special chapter

409 19 10
                                    

Kanina tinawagan ako ni Charles, magkita raw kami doon sa St. James. Ang sabi niya pa, magdress raw ako ng simple pero maganda. ewan ko lang kung ano ang pumasok sa isip ng mokong na 'yun at bigla-bigla na lang tatawag. Siguro suprise date? Nah, he's already busted. Matagal na niya 'yung ginagawa.

Pero pagdating ko doon, madilim. Ano na naman ba ang balak ng Charles na 'yun? Dark date? Kukunin ko na sana ang cellphone ko sa bulsa ng dress ko para tawagan siya kaya lang may napansin akong note sa may paanan ko.

Diretso lang.

Eh?

Sinunod ko naman 'yung utos ng note na 'yun,dumeretso ako. Habang naglalakad may nakikita akong kaunting liwanag. May mga lights sa gilid. Nung makarating ako sa dulo may nakita akong flowers. Teka? Ano na naman bang pakulo nitong si Charles at may violin violin pang nalalaman? Oo, may tumutugtog ng violin, yung Romantic. Huminto ako. Huminto ako dun sa place na dati nilang tambayan. Mayamaya lumiwanag. Nakita ko nalang si Charles sa tabi ko. Siyempre nagulat ako. May hawak siyang michrophone. Tapos naka formal wear. Anong meron? Nalilito na ako ha.

"Hi baby," nagulat ako nang bigla siyang magsalita at ngumiti.

"May naaalala ka ba sa petsa na 'to?" tanong niya ulit bago pa naman ako makapagreact.

"Y-yung date na sinagot kita? 'Yung after graduation. April 8 20**."

Napangiti siya sa sagot ko. Bakit mali ba?

"'Di ba nung date na 'yun tinanong mo ako kung pwede ba ako na maging other half mo?" tanong niya tas ngumiti ulit.

"Teka lang! Inisahan mo kaya ako nun!"

"Pero 'di ba tinanong mo pa rin ako?"

"Oo nga!"

Ano na naman ba? Baka itong pagka-romantic niya mauwi na naman sa pagtatalo namin. Ang dami niyang alam, date lang tapos naka black tux pa siya.

"Ngayon ako naman ang magtatanong."

"Ano 'yun?"

"Aijenna Rhuz Corpuz.."

Nagulat ako nang bigla siyang may kinuha na maliit na kahon sa bulsa niya at lumuhod. Don't tell me...

"Will you marry me?"

Hindi ako makasagot. Biglang nagsilabasan sina Alexa, Ally, Alvincent, Pagasa, Cesar, at 'yung iba pa naming mga kaibigan. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

Kahit naman hindi niya 'to gawin isa pa rin ang sasabihin ko eh. Kahit simpleng proposal lang? Okay na ako doon. Baka nga ako mismo ang magpropose sa kanya eh.

Ano pa nga ba?

"Are you insane? Of course YES!"

---

Note ni Jae:

P.S Kapag umabot ka pa dito, mahal na mahal kita. Huhu TuT Btw, dedicated to RogRogXD. One shot dati ito na hinati lang. Huhuhuhu. Labyu all. <3

I hate you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon