"Did I deserve this treatment? Did I do something wrong? Feeling ko lahat na lang ng mali nakikita niyo sa akin pero yung mga tama at mabuti ko bang nagagawa napapansin niyo rin? Diba hindi!
Bulag at makasarili kasi kayo. Gusto niyo ipakita at ipangalandakan ko pa na may nagawa akong tama. Para ano? Para maliitin? Para masabihan niyo na naman ng "yan pa nga lang nagagawa mo ipinagmamalaki mo na." alam niyo ba kung gaano kahirap magpanggap na matatag ako sa kabila ng mga masasakit na salitang binabato niyo sa akin?
Hindi ako bato! May damdamin din ako! Nasasaktan din ako, humihina din ang loob ko, umiiyak din ako, nadudurog din ako, nauubos din ako! Pero kayo, sarili niyo lang ang iniintindi niyo, sarili niyo lang ang mahalaga sa inyo!
Hindi naman pwede na gagawa lang ako kapag nakatingin kayo at kapag nakatalikod na kayo uupo na lang ako sa isang tabi! Kung pwede ko lang sabihin na "HOY! ANG DAMI KONG GINAWA NA HINDI MO NAKITA AT SAKA TAPOS KO NA LAHAT KAYA NAGPAPAHINGA NA AKO!" pero hindi ako ganoong klaseng tao.
Gusto niyong malaman kung anong ginawa ko para matapos na to? Simple lang naman, nakita niyo naman siguro ang basag na salamin sa kwarto ko. Oo, yun nga yung ginamit ko para unti untiing kitilin ang sarili kong buhay, total wala naman akong kwenta sa inyo kahit sa pagiging tao ko na lang sana kung naibigay niyo ang nararapat na trato para sa akin hindi ako aabot sa puntong ito.
Ang sarap sa pakiramdam na nakakaramdam pa pala ako ng sakit, ang akala ko kasi naubos ko na lahat ng pakiramdam ko sa inyo ang akala ko naging manhid na ako ng tuluyan. Napapangiti pa nga ako habang hinihiwa ang kaliwang pulso ko, nakita niyo naman siguro kung gaano kakalat ang dugo ko diba? Sinadya ko talaga yun para naman may maiwan akong remembrance sa inyo.
Hindi pa nga ako nakuntento pati nga leeg ko diba? Nakita niyo naman siguro kung gaano kalalim ang hiwang ginawa ko doon.
Umiyak ba kayo o nagsisi? Kung oo ang sagot niyo. Oh my gosh, meron pa pala kayo nun? Nakakatawa ano? Kung kailan wala na ako saka kayo iiyak, saka kayo magsisisi, nakakakonsensiya ba? Wag kayong makonsensiya dahil wala kayo nun!
Nasa huli nga ang pagsisisi, by the way tatapusin ko na to. Sinusulat ko pala to habang patuloy na lumalabas ang dugo sa pulso ko, pasensiya na at may mga bahid ng dugo."
Para akong naupos na kandila pagkatapos ko mabasa ang sulat ng aking kapatid, naghalo na ang luha at sipon ko at wala akong pakialam kung may mga taong nakatingin sa akin.
"Lyra, patawad bunso nahuli si Ate hindi ko alam, hindi ko alam Lyra." pinukol ko ng masamang tingin ang pamilya ng aking tiya.
Sinugod ko sila at pinaghahampas hanggang sa mapagod ako.
"Pinagkatiwala ko sa inyo ang kapatid ko! Iniwan ko siya ng buhay pero bakit ganito? Bakit pagbalik ko malamig na bangkay na ang nadatnan ko?" sigaw ko na kahit ako nabingi sa sarili kong boses.
"Patawarin mo kami Lera, hindi namin alam." umiiyak na ani ng anking tiya.
"Hindi ko kayo mapapatawad! Hinding hindi. Kakainin kayo ng konsensiya niyo habang nabubuhay kayo, hanggang sa kabilang buhay uusigin kayo nito! Kayo ng buong pamilya mo!" sigaw ko sa aking tiya habang umiiyak ng malakas.
Tinalikuran ko sila at lumabas ng morgue.
1 year later
Nabalitan na lang ni Lera na ang bahay ng kanyang tiya ay kabilang sa mga maraming bahay na nasunog. Walang nakaligtas kahit isa sa pamilya nito lahat tinupok ng apoy.