Bakit kung sino pa yung maraming pangarap sya pa yung makakaranas ng ganitong klase ng pag hihirap?
Ako nga pala si Claire Mariano, labing anim (16) na taong gulang. Ipinanganak na medyo may kaya sa buhay, lahat ng gusto ko naibibigay ng mga magulang ko. Honor student din ako simula elementarya hanggang ngayong sekundarya. Marami rin akong naging kaibigan at lahat sila ay mababait rin sakin. Lahat ginagawa ko para matupad ang pangarap kong maging isang doktor, nag aaral akong mabuti at kasabay din nun ang pagiging isang magaling na player sa softball. Ngunit, lahat pala ng pangarap ko ay mawawala na lang bigla sa isang iglap. Nang dahil sa isang sakit malabo ko ng matutupad ang kaisa isa kong pangarap, hindi ko na magagawa lahat ng bagay na kaya kong gawin noon. Minsan naitatanong ko sa sarili ko,
'Ano bang kasalanang nagawa ko at kailangan pang humantong sa ganito ang buhay ko?'
Dumating ako sa punto na halos mawalan na ako ng pag asang ipagpatuloy ang ganitong klase ng buhay. Minsan sinasabi ko sa sarili ko na 'sana mamatay na lang ako kesa makita ang mga magulang ko na nasasaktan at nahihirapan ng dahil sa sitwasyion ko ngayon'.
Lahat ginawa na ng mga magulang ko para lang maging maayos ang kalagayan ko pero, wala na talaga. Parang gumunaw ang mundo ko ng sabihin ng doktor sakin na 'Isang taon na lang ang maitatagal mo sa mundong ito, ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya pero mahirap pigilan ang ganito kalalang sakit na meron ka. Pasensya na pero kailangan mong tanggapin ang lahat ng 'to. Maaari mo pang gawin ang iba sa mga normal mong nagagawa noon pero, may limitasyon'.
At ngayon, sa huling taon ko ng pamamalagi sa mundong ito. Gusto kong sulitin lahat ng oras para makagawa ng isang masayang alaala. Alaalang madadala ko hanggang sa kabilang mundo. Kasama na ron ang pagkakaroon ko ng masayang alaala kasama ang pinakamamahal kong lalaki bukod kay papa.
Samahan nyo ako sa pagbuo ng alaalang ito. At sisimulan ko na ito ngayon..
-----------------------------------------------
D I S C L A I M E R
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictious manner.
Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the content of this story in any way.
Please obtain permission.
Date started: June 2, 2020
Date finished: " "-" "-" "
{아텡 민} ~