--the next day
Naglalakad ako ngayon sa corridor, nakakapagtaka, walang nambubulabog sa akin. Saan kaya si Charles? Nakarating na ako sa room pero wala pa din siya. Is he mad? Bakit naman siya magagalit? Bakit ko ba iniisip ang unggoy na 'yun?
"Aij!" tawag sa akin ni Ally. Ngumiti lang ako. Bakit wala si Charles? Nilibot ko yung mata ko sa buong classroom pero wala talaga.
"Rhuz! Wala si Charles!" biglang sabi ni Alvincent. Paano niya nalaman? Eh ito namang ako, nagpapa-indenial,
"Sinong nagsabing hinahanap ko siya?" mataray kong tanong.
"Sus! Halata naman eh! Haha!" pangangasar niya at binilatan ako. Tss.
Mayamaya pa ay dumating na rin 'yung teacher namin. Pero bago magdiscuss, may sinabi muna siya.
"Umm class, excused ngayon si Charles kasi may susunduin daw sila sa airport."
Ah, ganun naman pala 'yun. Akala ko kasi galit siya. Again, bakit siya magagalit?
Natapos 'yung klase na hindi ko namamalayan. Busy ako kakaisip kay Charles. Wala siya ngayon, dahil may susunduin sila sa airport, pero iba iniisip ko. Iniisip ko na wala siya doon kasi nagtampo siya. Hindi pwede. Hindi ko siya pwedeng magustuhan.
--canteen
"Huy Aij, bat tulala ka diyan?"
"AY KABAYONG NAGING BAKLA!" nagulat na naman ako.
"Ano? Kabayong naging bakla? Meganon?" tanong niya na nagpupumigil sa pagtawa.
"Kasi naman Alexa eh, wag ka namang manggugulat," naiiritang sabi ko sabay inom ng juice.
"Hindi ako nanggugulat. Ikaw ang nagulat," palusot niya.
"Ano ba'ng kailangan mo?"
"Napansin ko kasi na tulala ka diyan kaya nilapitan kita. May problema ba?"
"Ah ummm. Wala naman."
"Tss. The truth."
"Wala nga."
"Asus, miss mo si Charles 'noh?"Mutik ko nang maibuga yung inumin ko nung sinabi niya yun. Si Charles? Namimiss ko? Pffft. Patahulin niyo muna ang ibon.
Idenial Aij. Tss.
"Hindi 'no."
"Liars go to hell."
"Hindi nga."
"Defensive."
"ISA PA ALEXA ITATAPON KO TO SAYO!!!"tumayo ako at hinablot 'yung isang juice. Ewan ko kung bakit kanina pa ako umiinom ng juice. Siguro pang-eleven ko na itong iniinom ko ngayon na itatapon ko dapat kay Alex. Bahala na kung maihi-ihi ako mamaya ng isang balde.
"Kaya mo? Bleeeh," pangangasar niya tas umalis ng canteen. Kahit kailan talaga ang sama nung nerd na yun. Masapak nga mamaya, kung makaasta akala mo single din eh dalawa na ang nagiging boyfriend. Tsk.
"Ganyan talaga ang buhay, Parang life."
"Ah sht!" nagmura na naman ako. Eh si Cesar kasi, sulpot ng sulpot.
"Cussers go to hell," at tulad ni Alexa, binelatan niya rin ako tas umalis. Bakit ba ang malas ko ngayon?
--from canteen
Galing na ako ngayon sa canteen, naglalakad pauwi. Half day lang kasi kami eh. Napadaan ako dun sa tambayan nina Charles. Himala. Nandun sina Alexa at Ally.
BINABASA MO ANG
I hate you!
Teen FictionAijenna walks by and passed by their old school. Looking at it's whole figure brings back the memories. {this is a story based on flashbacks}