CHAPTER 6

26 16 4
                                    

CHAPTER 6: Naomi Vergara


“Talaga Alexa?! Isasama mo din kami?! Yeahh!” masayang saad nito.

Hindi ko na ito pinansin at tumuon na lang sa pag-aayos ng sarili. Ipapakilala ko sila kay Ash dahil sa naging usapan nga namin noong nakaraan. At para na din makapag-fill up na kami ng form para sa contract namin.

“Saan pupunta 'yon?” tanong ni Irine.

“Mag-aayos lang daw siya” sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

“Huh? Kanina pa siya nag-aayos ah? Hindi pa rin natatapos?” napailing na lang ako. Ganyan talaga pag excited.

Nang muling makabalik si Shamilla ay umalis na kami, baka bumalik na naman ulit sa bahay nila at mag-ayos.

“Phew, hahaha”

Napakurap-kurap pa ako nang mapatingin sa gawi niya. Masyado ata siyang nag-ayos.

“Para namang makikipag date ka? Ba't ka ba excited na excited?” tanong sa kaniya ni Irine na nakapansin din ng ayos niya.

Because she wear maong fitted jeans, a hoodie sweatshirt, and a three inch heels. Madalas kasing naka short lang siya at nagsasapatos pag umaalis kami. Hmm...

“Eh, kasi di'ba nga?! Sabi ni Alexa magiging manager na daw natin siya. Kaya nag-ayos ako, ano ba naman kayo! HAHAHAHA” saad pa nito at hinampas ako sa balikat, muntik na akong liparin sa sobrang lakas.

He.He. Hindi naman masakit 'yon.

Nang makarating kami sa tapat ng resto ay inilabas ko ang phone ko and i texted him.

To: Ash
Subject: We're here. Where are you?

Ilang segundo lang ang lumipas ay nag-reply na din siya.

From: Ash
Subject: I'm gonna be late. Mauna na lang kayong pumasok sa loob. Table good for 5 person, please.

Hindi na ako nag reply at muling inilagay ang cellphone sa aking caramel sling bag.

“Mauna na lang daw tayo sa loob. Ma la-late daw siya eh” saad ko.

Pumasok na nga kami sa loob at naghanap ng mauupuan. Good for 5 person, huh?

Nang makahanap na kami ng mauupuan ay naupo na kami.

“Huh? May isa pa ba siyang kasama?”

Tanong ni Irine at nagkibit-balikat na lang ako.

“Of course” natigilan ako at nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon.

“Eek! Red hair!”

“Huh?!”

“Bigla-bigla ka namang sumusulpot! Muntik na tuloy kitang masapak!”

“Huh?! Eh, kung ikaw kayang hambalusin ko diyan!”

“W-well, pwede ba kayong mag behave? Wag kayong magsigawan please.”

“Ito kasi eh”

“Ikaw kaya! Aatakihin ako sayo eh”

Napailing-iling na lang ako sa ingay ng dalawa at sa umaawat naman sa kanilang si Irine.

“What are you doing here?” i asked her.

“Nye Nye—ehem, it's obvious” sagot naman niya at naupo na sa tabi ko.

Nakaupo siya sa tabi ko at nasa harap naman namin ang dalawa.

Queen of the Waves [On-going]Where stories live. Discover now