CHAPSKY #17

1.8K 64 2
                                    

Pinakita na sa akin ni violet ang secret room niya at gaya ng sinabi ko, everything is violet🤦

Naglibot-libot muna ako sa secret room niya habang nilalaro ni violet si skyvee. Huminto ako sa tapad ng isang picture frame. May dalawang sanggol na babae tapos parehas silang violet ang mata pero yung isa parang light violet.

Sino kaya sila? Pero infairness ang ganda nila kahit baby pa lang.

" Ako yan at ang kambal ko bez"

"AYYYY KAMBAL NA PALAKA!!! ----BEZ NAMAN ANG HILIG MO TALAGANG MANG GULAT"

"hihihi sorry bez....siya si Purple kambal ko yan pero nakilala ko lang siya nung 3yrs old ako kaya naging ganito ang ugali ko sa kanila. Namatay daw siya nung pinanganak siya haysss, Hindi kami identical twins pero sabi ni mama parehas kaming violet ang mata tapos may birthmark sa likod. Ang saya siguro kung nandito siya"

" Wag ka ng malungkot bez dahil alam kong si purple nakarating na sa masayang lugar at binabantayan ka niya. Malay mo multuhin ka niya hihihi jokee lang. Pero Bez alam mo ba, hindi naman ibig sabihin kung namatay na siya, hindi mo na siya mararamdaman. She is here with you all the time, you just need to believe and feel her presence. Naks english yun bez ha"

" hahahaha tama ka bez, sana masaya nga si purple....Gusto mo bang dito nalang mag dinner? Tutal parating na si mama"

" Ahh wag na bez, nakalimutan ko kasing  may gagawin pa pala ako ngayong gabi kaya sorry. Thank you dahil pinatuloy mo ako sa house niyo ha, aalis na kami ni skyvee bez"

Ayaw ko ng magtagal sa bahay nila kasi may gagawin pa ako mamaya. Nagpaalam na ako kay Violet at dumiretso na sa mansyon ni drak.

~~~~~At the mansion~~~~~

Sinubukan kong e track ang location ni drak kasi hanggang ngayon wala pa rin siyang paramdam. May nararamdaman kasi akong may nangyaring masama kay drak. Haysss ang kulit naman kasi ng gurang na yan!! kahit saan saan na lang pumupunta!!!

"YES!! SA WAKAS!!"

tekaaa-- bakit nandito siya sa pilipinas? Akala ko ba nagpapagamot siya ngayon?

Ni locate ko ang gps niya and nagulat ako dahil na sa abandoned house ito.

Sheeytttt!!!!!! Dali dali akong tumayo at kinuha ang mga baril ko. Buti nalang tulog si skyvee. Dahan dahan akong umalis at sumakay sa motorbike ni drak.
Hindi ko maiwasang mag-alala dahil siya nalang ang natitira sa akin tapos mawawala pa siya?

" Drak! Pag may nangyaring masama sayo ako ang tatapos sayo huhuhu lengya ka ba't mo ako pinag-alala"

Pagdating ko sa abandoned house, agad akong bumaba at tumago sa may puno. Bakit andami nila dito?!! aishhh kainis bahala na nga. Wala na akong panahon mag tagu-taguan kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko at agad pinaulan ng mga bala ang mga kaaway

" MAY NAKAPASOK!!!!"

Tanga! wag excited hoy! na sa labas pa ako wag kang shunga.

Pagkatapos kong ubusin lahat ng mga kawal nila ay agad akong pumasok. Sheytt ang baho dito!

" DRAK!!! NASAAN KANG GURANG KA!!!"

Hindi ba uso sakanila ang ilaw? ba't ang dilim?!! Nabigla ako ng may pumalakpak sa may likuran ko kaya agad akong lumingon. Kahit walang ilaw alam kong pangit ang gagong ito tsk!

" IT TOOK YOU LONG ENOUGH TO BE HERE PRINCESS"

"HOY!!! WAG MO AKONG MINUMURA!! PATAYIN KITA JAN EH!!"

" HAHAHAHA YOUR FUNNY, SO HINAHANAP MO RAW YUNG MATANDANG YUN TAMA BA?"

wow may pakpak nga ang chismis
tsk!

" CHISMOSA KA PALA! HOY! PWEDENG PAKI-ON NG ILAW? HIYANG HIYA NAMAN AKO SA ITSURA MO"

Promise ang dilim dito kahit ipikit mo ang mata mo, wala ka pa ring makikitang liwanag

" SORRY, PUMUNTA DITO ANG MERALCO KAYA PINUTOL NILA ANG KURYENTE"

HUH? ANUDAW??? MERALCO??

" PINAGSASABI MO JAN? NAKA DRUGS KA BA? TAMA NA NGA ANG DALDALAN! NASAAN SIYA?!"

" Tumingin ka sa right side mo" sabi niya

" TANGA KA BA?!!! PAANO AKO LILINGON KUNG WALA DIN NAMAN AKONG MAKIKITA BWESIT!" 

Narinig kong may kinuha siyang bagay sa sahig tapos biglang umilaw ang mukha niya. WOWWWW NAGTITIPID SI MANONG AT TALAGANG SA MUKHA NIYA TINAPAT ANG FLASHLIGHT HA!

" ANG POGI MONG UNGGOY TOL! BAHALA KA JAN PAPATAYIN NA KITA!"

babarilin ko na sana siya ng may sumigaw sa bandang likuran ko

" IVY WAG!!!!! NASA KANYA ANG KAILANGAN KO AT HINDI KO PA YUN NAKUKUHA!!!"

Drak??

" ANO BANG KAILANGAN MO DITO SA KANYA DRAK? PAMBIHIRA KA NAMAN EH!"

Ugh!!! gusto ko na ng action pero daldalan ang nangyayari dito kainis!

" EH NA SA KANYA YUNG KWINTAS KO!! PINAGAWA KO PA YAN TAPOS BIGLA NA LANG NIYA KINUHA!!!"

KWINTAS?!! PARA LANG SA KWINTAS?!!!

Kahit hindi ko makita si drak alam kong naka pout yung gurang na yun! Tae sinayang ko lang pala ang oras ko dito!

" BAHALA KA JAN DRAK! AALIS NA AKO BYEEE!!" sigaw ko at nagsimulang lumakad palayo sa kanila

Wala akong paki kung babarilin ako kasi
di rin naman nila ako makikita duhh ang dilim kaya. 

" UYYY BATA TEKA LANG!!! PAMBIHIRA GINAWA NIYO AKONG OUTCAST!"

Tsk! Huminto ako sa paglalakad ko at agad siyang binaril sa paa kaya bigla siyang napasigaw sa sakit. Natandaan ko na yung pagmumukha ng unggoy na to. Siya yung leader ng isang gang kung saan pinasunog nila ang isang bahay ampunan noong nakaraang taon. Hindi sila mahagilap ng mga pulis kasi ewan ko sa kanila baka nagtago sila sa zoo😒

" Drak, sure ka bang importante yung kwintas na yun sayo?" Tanong ko kay drak habang palapit sa posisyon ni unggoy. Buti talaga nagdala siya ng flashlight kaya nakikita ko ang pagmumukha niya.

Sumigaw naman si drak ng "Oo" kaya agad kong sinuntok ang tiyan ni unggoy.

" Tol, alam mo bang sinira mo ang bonding moments ko sa kaibigan ko?!!! Alam mo bang kakain na sana ako sa kanila ng dinner?!!! ALAM MO BA YUN?! DI BA HINDI?! PUTEK BAKIT KA BA NAGNANAKAW NG KWINTAS?!! SA LAHAT NG TAO DITO SA MUNDO, BAKIT YANG GURANG PA NA YAN ANG NINAKAWAN MOOO?!!"


"UYY IVY AKO BA ANG PINAPARINIG MO?" rinig kong sigaw ni drak

" Heh! tumahimik ka muna jan drak nakuu naiinis ako sayo. Hoy! unggoy kung ayaw mong mamatay, ibigay mo na yung lintek na kwintas na yan kundi!"

Lagat ng inis at galit ko nilabas ko sa unggoy na yun. Ramdam ko ang takot at kaba sa unggoy na to at dahan dahan niyang ibinigay sakin ang kwintas ni drak.

"Madali ka lang pala kausap ehh!! Oh siya dun ka na sa labas, may naghihintay sayo tol!"

Dahil nabaril yung mga paa niya, gumapang na lamang siya sa sahig papunta sa labas. Yung naghihintay pala sa kaniya ay mga pulis. Kahit assasin kami, nagkasundo kami sa mga pulis na mga masasamang tao lang ang papatayin namin or huhulihin.

Paano ko natawagan ang mga pulis? Simple lang, may pinindot ako sa relo ko habang nakatalikod ako kanina. Automatic na mag sesend ng signal sa kanila kung nasaan kami.

Hayyy sa wakas natapos na rin. Nilapitan ko na si drak at binigay sa kanya ang kwintas niya. Hindi ko masyado nakita yun kasi wala akong paki. Nagpasalamat naman si drak at sumabay na sa akin papunta sa mansyon. Nilagpasan lang namin ang mga pulis kasi busy din naman sila at wala akong paki!

"Drak, hindi pa tayo tapos! Lagot ka sakin pag-uwi natin!" Ngumiti lang siya na parang baliw haysss

THE LOST HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon