finale

250 13 7
                                    

Para akong isang baliw na pilit pa ring inaalala ang iba pang mga alaala nung highschool kami. Nakakakilig lang. Kahit ngayong mag-asawa na kami, hindi ko pa rin maiwasang mamula kung pakikiligin ako ng unggoy na 'yun. Pati 'yung mga anak namin -si Charlie at Jenn-kinikilig rin. Aba, marunong kiligin ang kambal.

Tapos may narinig akong tumatakbo sa likod ko.

"Honey! Ba't ang tagal mo? Naghihintay na sina Charlie dun oh!"

"Honey tignan mo oh, diba diyan nagsimula yung love story natin?" tanong ko sa kanya. Napangiti siya at hinakbayan ako.

"Oo nga. Alam mo ba, pinilit ko yung sarili ko noong magreview para lang makapasok ako sa Section A. Kasi nung unang kita ko sayo, nainlove agad ako. Kaya nung nalaman kong section A ah, pinilit kong magreview para maging classmate ka. Ganun kita kamahal."

"Ows? Talaga? Ganun ba talaga ako kaganda? Haha."

Alam niyo? Kanina ko pa pinipigilang kiligin. Kaso wa effect eh, unggoy pa rin ang unggoy na 'to.

"O tara na bilis! Naghihintay na sila doon."

"Ha? Wala silang kasama?" natatataranta kong tanong. 'Wag niyong sabihing iniwan niya ang mga anak namin doon?

"Nandun naman si Alexa eh."

Yeah, si Alexa. Ang pinaka-bestfriend ko. I owe her much.

Oo nga pala, bumalik na kami sa park pagkabili namin ng pagkain. Nandun pala si Alexa, kasama sina Charlie at Jenn. Ang cute nilang tingnan lalo na't ang puputi nilang tatlo.

"O ba't ang tagal niyo?" tanong ni Alexa

"MOMMY!" sabay na sigaw naman ng kambal.

"Eh kasi yang si honey kung ano ano pang inimagine. Haha" singit naman ni Charles kaya inirapan ko siya ng pabiro.

"Hindi yun imagination, memories 'yun," pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

"Ows? Akala mo hindi ko alam na kinikilig ka habang nakatayo ka doon? Siguro inaalala mo 'yung mga kilig moments natin 'yung highschool? Uyyy, aminin!"

Ang sabi nila,"30% of highschool relationships do not succeed at all."

Pero akalain niyo 'yun? Nakayanan ko si Charles. Ang swerte nga namin at nakasama kami sa 70%.

May konting pasasalamat rin ako sa mga kaibigan ko. Bakit? Kung hindi ba nila ako iniwan doon sa plaza nung mayroon sana kaming outing maaamin ba namin ni Charles sa isa't-isa ang feeling namin at maisusuot niya ba sa akin 'yung heart na kwintas? Tatanungin niya ba ako kung pwede ba siyang manligaw? Makikilala ko ba ang feeling close na ate niya?

Hindi ko inasahan ito. Akala ko hanggang "bakulaw," "unggoy," "halimaw," lang ang turing ko sa kanya. Pero ngayon? Nah.

Engineer na siya ngayon at ako naman ay isang architect. Oh diba, saan ka pa?

I really love him so much. Together with our twins.

"Paano kung sabihin kong tama ang hinala mo?" Ngumisi naman ako.

"Bakit, totoo naman talaga, ah!"

Pakunwari naman naman akong nagtampo.

"Uyy sorry na Baby Ko! 'Di na po mauulit! Love you!"

Pasimple akong kinilig at naririnig ko ang tawanan ni Akexa at ng mga anak namin.

Charles Junio!

Nakakainis ka!

I hate you!

I hate you!

I HATE YOUUU!!!!!

Leche.

--end

I hate you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon