8

12 1 0
                                    

Callie's POV

Para akong asong naka sunod sa asungot na to. Hindi ko sya kilala pero hina highblood ako sa kanya.

May oras ka din sakin! Makalabas lang talaga tayo ng gubat na to.

"Hoy River!" di nya ako nililingon, aba suplado kala mo'y gwapo--okay gwapo sya pero ma attitude naman!

"Panget na nga bingi pa!"

"Narinig kita" narinig naman pala, e bat ayaw nya magsalita??

"Malayo pa ba tayo?" kating kati nako makalabas, maganda naman ang gubat na to pero syempre ayoko pa din! Mamaya may mga ahas pa dito, mapaaga pa ako. "I don't know, pareho lang tayong 'di taga dito"

"e taga saan ka nga ba kase?" paulit ulit nako sa tanong ko na yan mula kanina pero wala akong nakukuhang sagot. At syempre ngayon ay wala pa din.

"Teka nga! Magpahinga nga muna tayo at masakit na talaga ang paa ko." sabi ko at huminto para maupo sa isang tabi. "Grabe 24 hours ba tayo maghahanap? Anong klaseng gubat ba to?!" hindi na kami nakalabas labas. Grabe naman to.

"Alam mo mas nakakapagod dumaldal ng dumaldal kesa maglakad. Di ka ba hinihingal kakasalita mo?" sinamaan ko sya ng tingin sa sinabi nyang yon. "Wala kang pake"

"Bat ka ba napadpad dito?" natigilan ako sa tanong nya at napayuko. "Kung gusto mo lang naman sagutin." dagdag nya pa.

"Pano kung ayaw ko?" nagbikit balikat lang sya.

*sigh*

"P-pinalayas ako." tiningnan ko ang reaction nya pero wala akong nakita, parang di sya nagulat. -.- kaya nagpatuloy ako.

"Actually, bahay ni mommy yun." napangiti ako ng mapait. "Pero pinalayas ako ng step mom ko, dahil lang sa mga inis sya."

"I don't think enough na reason yun para palayasin ka." tumango ako sa sinabi nya.

"Tama ka. Hindi talaga enough at kahit anong reason nya ay di magiging enough dahil amin yun."

"Hindi ka ba pinigilan ng daddy mo?" nakagat ko ang labi ko sa narinig ko.

"S-si daddy? A-akala ko nga sya ang hero ko. Pero.." pinahid ko ang mga luhang nagsisibagsakan. "Pero umalis sya ng bansa at iniwan ako sa step mom ko." bahagya akong tumawa. "Sabi nya, it's for my own sake, but it was not and it will never be. "

"Pero bakit ka pumayag na lumayas kahit sainyo pala yun?"

"Kase kahit anong gawin ko, ibalibag ko man lahat ng gamit sa bahay, in the end, nasa step mom ko pa din ang victory." narinig kong napa singhal sya sa sinabi ko.

"Life is so unfair, indeed." tumango ako.

"kung buhay lang sana si mommy.." nalungkot ako sa sinabi kong 'yon pero naramdaman ko namang di sya mapakali. "hoy! natatae ka ba?!"tanong ko para gumaan naman ang mood pero umiwas sya ng tingin.

"halika na, tama na ang pahinga, ramdam kong malapit na tayo makalabas" nabuhayan naman ako bigla sa sinabi nya.

Nauna syang maglakad at naiwan akong naka upo.

>_< kahit kelan talaga!
-

"Ang kati kati na! Parang walang labasan to---ouch!" nauntog ako sa likod nya. Ano ba to! Bigla biglang nahinto! "We're here."

0_0

"KYAAAAAA! FINALLY!!" nagtatatakbo ako hanggang sa kalsadang walang dumadaang sasakyan.

Plano ko na sanang iwan ang asungot na yon pero nakonsensya naman ako. Sinamahan nya naman ako at wala naman syang ginawang masama bukod sa bwisitin ako.

"Tara" aya ko sa kanya at hinigit sya. Now it's my turn na higitin ka. Kaladkarin kaya kita nang padapa? 

Shkk ang bad ko!

"Nagugutom ako, kumain na tayo" dagdag ko pa at di na naman sya umimik.

Napaka moody.

Nakarating kami sa isang maliit na kainan. Parang karinderyang may iilan lamang tinda.

Kinuha ko sa bag ko ang wallet ko at..

>.<

"Ano? Wala kang dalang pera??" tanong nya kaya lumobo ang pisngi ko.

Nagugutom pa naman ako.

"Tsk, maupo ka na dyan. I'll pay for it." nahihiya naman akong naupo.

Ayan callie, ang lakas ng loob mag aya wala palang pera.

Pinanood ko sya habang abalang  nagbabayad sa tindera. May isang tanong lang sa isip ko.. 

Bakit mo ginagawa to?





Mellifluous WhispersWhere stories live. Discover now