Diyos..
Bakit may Diyos dito?
Luh, Gago. Di pa naman siguro ako deds noh? Napalingon lingon naman ako sa paligid. Wala namang mga anghel. Nasa Cavinthesa pa rin naman ako. Hindi naman 'to langit. Nakahinga ako ng maluwag, akala ko nasagasaan na'ko habang naglalakad pauwi. Thanks papa god.
Napalingon ulit ako sakanya. Ganon pa din expression nya. Luh, pucha. Unfair nga ng mundo. Nakakunot ang noo nya habang naka pameywang ang isang kamay at ang isa ay hawak ang cellphone at may kausap. Wow, sana all iphone.
He's like a god na bumyahe pa ata galing mount olympus. Ito ba yung napag aralan namin tungkol sa greek mythology?
He's in a messy hair. Medyo may kahabaan kasi ang buhok nya at inaabot na ang kilay nya sa harap. Sinadya nya ba yon? Ang pogi. From his perfect well defined jawline up to his sinful red lips. The perfect sculpture of his pointed nose up to the perfect sketch of his thick eyebrows. Then down to his dangerous culptivating eyes. It has the most well combined deep blue ocean and gray. Sobrang perfect ng pagkakahulma ng mukha nya.
Hala, Lord. Favoritism ka ha.
Ang laki.. ang laki ng katawan. He's fit. Ginamit nya ba lahat ng mga materials sa gym? Nakasuot siya ng white polo longsleeves na bukas ang tatlong butones. Na tamang tama lang talaga sa katawan nya at black khaki pants.
"Sana all," wala sa sariling banggit ko.
"I'll call you later." ako ba kausap nya? tanga. Yung sa cellphone, bobo mo.
Grabe pati boses. Katayong balahibo.
"Miss? Do you know where I can find a repairing shop here?" Oy, gaga. Ikaw na ang kausap. Taray! Porenjer. Mukhang mapapasabak tayo neto.
"Ah--" teka di ko rin alam. Wala naman kaming kotse. Ah baka si Baste may alam siya.
"Wait, I'll just call some help." Putol ko. Kinuha ko naman cellphone ko sa bulsa ng suot kong hoodie jacket. Dali dali kong hinanap agad pangalan ni baste at tinawagan. Sinagot nya naman kaagad.
Calling Negro
"Hoy, gago. May alam ka bang talyer dito?" bungad ko sakanya
"Tangina ka, dawn."
Tarantado, pinatayan ako. Tulog na ata. Tinawagan ko ulit. Dahan dahan akong napangisi. Mukhang may mapipikon ngayong gabi.
"Ano ba! San ka nag carnap ha?"
"Wow, judger ka na,"
"Kaasar, natutulog na eh." Rinig ko na ang inis sa boses nya. Matatawa na sana ako ng may marinig akong tumikhim. Napalingon naman ako sakanya. Inis itong nakatingin saakin.
"What? Matagal pa ba?" Nanlaki ang mga mata ko ng tumagalog siya. Luh, Attitude.
"Hoy, dawn. Ano yan? Hala ka, ba't ka may lalake?"
Kung nakikita ko lang siguro ito, matatawa ako kung paanong lalaki ang mata nya ng sabay.
"Anong lalake? tarantado! Wag na nga lang. Nagbago na isip ko." Inis kong sabi dito atsaka siya pinatayan. Kanina pa 'tong backfire sakin ha.
Inis ko itong nilingon. Sayang pogi sana. Pero attitude eh.
"Wala. Wala akong alam. Sige." Paalam ko na dito. At naglakad na ulit pauwi. Hindi pa ako nakakalayo ng sumunod siya saakin.
"Oy, ano yan? Ba't ka sumusunod?" Napahinto ako at binalingan siya sa tabi ko.
Ang tangkad. Hanggang dibdib nya lang ako, Kaya tumingala pa ako."I thought you will help me?"