"Oh, Dawn? You go home na?"
Nagmamadali akong ligpitin ang mga gamit ko. Kakatapos lang mag dismiss ni sir, kailangan kong magmadali para makauwi na agad ng bahay, jusmeyo!
"We'll go to funfair, what? you G?" I smiledly look at her. Gustuhin ko mang sumama pero hindi maaari. I have responsibility waiting for me at home. At alam kong hindi din ako gustong makasama ng grupo nya.
"Pasensya na talaga. Pero kailangan ko na kasing umuwi. Naghihintay na si Lucianna sa bahay." Mapait na sabi ko rito.
Claudia rolled her eyes at bumuntong hininga nalang dahil siya lang ang nakakaalam kung ano ang mga kinakaabalahan ko. Her brows furrowed when she saw bruises in my arms. Mabilis nya akong nilapitan at sinuri.
"What happened here? Don't tell me si Baltam nanaman may pakana nito? Omygad Dacy Wynona. Hindi ka pa ba nagsasawa? I told you don't stay in that freaking house anymore. Stay with me instead. Manirahan nalang kayo saakin ng kapatid mo, malaki naman ang condo ko kesa sa tuwing nakikita kita kung hindi tinatrangkaso may mga pasa naman, and your mother didn't care pa. Omy! Kung hindi lang talaga husband ng mom mo yun, I'll kill that demon! Omg! Sorry Papa God." Tinampal pa nito ang bibig ng may masabing hindi maganda. Napailing nalang ako sa inasal nya.
"Opo, madam. Yakang yaka ko 'to noh." Sinabayan ko pa iyon ng galaw ng kamay. Napailing na lang siya. Napangisi naman ako.
Nagpaalam na ako sakanya ng matapos kong ligpitin ang mga gamit ko. Tinawag naman siya ng mga barkada nya. Hindi ako kasama sa grupo nila. Ilang sila saakin, dahil hindi nila matanggap na dukha lang ako. Hindi naman lahat ay may ayaw saakin dito, marami pa rin naman akong nakakasama at nakakausap.
Si Claudia, iba siya sa grupo nya, minsan nga naabutan nya ang mga kasamahan nya na pinagsasabihan ako ng masama tapos pinagsasabihan nya rin na kung hindi nila ako titigilan, hindi na siya sasama sakanila.
Hindi pwedeng iwan nya ang mga kaibigan nya ng dahil lang saakin. Mas nauna nilang nakilala si Claudia.
Nakakatawa kasi sobrang opposite ng estado namin sa buhay pero andito siya lagi. Pinapatunayan na walang masasabi ang estado sa buhay ang pakikipag halubilo sa isang tao. Anak siya ng Governor dito kaya malaki ang respeto sakanya ng lahat.
Pero hindi maganda ang relasyon nila ng Papa nya, kaya hindi siya naninirahan kila Governor, may sarili itong condo na malapit lang naman din dito sa University
Nang makalabas sa gate isang magarang sasakyan ang bumungad saakin.
"Ano? Tara hatid na kita pauwi." Baste said willingly. Napailing nalang ako at sumakay na sa passenger seat.
Palagi nya itong ginagawa. Dahil may kapalit naman iyon.
"Oh, ano raw?" Curious na tanong nito sakin habang nasa daan ang paningin.
"Ako na-iistress sayo. Wag ka ngang torpe, sige ka baka maagawan ka. Padami ng padami pa naman ang nakapaligid sakanya," Pananakot ko dito. Bigla naman siyang napa preno. At buti nalang naka seatbelt ako. Gago, akala ko madededs na ako.
"Seryoso ka ba? Nung nakaraan konti lang naman sila. Jusmiyo, Dami ko namang karibal sa lasong yon." Di makapaniwalang ani nito. Inis ko itong binalingan.
"Gago ka! Bakit ka pumreno?"
"Nakakagulat ka!"
"Walang nakakagulat doon! Nangangarap ka ng pangarap din ng iba," Inis kong sabi. Nagsimula naman siya ulit magmaneho.
"Ilan sila?" Tanong nito ulit. Napailing nalang ako. Kulit!
"Aba, ewan ko sayo," reklamo ko.
"Hala, baka maunahan ako." Mukhang wala sa sariling banggit nito. Hindi ata alam na may kasama siya.