01

3 0 0
                                    

"Mama, kakadating ko lang. Tatawag nalang ako ulet mamaya, bye. "
I finally ended the call pagkatapos ng napakahabang litanya ni mama tungkol sa pagbyahe ko mag isa. Unang beses ko kasi malayo nang medyo matagal tagal sa kanila kaya sandamakmak na habilin ang inabot ko. The plane landed on time. Salamat at hindi delayed ang flight ko kanina or else aabutin ako ng gabi papunta sa bayan namin.

It's been fifteen years and my last memory of this place was my seven year old self crying for not being able to bring my cat. I rode a tricycle going to the bus terminal, actually mas advisable daw mag jeep at hindi ganun kamahal ang pamasahe but since hindi ko na gaanong matandaan kung saan ang terminal ng jeep, mas pinili ko nalang to kesa naman mahirapan ako sa bagahe ko.

Gulat pa akong bumaba pagdating ng terminal. Hindi pa ganito ang hitsura nito dati o sadyang hindi lang talaga ako ganun ka observant nung panahong iyon. It took me almost four hours bago dumating sa bayan, mabuti nalang at may naabutan pa akong jeep na masasakyan.

"Diyan lang po sa may pulang gate manong"
Saglit na napatitig ako sa salamin ng driver sa harap nang may naalala ako. Ako lang pala mag isa ang sakay at hindi naman mukhang ginagamit sa pamamasada ang jeep na ito. Natataranta na akong pumara kahit hindi pa nakarating sa mismong bababaan nang tumikhim ang driver.

"Di mo na pala talaga ako naaalala ano? "

Wtf? Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinigil nya ang sasakyan sa mismong tapat ng gate ng bahay sabay nagmamadaling umikot at tinulungan akong magbaba ng maleta. I'm still weirded out by what he said earlier. I didn't even remember seeing this old man's face back then. I was about to thank him for helping me with my luggage nang yakapin nya ako ng mahigpit. My instinct is telling me to cry for help ngunit naputol iyon nang muli siyang magsalita.

"Maligayang pagbabalik, anak. Masakit mang tanggapin na hindi mo na ako naalala ngunit masaya parin ako at nakita kitang muli."

Then he left me in shock, puzzling the words that I just heard.

Sa halip na pumasok ako sa loob ay nanatili akong nakatayo sa labas at wala sa sariling kinuha ang cellphone at tinawagan si mama. Why would a random old man claim to be my father when all I remember is buo ang pamilya ko sa Maynila bago ako umalis? Papa never called me "Anak" though pero sa pagkakaalala ko ay may tatay akong iniwan doon.

The truth hurts more than my suspicions. Buong akala ko ay anak ako sa labas ni Mama but then I found out that it was a lot worse than that. Mom was raped and as much as I hate that guy for what he did. I can't deny the little drops of happiness that I felt when I heared someone, as a father figure, called me "Anak" for the first time.

Pens and Paper Where stories live. Discover now