain
"Si Gab yung gwapo na sinama ni Olive sa opening ng shop ko kahapon dy." Pagpapaliwanag ni mommy.
"Gab? As far as I know si Zac ang long time hmm?" Sabi ni dad habang kimikindat sa akin.
"Dad naman!" Singhal ko.
"Oo dad! Si Zac ung na-bestfriend-zoned ni Oli for almost 7 years na!" Singit ni kuya habang ngumingisi.
"Para kayo ewan! Si Gab feeling close lang yon! At si Zacky he's special to me, okay na kayo?" Hindi pa din kasi namin napaguusapan ni Zac more like hindi ko pa inaamin what's the score between us ayoko kasi ng LDR.
"Dad, tama feeling close nga si Gab pero mabait but I like Zac syempre kilala na natin yon." Sabi naman ni mom.
"Haynako! Basta ako nagaaral at kumakain." Sabay taas ng dalawa kong kilay.
"Hinay hinay Oli baka pagdating ni Zac sa december magulat sa laki mo!" Pang aasar na naman ni kuya.
"Kaya ka di nagkakagirlfriend eh ganyan ugali mo!"
"Di ka sure sis!" Dinilaan pa ko ni kuya parang bata!
"Ah basta kay Zacky ako." Tuwang tuwa si mom napalakpak pa. Napatakip nalang ako ng mukha.
Mygahd parents...
After intriguing breakfast umalis na rin kami ni kuya papasok sa school.
"Oli let me tell you this .. I know you're too old for some sermon but please choose a better man for yourself. Ayokong makikitang umiiyak ka at nasasaktan... Ayokong dumating yung time na may masasapak akong boyfriend mo because of that. So please protect your heart.." Kuya with a serious tone makes me wanna cry. I know he's annoying always but this time he's showing his side that he can a protective brother too.