Bloody Mary

2 0 0
                                        

Kakatapos lang ng last subject at heto ako ngayon, mukhang multong naglalakad sa may hallway. Napapansin kong kanina pa ako pinagtitinginan ng mga estudyante, may nandidiri, parang natatawa at may napapailing. Sabagay, kadiri naman siguro talaga ang h
itsura ko. Walang ayos ang mukha, buhaghag ang buhok at idagdag mo pa ang sandamakmak na librong yakap-yakap ko. Ba't ba kasi lahat ng subject ay may long quiz bukas? Nanggigigil talaga ako sa mga teacher na yun.

"Oh Shit! Bloody Mary!" biglang sigaw ng isang lalaking naka varsity jacket sabay tayo at mabilis na nilagpasan ako. Nagtawanan tuloy ang mga estudyanteng nakatambay sa hallway. Bloody Mary? Diba cocktail yun? Weird.

Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na sa paglalakad. Nang nakarating ako sa may bandang science lab kung saan walang tao ay nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin galing sa likod.

"There you go." nakangiting tugon ng isang lalaki pagkatapos kumawala sa yakap na para bang satisfied pa sa kanyang ginawa. What the hell? Binigyan ko sya nang mag-asawang sampal. "THERE YOU GO!" Pang-uulit ko sa sinabi nya. He was stunned for a while na tila hindi makapaniwala sa aking ginawa. "What was that for?" He asked, confused. "ABA'T NAGTANONG KA PA? SINONG NAGBIGAY SAYO NG KARAPATANG YAKAP-YAKAPIN AKO HA? PULUTIN MO LIBRO KO! PUNYETA!"

"Woah, easy baby"

"WAG MO AKONG MA BABY-BABY AT NABUBWISET AKO SA PAGMUMUKHA MO! BA'T KA BA KASE NANGYAYAKAP? HA?" Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa galit dahil sa bastos na lalaking ito.

"A-actually m-may" He was stuttering na para bang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi.
"ANOOOOOOO?" I shrieked.
"Damn it!" He sounded completely defeated as he carried all my books and dragged me to the comfort room. "Stay there! Wag kang lalabas!" pagalit niyang tugon na wala sa sariling tinanguan ko naman. Ba't ba ako sumunod? Hays!

Ilang sandali pa nang bumalik siya at may dalang napkin. "H-hindi ko alam kung with wings ba o wala ang ginagamit mo kaya pareho na ang binili ko", namumula siyang nag-iwas ng tingin habang inaabot ito sa akin.
"A-anong gagawin ko dya-----Holy Shit!" napatakip ako nang bibig nang napagtantong.....Holy Shiiiiiiittt! Nakakahiyaaaa! Bigla kong hinablot ang napkin sa kanya at dali-daling nag lock ng pinto. Tsaka ko lang narealize na jacket pala ang itinali niya sa baywang ko kanina. Binagalan ko ang pagbibihis para siguraduhing wala na siya dun sa labas. Next time nalang ako magpasalamat, bahala na. Ngunit laking gulat ko nang maabutang nandun pa siya at nakaabang sa paglabas ko.

"Come on baby, there's nothing to be ashamed of. I'm just doing my duty as a boyfriend."
"B-boyfriend?" nagugulat kong tanong.
"Uh-hmmm, gusto kita Kate, apat na taon na.....and whether you like it or not, from now on, girlfriend na kita. Matagal na akong nagtitiis Kate, at hindi ko na kayang pigilan pa, mahal na mahal kita." aniya at niyakap ako ng mahigpit tsaka hinalikan sa noo.

Who would say no to a campus hearthrob right?
And yes, I am Kate, the campus half-nerd minus the thick eyeglasses, and he's Bryan, mabait, dean lister, basketball's MVP......a total package. A.K.A. every girl's ideal man and that's how our story started two years ago.

Pens and Paper Where stories live. Discover now