start--
Aijenna
Naglalakad ako ngayon, namasyal kasi kami, ako ang nautusang bumili ng meryenda. Patuloy ako sa paglalakad nang mapahinto ako.
SAINT JAMES ACADEMY
Hanggang ngayon buo parin yung pangalan at logo ng school. Tinitignan ko lang 'to bumabalik agad yung mga alaala, nung highschool pa kami. Habang hindi ko namamalayan, napangiti ako.
*flashback*
Nagmamadali ako ngayong tumatakbo papunta sa room, late na kasi ako ng gising eh. Malapit na ako sa room nang bigla akong harangin ni Charles. Psh, ayan na naman eh. 'Yung panira ng araw.
"Good morning baby!" At sino siya para tawagin akong baby?
"Ano na naman ba Charles?! Manggugulo ka na naman ba?! Kung pwede ba huwag ngayon okay?!Malelate na nga ako haharang-harang ka pa!! Alis!! Shoo!" Tinulak ko siya para makadaan ako, pero humarang ulit, kainis!
"Ano ba naman baby? Gusto ko lang namang batiin ang napakaganda kong girlfriend!!" Ano!? Girlfriend daw? Girlfriend niya mukha niya!! Pwe!
"HINDI MO AKO GIRLFRIEND AT HINDI KITA BOYFRIEND! MAHAHIMIK KA DIYAN!" Nilakasan ko yung pagsigaw ko sa mukha niya para damang dama niya talaga. Pero masyado ata yung lakas kaya may lumabas na teacher dun sa isang room. Patay.
"Ms. Corpuz! Mr. Junio! What are you doing there? Hindi niyo ba alam na nakakadisturbo kayo? Ang ingay niyo diyan, ha?"
"Eh ma'am kasi siya po eh!! Nagmamadali ako tapos haharang harang!!"
"Eh gusto lang naman kitang batiin eh. Ikaw naman diyan sigaw ng sigaw," napangiwi ako nung mag-pout siya. Kadiri.
"Eh kasi i--"
"Kayo ang babata niyo pa naglalandian na kayo ah! Study first! Dun kayo maglandian sa mga walang nakakarinig!" sabi ni ma'am sabay turo dun sa malayo.
"Ma'am di po kami nag--" magsasalita pa sana ako pero naputol na naman iyon ni Ma'am.
"Get your detention slip!!"
"Ma'am--"
"Now!"
Putek naman oh. Nakakahiya talaga. Nakakahiya. Pinagtitinginan tuloy kami ngayon! Ito naman kasing Charles na 'to eh!! Kung di sana siya sagabal edi hindi ako made-detention! First subject na nga mami-miss ko pa. I mean mamimiss naming dalawa. Classmate ko kasi 'tong mokong na 'to eh. Ewan ko kung bakit napasok sa Section A.
"Pano ba yan baby, sabay tayong kukuha ng detention slip natin. Hehe," nakakainis niyang sabi at ngumiti ng nakakaloko. Pigilan niyo ako at baka masapak ko 'to ngayon din.
"Kuha ka magisa mo. Kukuha rin ako mag-isa ko." Inirapan ko siya at dumiretso sa office.
Wala akong oras para makipagtalo NA NAMAN sa Charles na 'yan. Naku! Mabuti na akng at maganda 'ko. Tss.
--Office
"Ms. Corpuz, napapadalas na yata ang pagpunta mo dito dahil sa detention. May problema ba? Kung mauulit pa 'to baka ilipat ka na lower section," sabi ni Ma'am. Ito na nga ba ang pinagaalala ko eh.Ako pa naman ang top 3 sa amin. Kasi si Charles kasi eh! Kasalanan niya lahat ng 'to!
"Eh kasi po Ma'am si Charles--"naputol yung sinasabi ko nang bigla may bumukas ng pinto, hingal na hingal, si Charles.
"Baby ano ba!! Sabi ko sabay tayo eh!!"
BINABASA MO ANG
I hate you!
Teen FictionAijenna walks by and passed by their old school. Looking at it's whole figure brings back the memories. {this is a story based on flashbacks}