CHAPTER 5

42 21 2
                                    

CHAPTER 5: Offer from Asher


Four days na mula nang maganap ang kumpetisyon. At hindi pa din ako maka get-over.

“Inom-inom din ng tubig, baka ma-dehydrate ka niyan” Ani Shamilla.

Napangisi na lang ako dahil kaganina pa nga ako nakatambay dito sa tambayan ko at nagmumuni-muni lang.

“Dalhan mo na lang ako ng tubig” Sagot ko at agad naman na siyang napa "oh sige".

Ano na ba ang susunod ko'ng gagawin ngayon? O, may dapat ba akong gawin? Kaso, pahinga ko naman ngayon kaya tatambay na lang muna ako. Sige na, ito na nga lang. Tatambay na lang talaga ako buong araw.

“Oh ito na, yung tubig mo” Saad nito at inabot sa akin ang jug at baso.

“Ano ba yan, bakit mo dinala pati yung pitsel? Pwede namang yung baso na lang” Reklamo ko sa kaniya.

“Para hindi na pabalik-balik, reklamo ka pa diyan dinalhan ka na nga eh” Sabi pa niya at napangiti ng pilit.

“Siya nga pala, may tumawag kanina sa cellphone mo no'ng pumunta ka sa plaza, gusto ka daw niya maka-usap. Kaso, sabi ko tawag na lang siya ulit pag nakarating ka na”

Paliwanag niya pa at iniabot din sa akin ang cellphone ko. Sino naman kaya 'yon?

“Sino?”

“Unregistered number eh”

Unregistered? Paano naman nito nakuha yung number ko? At SINO naman kaya 'yon?

“Hindi kaya si red hair?” Tanong ko sa kaniya.

“Hindi eh, lalaki yung boses. Baka naman admirer mo Alexa! Ohh shet!”

Napakunot noo naman ako sa sinagot niya. Admirer eh? Tsk.

“Antayin na lang natin pag tumawag ulit siya”

Sabi pa niya, talagang aantayin namin dahil walang akong load pantawag pabalik. At ayaw ko din mag load.

“Sino?”

Muntik na kaming mapatalon ni Shamilla sa gulat sa biglaang pag sulpot ni Irine.

“Ay! Punyawa!” Bulalas ni Shamilla, late reaction ampucha.

“Pfft” May pagpipigil ko'ng tawa.

“So, sino nga yun? HOY” Tanong niyang muli nang hindi namin siya sagutin sa una niyang tanong.

“Ahh, i dunno” Sagot ko.

“Gusto niya daw maka-usap si Alexa eh, hindi ko naman alam kung sino 'yon. Unregistered. Baka nga admirer niya eh. Boses pa lang ang gwapo na” Epal naman ni Shamilla.

What the heck? Napairap na lang ako.

“Waahhh! Really Alexa? OMG. Baka nga admirer mo 'yon tapos liligawan ka niya, magiging kayo, ikakasal kayo tapos—OMG!”

Isa pa to'ng uto uto, advance thinker pa. Jusme.

“Ahhhhh! Ahhhhh!”

Tili pa nilang dalawa habang magkahawak ng kamay, na ikinataas naman ng kilay ko.

“Joke lang.” Agad na bawi ni Irine at nag piece sign pa nang seryoso ko lang silang pinagmasdan.

Na-upo siya at tinabihan ako. Na-upo naman sa harap namin sa Shamilla. Walang may kumibo at kapwa magkatinginan lang kami sa isa't isa.

A minute of silence.

Nang biglang mag ring ang phone ko, naagaw ng atensyon 'non ng dalawa. Tinitigan ko pa ang screen ng phone ko bago sagutin ang unregistered number.

Queen of the Waves [On-going]Where stories live. Discover now