Paglubog ng Araw

56 33 0
                                    

"Hey," nilingon ko ang lalaking may-ari ng boses. Kaibigan ito ng pinsan ko na galing Maynila. Matagal narin kaming magkakilala dahil taga dito lang din sila, pero lumipat lang ng Maynila nang magkaroon ito ng magandang offer galing sa isang kilalang kompanya doon.

Ngumiti ako sa kanya at saka pinagpag ang bakanteng espasiyo sa aking inuupuan. Dahan dahan siyang umupo saka bumaling sa dereksyon kung saan ako nakatingin.

"Why are you here?" tanong nito sa akin. Tinignan ko siya saglit saka nagbuntong hininga.

"Hinihintay lumubog ang araw." malumanay kong sagot.

Ramdam ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Mapakla akong ngumiti at saka tumayo.

"Tara na," aya ko sa kanya, kumunot ang noo nito sabay kamot sa ulo.

"Akala ko ba hihintayin mo ang paglubog ng araw?"

Marahan akong umiling at saka mabagal na naglakad.

"Nagbago na ang isip ko."

Naguguluhan man sa biglang pag-iba ng mood ko, tumayo rin ito saka naglakad ng mabilis para maabutan ako.

Habang naglalakad pauwi hindi matigil ang lalaking ito sa pangugulit.

"Bakit nga nagbago ang isip mo?"

Pang-ilang tanong niya na ba ito sa akin? Nanatili lang akong tahimik at patuloy sa paglalakad. Knowing him, hindi ito titigil hangat hindi ako sumasagot sa tanong nito.

"Bakit-" napatigil ito sa muling pagtatanong dahil bigla akong tumigil at mataman siyang tinitigan.

"Gusto ko kasi mapag-isa pero bigla kang dumating, kaya ayon nawalan na ako ng ganang ipagpatuloy ang nais ko." deretso kong sagot sa kanya.

"Sungit." dinig kong bulong nito.

Sumunod pa ang mga araw na ganun ang ginagawa ko. Uupo ako sa paborito kong upuang kahoy at maghihintay nang paglubog ng araw.
Sa mga araw na yun mag-isa na lang akong nakatambay at tahimik na nakatitig sa mapulang kalangitan.
Paulit-ulit kong ginagawa yun at ni minsan hindi ako nagsawang gawin iyon.

Isang hapon, gayon na lang ang pagtataka ko nang madatnan kong nandoon na siya at prenting nakaupo sa kahoy. Palinga-linga din ito na tila may hinihintay.
Biglang umaliwalas ang mukha nito nang makita ako. Ngumiti siya sakin sabay kinaway ang kaliwang kamay. Tipid akong ngumiti at naglakad patungo sa kanya.

Nanatili akong nakatayo sa gilid. Hindi ako mapakali, gusto kong magtanong kung bakit siya nandito at kung bakit hindi na siya bumalik ng mga sumunod na araw. Pero hindi ko mahanap ang dila ko.

"Ayaw mo bang umupo?" tanong niya habang pinapagpag ang paborito kong pwesto.

Ngumiti ako sa kanya saka umupo ng tahimik.
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Na miss mo ba ako?" basag niya sa katahimikan ng paligid.

Tumango lang ako bilang sagot ngunit ang aking mga mata ay nakatanaw lang sa papalubog na araw.

Napakaganda talaga pagmasdan ang araw kapag lulubog na. Ang kulay asul na langit ay unti-unti nang nagiging pula at ang paligid ay malapit na magdilim. May mga munting bituin narin akong nakikita at sumisilip narin ang liwanag ng buwan.

"Na miss din kita." biglang nawala ang atensiyon ko sa kalangitan.

Nilingon ko siya ngunit hindi ito sa akin nakatingin kundi sa kalangitan.
Nang maramdaman nitong nakatitig parin ako sa kanya saka na lamang siya bumaling na may ngiti sa labi.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa mga titig nito, kaya ako na mismo ang nag-iwas ng paningin ko.

Oneshots CollectionWhere stories live. Discover now