Chapter 3

1 0 0
                                    

"Ate, ang ganda ng mga mata mo noh? Niresearch ko yan. Ang sabi pa, yan daw ang pinaka rare na mata sa buong mundo, it is estimated that only two percent of the people has it." biglang saad ni Lucianna, natawa naman ako. Yun din naman ang sabi ng iba.

"Hmm, feeling ko nga may super powers ako. Tapos ako ang tatapos kay cardo," Sinabi ko yun habang binibilog ang naipong bubbles na galing sa sinasabunan kong labahan at itinapon sa kanya na kunwari ay powers ko.

Napatayo naman ito sa inuupuan nyang bato sa may gilid. Malakas akong tumawa ng nanliliit na mata nya akong tinignan.

"Ate naman eh, wala na basa na ako." Nakasimangot nitong saad. "Tulungan nalang kasi kita dyan." lalapit na sana siya pero mabilis ko syang itinigil gamit ang kamay ko na nagsasabing huminto ka dyan.

"Balik, umupo ka dyan," panenermon ko dito. Tigas ng ulo. Sabing di pwede.

"Kukusutin lang naman eh," pangungulit pa nito. Tinaasan ko lang ito ng kilay. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa inuupuan nya kanina.

"Ininom mo na ang mga gamot mo?" pang iiba ko ng topic, tumango naman ito.

"Good,"

"Ano oras ka nga pala tutulong sa karinderya nila Aling Maning, Ate?" tanong nito. Alas sais palang ata ng umaga, five thirty ako nagsimulang maglaba eh.

Pag gising ko kanina, inasikaso ko na agad ang umagahan nila, tapos dumeretso na agad ako dito sa paglalaba. Nagising din ng maaga si Lucianna kaya sinamahan nya ako dito sa likod ng bahay.

May bakuran kami dito sa likod tapos sa likod naman ng bakuran ay puro palayan na ang makikita sa malawak na lupain.

"Pagkatapos ko rito, dederetso na ako doon," paliwanag ko. Sabado ngayon at walang pasok. May mga pumupunta pa rin naman sa school para sa mga hahabuling projects. Friday pa lang ay pinapasa ko na talaga ang mga school works ko para mailaan na ang sabado sa pag tulong ko sa karinderya.

Nilingon ko ulit ito, at napa kunot ang noo ko ng makitang busy ito sa kakatext.

"Hoy! Lucianna, anong nginingiti ngiti mo dyan? Sino yang ka text mo?" nanlaki naman ang mga mata nito at mabilis na tinago sang cellphone nya sa likod.

"Ha? Anong ka text Ate? Wala, wala akong katext," deny pa nito.

"Wag ako Lucianna, alam ko yang mga ganyan. Parehas kayo ni Kaloy, kaya wag mo 'kong inuuto." Mas lalo namang nanlalaki ang mga mata nito ng mabanggit ko ang pangalan ni Kaloy.

"Ano ba Ate.. ano ba yang pinagsasabi mo.."

"Pinapaalala ko lang Lucianna, bawal pa ang boyfriend boyfriend na yan, saka na pagnakatapos ka na ng college, Intends?" paalala ko, malungkot naman itong tumango.

Napabuntong hininga ako. Di pwede yun sa kanya, paano pag nagbreak sila? iiyak siya, di nya kaya yun. Sobrang nakakasama yun sa kalusugan nya at yun ang kinakatakot ko. Mahal na mahal ko ang kapatid ko kaya di ako papayag na, baby ko siya tapos paiiyakin lang siya ng ibang tao.

"Sige na, sige na, Maligo ka na doon sa loob. Basa ka na oh, baka ano pang mangyari sayo." tumayo na siya at pumagpag.

"Okay, Labyu Ate," pahabol pa nito at mabilis na tumakbo papasok kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Lucianna!! Wag kang tumakbo!!" sigaw ko dito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, narinig nya naman yun at naglakad nalang. Nakahinga ako ng maluwag.

Napa iling nalang ako at nagpatuloy na ako sa paglalaba.

"Ano bang sinisigaw sigaw mo dyan, ang aga aga pa," Napalingon ako kay nanay ng lumabas siya dito sa likod.

"Wala po nay," Lumapit naman ito at may dalang isang basket ng labahin.

Darkest Escape (Desiderium Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon