Third Person POV.
"Who wants to join the battle?!"
Nangibabaw ang sigaw ng MC sa Gangster World o GW sa Europe sa mga oras na iyon.
Nagaganap ang isang labanan sa mga pinakang malalakas na gangster ngayon ang araw. Maglalaban laban ang lahat para tignan kung mayroon bang tataas o bababa sa kanilang Ranggo.
Sa kasalukuyan ay nangunguna ang Deadly Gang. Sila ang pinakang malakas sa lahat ng Gangster sa Mundo. Kinakatakutan ang mga ito dahil kahit sino ay walang may gusto na kumalaban sa kanila dahil siguradong patay ka at hindi ka nila palalampasin.
May ilang mga lumaban sa kanila pero ngayon ay mga malalamig na bangkay nalang ang mga ito. Natahimik sa Gangster Field dahil kahit isa sa kanila ay ayaw na makalaban ang grupo bukod sa malalakas sila ay kapag nakaalitan mo ito ay siguradong tatargiten ka ng Organization nila.
Sa Gangster World ay mayroong mga Organization. Mag kaiba pa ang Gangster sa Organization. Dipende sa Gangster kung gugustuhin nyang pumasok sa organization pero karamihan sa kanila ay may kasaling organisasyon dahil mas nagiging malakas ang kapit nila kapag nabanggit ang pangalan ng organisasyon na sinalihan nila.
Nangunguna sa Organization ang Hanzon Organization susunod ang Blackjack organization at pangatlo at panghuli sa Big 3 ay ang Isagami Organization.
Kapag napunta ka sa Organization isa sa mga iyan ay sure na ang lakas ng kapit mo dahil organization mo palang ikatatakot na nila.
Pero nito lang mga nakaraang araw ay mayroong biglang Organization ang nangibabaw at nanguna sa kanilang lahat na syang pumalit sa Pwesto ng Hanzon Organization , ito ay ang Yakuza Organization.
Naging malaking usapin yan sa mundo ng mga Gangster. Kung inaakala nyo ay mga kurakot lang ang meron sa mundo ay nagkakamali kayo nanjajaan ang mga Organization na syang mas namumuno sa mga Politika dahil mas makapangyarihan ang organization kesa sa Senado.
Nagagawa nilang pasunudin ang Senado gamit lamang ang pera. Legal ang mga Organization kaya hindi sila pinapakialaman ng mga Pulisya pero ang hindi nila alam ay illegal ang mga ginagawa ng nasa Organization.
Pumapatay kung gugustuhin nila. Nangunguha ng mga bata. Nagbebenta ng mga bata,nag aangkat ng mga illegal na baril, at higit sa lahat ay nagbebenta ng droga.
Sa nagdaang araw na nanguna ang Yakuza Organization ay natahimik ang mga Organization. Napigil ang mga transaksyon nila dahil sa Organization na hindi nila kinatuwa. Kaya ngayon ay halos magsama sama ang lahat ng organization para mapabagsak ang Yakuza pero hindi nila ito magalaw galaw.
Dahil kung sino man ang inutusan ng kada org. Na pasukin ang organization ay nalalaman nalang nila kinabukasan na patay na ang mga ito.
Balik tayo sa Laban.
"I think No one wants to encounter with our Rank-"
Napatigil ang MC sa pagsasalita ng biglang bumukas ang malaking pintuan na nasa itaas na syang pasukan at labasan ng mga tao.
Ang Gangster Field kasi ay pailalim , pababa ng pababa ang mga upuan at ang pintuan ay nasa pinakang itaas nito. Malaki ang Gangster Field hindi iyon pangkaraniwan lamang dahil malaking pera ang ginastos para maisagawa iyon.
Natahimik ang mga tao at nakita nila ang isang bulto ng babae na nakatayo sa pintuan at nakamasid sa kanila. Lahat ng Tao ay nakalingon sa kanya dahil sa oras na magsara na ang pintuan ng Field ay wala ng makakapasok at makakalabas mula doon.
Makakalabas lang ang mga nasa loob kung palalabasin na sila ng MC. Punong puno ng seguridad ang lugar na iyon kaya sigurado silang hindi basta bastang may makakapanggulo sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Girl Is A Goddess [COMPLETED]
FantasyShe is the Gangster Queen A Cold Hearted Girl Everyone in the Organization wants her dead But They are all ended with a cold dead body But what if She found something or should I say Someone on the Organization that is Really Unbelievable to accep...