CHAPSKY #14

1.8K 64 2
                                    

Bakit ang tahimik nila? Di ba nila na appreciate effort ko? mygash

"WALA BA KAYONG MGA KAMAY JAN?!! PALAKPAKAN NAMAN OH!!! BATUKAN KO KAYO LAHAT JAN EH!"

Sigaw ko at nabigla naman silang lahat kaya nung pumalakpak na sila nilapitan na ako ng teacher namin.

" Okay iha, pwede ka ng umupo kahit saan"
sabi ng teacher namin kaya nilibot ko ang mga mata ko. May empty chair doon sa katabi ng babaeng may violet na eyes tsaka yung sa teacher's table..hmm mas feel ko yung teacher's table hihihi doon nlang ako kasi mas malaki pa ang table niya kaysa sa mga table ng mga classmate ko.

Pumunta na ako sa teacher's table at tsaka umupo doon. Nagtaka ako kung bakit lahat sila nakatingin sakin? Hayss ano bang problema nila? naiinggit ba sila sakin kasi malaki pa ang table ko sakanila?

" MS. IVY! WHAT DO YOU THINK YOU ARE DOING?"

Grabe na si mam guys!!! mura ng mura sa akin lengya siya!!

" MAAM! WAG MO NGA AKONG MURAHIN! RESPECT NAMAN OH!"
sigaw ko pero parang mas lalo pa siyang nagalit?

" BAKIT KA JAN NAKAUPO?"

ehh?? baliw ba siya? eh siya nag sabi pwede akong umupo kahit saan

" EHH MAM MAY NAGSABI KASI SAKIN KANINA NA PWEDE AKONG UMUPO KAHIT SAAN EHH SA GUSTO KO ANG TABLE NA TO!"

" Wag ka jan umupo, para sa teacher lang yan, dito ka sa tabi ko." Napatingin naman ako sa babae na may violet na eyes. Grabe ang weird niya talaga pero ang ganda pa rin niya kahit walang emosyon ang face niya.

" Ehh, sabi niya kahit saan!!"

" LEAVE THAT TABLE AND SIT BESIDE ME!" Sheyttt nagmura na naman yung ghurl kaya tumayo na ako at gaya ng sinabi niya umupo na ako sa tabi niya.

Grabe wala naman akong kinakatakutan pero malakas ang epekto ng babae nito sakin mygashh

" THANK YOU MS. REYES"

BLAH BLAH BLAH TSK!

Nagsimula na ang klase namin at bilang isang mabait na estudyante, natulog ako hihihihi....nagising lang ako ng tinapik ako ng babae na katabi ko na Ms.Reyes daw ang pangalan.

" Hey, its break time already"

sasabihin ko na sana na wag akong murahin pero inunahan na niya ako

"Hindi kita minumura, sabi ko snack na natin kaya tumayo ka na jan!"

Ehh paki ko ba kung snack na?

" Eh ano naman ngayon?" sabi ko

" Wala, share ko lang😒 geh alis nako"
sagot naman niya tsaka umalis sa room namin. Ako nalang pala ang natira, buti ginising ako ni ms.reyes hahaha

Hmmm.....pupunta na rin siguro ako sa canteen tutal gutom na rin ako. Ay wait--- kailangan ko pa palang pumunta sa principal para sabihin na i can buy everything i want hahaha bongga!!

Pagkatapos kung puntahan ang principal binigyan niya akong ng card and sabi niya ipakita ko lang daw yun sa cashier.

WOWWWWWW!! DI NAMAN SINABI NI DRAK NA BONGGA PALA ANG CANTEEN NIYA!! AND ANG MAS MAGANDA PA JAN........THERE IS MANY MANY MILO😍😍😍😍😍

Buti nalang talaga at walang masyadong nakapila kaya bumili ako ng 5 sachet ng milo tsaka isang chuckie with matching cookies and cream na ice cream😍

Kung ganito pala kaganda ang buhay ng mga estudyante, abah! araw arawin ko na ang pag-aaral hahaha charot lang

Hindi ako sa canteen umupo kasi mas trip ko ang tahimik na lugar kaya napag-isipan kong pumunta sa rooftop.

Pagpunta ko roon parang ayaw ko ng umalis mga beshh ang ganda ng rooftop ni gurang!! May garden tapos meron pang private room na hula kong may bed jan or di kaya tv...hihihihi i will get that room😍😍

nilagay ko ang pagkain ko sa mini table na malapit lang sa parang private room tsaka nagsimulang kumain. After 10 minutes nagulat ako dahil biglang nag appear sa harap ko si ghurl the violet eyes. Stalker ba to? bakit sunod ng sunod ito sakin?

" Ghurl, sorry pero im not tomboy"
sabi ko sabay inom ng chuckie ko

" huh? pinagsasabi mo jan? di kita type and im not following you, ako ang naka-una dito, nakatulog lang ako jan sa loob ng room na yan"

tekaaa----may nagmamay-ari na jan??? ehhhhhhhh

" Sayo yan???? ang daya mo naman ghurl!! haysss magpapatayo nalang ako ng bago dito tsk!"

" Anyways, im Violet Reyes....nice to meet you....?

" Ahh...Ako si Ivy the walang paki....naks! bumagay ang pangalan mo sa mata mo ghurl" sabi ko tapos bigla naman lumaki ang mga mata niya.

" Nakikita mo ba ang violet na eyes ko? seryoso?"

"Hindi ako bulag ghurl! Naglagay ka lang siguro ng contact lens kaya hindi halata"

" No...wala akong contact lens and believe it or not, hindi nila alam na violet ang eyes ko. Wala pang nakakita sa kulay ng mata ko except for me and my family----and now you"

Edi wow? Ano ngayon sis?

" AHH CONGRATS TO ME HIHIHI"
sabi ko nalang tsaka tinapos ang kinain ko

" Hey ivy, can we be friends?"

" WAG MO NGA AKO MINUMU----"

" HAYSS SABI KO PWEDE BA TAYONG MAGING KAIBIGAN??"

sheytt!!! ano daw? kaibigan? wala sa dictionary ko ang salitang kaibigan...pero mygashh paano ako makakatanggi kung nakatitig sakin ang magandang mata ng violet na to....Ang ganda talaga ng eyes niyaa

" Ahh ehh bakit?"

" Dont be shock but----aishh eto na magtatagalog na! Wala rin akong kaibigan kasi di ko rin yan trip pero nung nakilala kita, parang gusto kitang maging kaibigan kaya pwede ba?"

" Para kang nanliligaw ghurl hahahah charot okay sige, friends na tayo hihihi"

Wala naman sigurong masama kung idagdag ko sa dictionary ko ang word na friend dba?

" THANK YOUUUUU IVYYY!!!"

OKAYY??? BAKIT NAG-IBA ANG ATTITUDE NIYA?????? MYGASHHH BALIW TALAGA!! BIGLA NALANG NAGING CHILDISH NA EWAN

"  Huy ghurl! anyare sayo?"

"Masaya lang ako ivy, tara na? tapos na breaktime natin" Masayang sabi niya kaya ngumiti nalang ako

Bumaba na kami sa rooftop and guess what? ANG CLINGYYY NIYAAAA!!! dikit siya ng dikit sakin tapos kapag nag-uusap kami ang bait niya tapos laging nakasmile pero kapag kausap niya ang ibang tao bumalik ang pagka cold niya like sa nangyari kanina

~~~~~~~~FLASHBACK~~~~~~~

Habang papunta kani ni violet sa room namin, nag-uusap kami about sa mga activities and events dito sa school and siya pala ang president ng student council. Napahinto kami ng biglang may lumapit sa amin.

"What do you need?" cold na sabi ni violet

" Pres, sabi ni mam kung na pass mo na ang mga documents sa kanya?"

Officer pala ito ni violet.....ang sosyal niya grabe siyaa

" Yes, tell Mam Richie that i will be the one to deliver that documents to her"

Mygashhh kawawa naman yung officer niya....minumura nanaman niya hayss ang cold niya ulit. Tumango nalang ang officer niya tsaka umalis. Nabigla na lang ako dahil nakangiti na ulit si violet sa akin

" Hihihihi sorry ivy, tara na? magsisimula na ang klase natin"

Ngumiti lang ako at nagsimula na ulit kaming lumakad. Ang ganda ng life ko mga sis, may maarte akong aso, may baliw na Drak at ngayon may split personality akong kaibigan 🤦 Ako lang talaga ang normal





THE LOST HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon