5

12 1 0
                                    


Someone's POV:

Lihim kong pinagmamasdan ang babae. Kunot noo ko tong tiningnan habang sya ay abala sa pagtitig sa mag ama habang lumuluha.

'wag ka masyadong lumuha, tipirin mo yan sa mga mangyayari pa' bulong ko sa hangin at nagsimulang maglakad.

-

Callie's POV

Mag a alas-sais na at kumakagat na ang dilim. Nakakatakot naman pala dito bakit ba wala halos liwanag? Hindi ba uso ang meralco dito?

Suot ko pa din ang jacket na nakapatong sa balikat ko kagabi. Hanggang ngayon ay pala isipan pa din sa akin kung sino ang nagbigay nun.

Hindi naman si kuya wil no?

Natampal ko ang noo ko. Nagawa mo pa talagang mag joke habang kinakabahan dito.

Umabot na ako sa parteng madilim na talaga. Nilabas ko ang phone ko at..

Dedbat??! Nako naman! Ngayon pa!

Dahan dahan akong naglakad, halos wala na akong makita. Brownout ba o wala lang talagang bahay?

"ate.." nanlaki ang mata ko nang may humawak sa paa ko ramdam kong nanigas ako si kinatatayuan ko. "ate..."

Dahan dahan akong humarap at isang cute na cute na bata ang nakahawak sa paa ko. Kahit madilim ay nag go glow ang pisngi nya hehe sana all.  "naliligaw ka ba?" lumuhod ako para maging magkapantay kami. Umiling naman sya. "eh bakit ka nandito? gabi na oh"

"eto po ohhh" taka ko syang tiningnan at napansin ko ang dala nyang lampara. Wow uso pa pala dito ang lampara.

"bigay ba to ng mama mo? Pasabi salam--" "uhmm uhmm" umiling agad sya. Huh? "eh kanino?" nagulat ako nang tumakbo to. Hala???

Ilang segundo pa bago ako maka recover. Pinag aralan ko kung paano ba gagamitin ang lampara at natutuhan ko naman.

Nagsimula na akong maglakad pero kumunot ang noo ko no'ng mapansin kong hindi na semento ang tinatapakan ko. Matunog na mga tuyong dahon na ang naaapakan ko.

Huli na nang na realized kong nasa gubat na ako. Gusto kong maiyak sa takot. Napaka dilim.

Nanatili akong tahimik habang binabaybay ang kagubatan. Ang ihip ng hangin ay tunay na nagdulot ng kilabot sa aking buong sistema.

Malamig na mga tuyong dahon ang humaplos sa aking mga paa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, hawak ang maliit na lampara na syang nagsilbing liwanag sa tinatahak na landas.

Sa di kalayuan ay isang anino ang mistulang naglalakad palayo sa tinatahak kong landas..

'sino ka?' 'pasaan ka?'

Di ko namalayan ang isang mainit na haplos ang sa akin ay humila't niyakap ako ng mahigpit.

"Huwag kang sisigaw."

Dahan dahan akong inihirap at ang kanyang labi'y tumapat sa aking tenga.

Mga linyang ibinulong, gumulo sa aking payapang mundo.

"sumama ka sakin, kung saan ligtas ka" bulong nya sa mga tenga ko.

Ramdam kong pinagpawisan ako ng maiigi ngunit di ako maka galaw. Nanginginig ang tuhod ko habang nananatili syang naka yakap.

Naramdaman ko ang mga luhang nag uunahan sa pag bagsak.

"W-wag po.."

Pero iniharap nya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko.

"Wala akong gagawing masama okay?" mahinang sabi nya.

"S-stop.. P-please lumayo k-ka sakin.." takot na takot ako ngunit hinigit nya ako.

"T-TULONG!!!!! T-TULUNGAN NYO--MMNNNM" tinakpan nya ang bibig ko.

"Shh!!" napapikit ako.

"S-sino ka ba??!" humihikbi ako sa takot habang nanginginig na nakahawak sa pulsuhan nya.

"Azai.. That's my name"





Mellifluous WhispersWhere stories live. Discover now