𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 5
Claire's POVDalawang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari sakin sa P.E. Class at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ng doktor sa akin. Akala ko magaling na ako. Akala ko mabubuhay na ako ng normal, pero akala lang pala ang lahat ng yon.
Dalawang linggo na rin akong umiinom ng gamot para kahit papano maging maayos ang kalagayan ko, damaged na naman daw kasi ang atay ko. Hindi ko alam kung napano, wala naman akong bisyo, lagi namang healthy ang kinakain ko kahit minsan nati-tempt na rin akong kumain ng mga street foods keya ayun napapasubo ako, konti lang naman.
Medyo nagiging ok naman ang pakiramdam ko pero syempre kahit medyo ok na pakiramdam ko kailangan ko pa rin ng limitations and I always need to consult to my family first before doing unnecessary things that may cause harm specially mabilis na akong napapagod kaya ngayon, bantay sarado ako ni kuya Clyde at nung dalawang ugok na katabi ko. Sarap sanang takasan minsan eh, kaso nagi-guilty rin ako kase syempre iniisip lang nila kapakanan ko kaya yown wala nakong nagawa..
Nandito ako ngayon sa classroom nakikinig lang sa mga kaklase kong excited na para sa darating na Acquaintance party ngayong sabado. Buti pa sila excited na sa mga susuotin, kung sinong isasayaw tapos ako? Heto walang kasiguraduhan kung tatagal pa ba sa mundong ito o hindi na, pero isa lang ang dapat at kailangan kong gawin. Ang mag pakatatag at sulitin ang bawat minutong kasama mo ang mga taong maiiwan mo pag dating ng panahon..
"Students listen, before ang araw ng sabado kailangan nyong makahanap ng partner nyo dahil may special guest tayo na inimbitahan ng school and sya ang pipili ng 'Face of the night' at ang mapipiling winners ay makakatanggap ng insentives na ten thousand cash,with sash and a crown para feel na feel ang pagiging face of the night, and also isasayaw din ng ating guest ang mananalo. So students, wear your best and dont forget to smile as always. Are you all excited for the Acquaintance party?!!" saad ni Miss Beatrice, English teacher namin
"YEEEEESSSSSSS!!!!!" Sagot ng mga kaklase kong super excited at ako?
"Maybe yes maybe no" yan na lang ang nasabi ko sa isip ko at nag buntong hininga
"You may now take your lunch" saad nya sabay alis
"Claire tara na" aya ni Baste, tahimik na lang akong sumundo sa kanila..
Pag pasok sa canteen samot sari parin ang bulungan patungkol sa magaganap na party. Nagsisimula na tuloy akong maiyak dahil unti unting nanunumbalik sakin ang mga masasayang alaala ko simula nung first year, nung first time kong maka experience ng mga ganung klase ng event sa school, idagdag pa yung kasama ko ang mga malalapit kong kaibigan. Gustong gusto ko pang dagdagan ang mga alaalang yon pero pinipigilan ako ng katotohanang konting panahon na lang ang mailalagi ko sa mundong to
Bakit ka pa kasi bumalik eh?! Masaya na ako sa normal kong pamumuhay tapos, guguluhin mo nanaman and worst tatapusin mo pa buhay ko!
Ano bang kasalanang nagawa ko at kailangan pang humantong sa ganito ang buhay ko? Tanong ko sa sarili ko
Bumalik lang ako sa wisyo ng may humawak sa pisngi ko at dahan dahang pinapahiran ang mga luhang nag uunahang kumawala sa mga mata ko..
"Ba't ka umiiyak?" Mahinang tanong ni Echo habang hawak hawak ang pisngi ko, nag iwas na lang ako ng tingin ng magtama ng paningin namin
"H-ha? W-wala 'to, napuwing lang ako" pagsisinungaling ko habang pinupunasan ang mukha ko
"Sure ka?" tanong ni Shane