"Tangina ka talaga! Wala kang kwenta! Alam kong may pera ka dyan! Akin na! Wala ka na ngang ginawa dito kundi ang maging perwisyo!" Sigaw nito saakin at hinalughog ang buong kwarto namin ni Lucianna,
"Asan na?! Ilalabas mo, o ikaw ang papalayasin ko?!" pilit nito habang ginugulo ang cabinet, nanlaki ang mga mata ko ng makita nya ang box na tinataguan ko ng perang pinapasweldo ni Aling maning sakin,
"Tay, wag po! ipandadagdag ko po yan sa pambiling gamot ni Lucianna," tutol ko dito ng makuha niya na ang naipon kong pera para sa pambiling gamot, paubos na kasi ang gamot ni Lucianna,
"Wala akong pake! Humanap ka ng ibang pambiling gamot ni Lucianna!" galit na sigaw nito at pabagsak na isinarado ang pinto ng kwarto ng makalabas ito.
Nanghihina akong napaupo sa kama dahil sa nangyari, parang gusto kong sambunutan ang sarili ko dahil sa katangahan, dapat sa iba ko nalang itinigo yun. Napabuntong hininga ako.
Bukod kasi sa ipinambibili ng mga kakailanganin ko sa school at personal na kailangan, yung pinapaweldo saakin ni Aling Maning ay tinatabi ko din ako para sa mga gamot ni Lucianna.
Ang sweldo kasi ni Nanay ay para lang talaga pambayad sa kuryente at tubig, pati na rin sa pangkain nila araw araw. Si tatay naman ay walang trabaho dahil ayaw nyang magtrabaho. Kundi sugal ang pinagkakaabalahan, umiinom din ito.
Naawa na nga ako kay nanay dahil alam kong pagod na siya, kahit hindi nya sabihin ay nakikita ko sa katawan nya, hindi pa nakakatulong ang bisyo nyang paninigarilyo.
Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera. Ayos lang kung hindi muna ako papasa sa school nung latest naming project dahil pwede naman yung habulin pero yung gamot ni Lucianna, mababaliw ako. Hindi siya pwedeng mag skip ng pag inom. Napahilamos ako sa mukha ko.
Sinulyapan ko ang braso ko, medyo mahapdi ang paghampas nya ng bat at namumula pa iyon. Nagsimula nalang akong linisin ang kalat sa kwarto.
Paglabas ko ng sala, naabutan ko si tatay kasama pa ang tatlong barkada nito na nag iinuman. Wala pa si Lucianna at ang paalam nya kaninang umaga na late siyang uuwi, dahil may tatapusin pa silang project sa school.
"Uy, pre, maganda talaga 'to si dawn. Maputi na makinis pa," biglang sabi ng kasamahan ni tatay kaya nabaling ang atensyon nilang apat saakin.
"Oo nga Baltam, baka naman kahit isang gabi lang pahiram mo naman itong anak anakan mo, tapos ako na sasagot sa susunod nating inuman," at tumawa sila, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko gusto ko nalang manapak
"Anong tinatayo tayo mo dyan?! Lumapit ka dito, narinig mo ba ang sabi ni Lito?" galit na saad ni tatay, kumabog naman ang dibdib ko
"Maghahanap pa po ako ng pambiling gamot ni Lucianna 'tay," nakayukong sabi ko, Tumawa naman iyong isang kasamahan nila
"Wag ka ng mag alala dawn, ako ng gagastos ng gamot ni Lucianna, basta sakin ka sa isang gabi," ani pa nito, bigla namang tumayo ang balahibo ko
"Oh?! narinig mo? sumama ka kay Dodong para may gamot na si Lucianna," utos naman ni tatay. Mabilis akong umiling,
"Ano?!!" tumayo si tatay at mabilis akong nilapitan at sinampal, napahawak naman ako sa pisngi ko
"Papatayin mo ang kapatid mo?! Ang dali lang ng pinapagawa sayo bakit di mo magawa?!" Sigaw ulit nito at bago pa man ako man nya ako masampal ulit ay may nagsalita na
"Dawn, Lumabas ka na," malumanay na utos ni nanay ng pumasok siya sa bahay, naiiyak akong humarap sakanya, ganun pa din ang reaksyon sa tuwing palagi niya akong nakikitang sinasaktan ng asawa nya.
Mabilis akong tumakbo palabas, ansakit ng dibdib ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta, lakad takbo ang ginawa ko para mas madaling makaalis sa pamamahay na yun. Medyo padilim na rin, bigla akong napaluhod at napahagulgol.