𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 3
Claire's POVSinundan namin ang mag asawang Miller papunta sa dining area para maghapunan at para na rin daw pag usapan ang tungkol sa trabaho nila
"Manang Rose pakitawag na nga si Echo sa kwarto nya, sabihin mo nandito na ang mga bisita" utos ni Mrs. Miller sa maid nila
"Mr. Mariano sila na ba ang mga anak nyo?" Tanong ni Mr. Miller at nakangiting sinulyapan kami ni kuya
"Ah yes, heto nga pala ang panganay ko si Clyde at eto naman ang bunso naming si Claire, huling taon na nila ito sa sekondarya at sa susunod na taon ay magko kolehiyo na silang dalawa" nakangiting pagpapakilala saamin ni Dad
"Madalas maikwento saamin ng aking anak na si Echo ang tungkol sa pagiging mag kaibigan nila ng panganay mo at ngayon lang namin nakilala ang bunso nyong anak. Talaga namang manang-mana sainyong kagandahan at kagwapuhan ang inyong mga anak" sabat naman ni Mrs. Miller
"Maraming salamat po" sagot naming dalawa ni kuya
Mayamaya lang ay dumating na rin ang kanilang kamahalan este si Echo.
"Good evening Ma'am,Sir" bati niya kila Dad sabay bow "Good evening Clydie (smirk) and hello again Claire (wink)" palihim ko na lamang syang inirapan
"Magkakilala na pala kayo ng bunso nilang anak, Echo?" Tanong ng mommy nya
"Yes Mom, she's my classmate" sagot naman nito habang sa'kin naka tingin kaya tumingin na lang ako kay Mrs. Miller at nag pilit ng ngiti
"That's great. Ok then, lets eat"
At nagsimula na nga kaming kumain. Kaunti lang ang kinakain ko dahil nawawalan ako ng gana dala ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Napapangiwi na lang ako kapag biglang kumikirot ang gilid na parte ng tiyan ko, napansin ko naman na tumitingin sa akin si Echo kaya nagpipilit na lang ako ng ngiti.
Habang nagkukwentuhan ang mga magulang namin, nagpaalam na muna ako kay kuya na pupunta sa cr...
"Uhhmm ate saan po dito ang cr?" Tanong ko sa isang maid na nakasalubong ko
"Samahan na kita hija" prisinta nya
"Sige po,salamat po" at sinamahan na nya ako papuntang cr. Agad naman akong pumasok sa cr at doon inilabas ang isang malalim na buntong hininga na para bang ang layo ng nilakad ko at ngayon lang nakapag pahinga kahit na ilang metro lang naman. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin..
"Ano bang nangyayari sakin? Ba't parang ambilis kong mapagod tsaka lagi akong namumutla?" Tanong ko sa sarili ko. Bigla ko namang naalala yung sakit ko noon..
Pero imposible yun. Ang sabi samin ng doktor nabigyan na daw ng lunas ang sakit kong yun tsaka matagal na yun ilang taon na ang nakalipas kaya bakit bumalik nanaman?
'Hindi ko muna 'to ipapa alam kila Mom and Dad para hindi na sila mag aalala pa'. Naglagay na lang ulit ako ng kaunting powder at liptint para hindi mahalata ang pamumutla ko
Pagkatapos kong mag ayos lumabas na ako sa banyo at nagulat na lang ako ng makita kong nandun si Echo naghihintay. Dahan dahan akong lumapit dito dahil pakiramdam ko pagod na pagod na naman ako
"A-anong ginagawa mo dito?" Mahinang tanong ko
"Ba't namumutla ka kanina? May sakit kaba?" Tanong nya sabay lapat ng kamay nya sa noo at leeg ko