𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 4
Claire's POVFriday: P.E. Class*
"Guiz magpalit na daw kayo ng P.E. Uniform then pumunta na tayo sa gym sabi ni sir" anunsyo ng class president namin
Pupunta na sana ako sa cr para mag palit ng P.E. uniform ng pigilan ako ni Echo
"Much better kung wag ka na lang mag laro ng volleyball, ipapa excuse na lang kita kay sir" sabi nya
"Wag na, ok naman na ako eh tsaka hindi naman ako masyadong mag papagod" sagot ko
"Eh pano kung mahinatay ka nanaman bigla" sabat naman ni Baste
"Hindi yan, ok na ok na ako" sagot ko at hindi na nila ako mapipigilan
Pagpasok kong cr, onti lang naman ang tao kaya pumasok na ako sa bakanteng cubicle at nag palit. Sobrang ikli ng shorts na gagamitin namin para sa volleyball kaya paniguradong makikita nila ang mga pasa ko, kaya nag suot na rin ako ng medyo mahabang cycling shorts para matakpan ito at pag katapos nun lumabas na ako at dumiretso na sa gym..
Gymnasium*
"Ok class, hahatiin ko kayo sa dalawang grupo, isang grupo para sa boys at isang grupo naman para sa girls with 6 members. Sa group ng boys may isasamang isang babae at sa girls naman ganun din. Kayo na ang bahalang pumili ng babae at lalaking isasama nyo sa group nyo" explain ni Sir
First group:
Echo Miller
Sebastian Murrey
Kevin Velasquez
Justine Abinal
Miguel SorianoSecond group:
Jessica Dizon
Mery Rose Orcine
France Collins
Johana Obia
Patricia Mendez"Boys sino sa natitirang girls ang pipiliin nyo sa group?"
Tanong ni sir"Si Ms. Mariano na lang sir" sagot naman ni Kevin classmate namin
"Ok, Ms. Mariano pumunta kana sa group ng boys" sabi ni sir kaya pumunta na rin ako
"Sainyo girls?" Tanong ulit ni Sir
"Si Mr. Gaspi na lang Sir" sagot naman ni Jessica
At nag simula na nga ang game...
Nasa kalagitnaan na kami ng game at lamang na ang score namin ng bigla na lang ulit akong naka ramdam ng hilo. Napansin naman ito ni Echo kaya agad silang nag request muna ng time out..
"Yan na nga bang sinasabi ko sayo Claire eh, tigas kasi ng ulo mo" sermon nya habang inaalalayan akong maupo sa bench
"Tubig oh" sabi ni Baste sabay abot ng bottled water
"Salamat" sagot ko at ininom kaagad iyon. Hirap na hirap nanaman ako sa pag hinga kaya dahan dahan lang akong nag inhale at exhale
"Wag ka na munang sumali sa game, namumutla kana oh" sabat naman ni Justine
"Dalhin nyo na sa clinic" nag aalalang sabi ni Sir
"Claire may masakit nanaman ba sayo?" Mahinang tanong sakin ni Echo
"Wala naman, nahihilo lang talaga ako" pagsisinungaling ko kahit ang totoo may kung anong masakit na sa parte ng katawan ko na nakakadagdag pa sa hirap ng pag hinga ko. Shems naman oh ba't ka bumabalik?!
"Shit! Claire ba't may pasa ka sa braso mo?!" Natatarantang tanong ni Baste
"Masakit ba Claire?" Tanong naman ni Joseph at bahagyang pinisil yung braso ko kung saan may pasa daw
"H-hindi n-naman, I-iba yung nararamdaman k-kong s-sakit" wag na kayong mag tanong please, hirap nakong mag salita "A-argghh!" H-hindi k-ko na k-kaya!!
"Dalhin nyo na sa hospital bilis!" Sigaw ni Sir kaya nataranta na ang lahat, binuhat naman ako ni Echo pa bridal style at pinasok na sa kotse ni Baste and it all went black
***
Clyde's POV
Balak ko sana ngayong puntahan si Claire sa may gym para sermonan dahil nabalitaan kong volleyball ang sports nila ngayon at paniguradong sasama nanaman sya. Minsan na rin syang inatake ng sakit nya dahil sa paglalaro ng softball kaya mahigpit namin syang pinagbabawalan na sumama sa mga sports na ganun.
Pero ang inis na nararamdaman ko ay napalitan ng sobrang pag aalala ng malaman kong dinala sya sa hospital dahil bigla syang nag collapse at ngayon nandito ako sa kwarto nya, pinagmamasdan ang babaeng may nakalagay na dextrose at oxygen tank sa gilid at mahimbing na natutulog.
Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa non sina Mom and Dad na may nagaalalang mukha. Agad na nilapitan ni Mom ang kapatid kong nakakaawa tingnan. Hindi sya katulad ng iba na may makikita kang mga sugat sa mukha o katawan dahil ang sugat na meron sya ay nasa loob mismo ng katawan nya. Nilapitan naman ako ni Dad at doon hindi ko naiwasang maiyak ng tahimik.
Ayaw kong nakikita ang kapatid ko na nakaratay sa hospital bed at may nakalagay na kung ano anong borloloy sa katawan. Kahit alam kong hindi pa naman ganon ka lala ang nangyayare sa kanya, may parte sa akin na natatakot ng dahil sa maaaring sabihin sa amin ng doktor.
Mayamaya lang ay bumukas ulit ang pinto at pumasok ang doktor na daladala ang mensahe na ayaw kong marinig
"Doc kumusta na po ang lagay ng anak ko? Hindi pa naman sya ganun ka lala hindi ba Doc? Makakayanan pa naman nya diba?" maluha luhang tanong ni Mom
'Doc please, sabihin mo maaayos pa ang lahat. Ayaw kong nakikitang nasasaktan si Mom lalo na ang kapatid ko. Kaya please, sabihin mong gagaling pa sya, tatagal pa ang kapatid ko. Marami pa syang pangarap sa buhay, malayo pa ang mararating nya. Please Doc!'
Ngunit base sa mukha ng Doktor, agad mong malalaman ang totoo. Nagsimula na namang humagolgol sa pag iyak si Mom kaya nilapitan na ito ni Dad at niyakap. Ako rin ay nag simula na ring maiyak, lalo na sa sunod na sinabi ng Doktor
"I'm sorry Mr. and Mrs. Mariano, may taning na ang buhay ng anak nyo. Isang taon na lang ang maaari nyang itagal dito sa mundo. Kumalat na ang white blood cells sa buong katawan nya masama na rin ang patuloy na pag laki ng atay nya. Nagkaroon ng posibilidad na bumalik ang sakit nya kahit na cure na ito before. Maaaring napabayaan nya ang sarili nya o ginagawa nya ang mga bagay na ipinagbawal sakanya noon. Sa ngayon ang magagawa na lang natin ay ang painomin sya ng gamot na maaaring makatulong sa paggaling nya. Hindi ko maipapangako ang dagliang paggaling ng inyong anak pero sa ganong paraan nyo sya makakasama ng matagal" mahabang eksplenasyon ng doktor at saka umalis. Sa pag alis ng doktor ay sya ring pag tulo ng mga luha kong kanina pag naguunahan at kasabay din non ang malakas na pag iyak ni Mom
Napatingin naman ako kay Claire at bahagyang nagulat ng makita ko itong lumuluha habang nakapikit. Maaaring narinig nito ang sabi ng doktor
Claire sorry, hindi kita nabantayan ng maayos. Hindi ko nagawa ng maayos ang tungkulin ko bilang kapatid mo. Sana ako na lang ang nagdadanas ng paghihirap na meron ka ngayon. Sorry sorry
Hindi ko na nakayanan ang nakikita ko sa loob kaya napag desisyunan kong lumabas na lang at pumunta sa may rooftop ng hospital at doon inilabas ang sama ng loob..
Bakit kailangan pang maranasan ng kapatid ko ang lahat ng 'to? Bakit?!
***
{아텡 민}~