CHAPTER 4

41 25 2
                                    

CHAPTER 4: The Winners


“Juice?”

Nilingon ko si Irine na may hawak na baso ng orange juice, tinanggap ko naman ito.

“Kinakabahan ka pa rin ba? Di'ba ikaw ang nagsabi sa amin na h'wag panghinaan ng loob? You two made it to the final round, after all...”

Saad niya pa na tila pinapalakas pa ang loob ko.

“Hindi naman ako kinakabahan, napapaisip lang ako kung sino ang dalawang mananalo”

Sagot ko pa at ininom ang juice.

“Geez, para sa akin hindi na importante 'yon. At least i make it to the fourth round, hahaha. Hindi ko nga inaasahan na makaka-fourth round pa ako eh”

Natatawa pa niyang sagot. Ngumiti na lang ako bilang tugon at muling napatitig sa kawalan.
Natapos na ang final round at inaantay na lang namin ang announcement para sa dalawang winners.

Si Irine ay nagawang makaakyat sa fourth and suddenly got eliminated nang ma-out of balance siya sa kaniyang surfboard. Hindi niya sinabi sa amin na may problema pala sa kaliwang binti niya, epekto ng pagkalaglag niya sa hagdan nila noong nakaraang araw, ang lampa naman talaga oo.
Nabigla ako doon hindi dahil may problema sa binti niya, kundi sa kadahilanang nakapasok pa siya ng fourth round.

At sa kabilang banda naman, nagawa ko'ng makapasok sa final round pati na din si Shamilla, yung red hair at yung isa pa'ng contestant. At ngayon ay napapaisip ako kung ano nang magiging outcome ng points ko dahil sa performance na ginawa ko kanina. Shet.

“Aleexaaa! Ayay yay!”

Rinig ko'ng tawag sa akin ni Shamilla na ang lawak ng ngiti at patalon-talon pa'ng papunta sa kinauupuan ko.

“Hihihihi”

Napalingon ako kay Irine na napabungisngis at nilingon niya na may "what-look" kaya naman nag kibit balikat lang ako.

“Bakit?”

Tanong ko nang tuluyan ng maka-upo sa tabi ko si Shamilla.

“Wala lang! Ang saya ko lang”

Saad niya. “Irine, pahingi din ng juice, thank you!”
Pakisuyo niya pa kay Irine na inabutan naman siya ng isang basong orange juice.

“Halika na?” yaya pa niya sa akin. Tumango na lang ako at tumayo na bago kami maka-alis ay napatingin muna ako kay Irine.

“Sige, mauna na kayo. Susunod na ako”

Nakangiti niyang sagot na para ba'ng nabasa niya ang nasa isip ko. Kahit sabihin niyang ayos lang siya, hindi niya maitatago sa akin yung katotohanang may panghihinayang at pagsisisi siyang nararamdaman. Sa aming dalawa ni Shamilla, ako yung mas nakakakilala sa kaniya, kabisado ko na ata ang ugali niya.

I just nod at sinundan na si Shame.

Nang makarating kami ay mas dumami pa ang tao, pumasok kami sa back stage kung nasaan sina red hair at yung isang contestant—siya nga pala yung nakausap ni Shamilla noong nakaraan.

Nang tawagin na kami sa taas ng stage ay doon na ako nakaramdam ng sobrang kaba, kita ko ang mga mukha ng taong nasa ibaba ng stage na nakangiti at excited sa magaganap ng announcement.

“Okay everyone! Sa ibang participants maraming salamat, sigurado akong marami pa'ng oppurtunity  na nag-aantay sa inyo kaya wag kayong mawawalan ng pag-asa, nag uumpisa pa lang kayo. Sa mga manonood naman, maraming salamat din dahil sinubaybayan niyo sila hanggang sa huli. And last, sa apat na nakapasok sa final round, maraming salamat sa ipinakita niyong performance, you did your bests na nakapasok kayo sa final round, at yung hindi naman matatawag sa mananalo, marami pa'ng second chances, don't lose hope.”

Mahabang litanya ng emcee, napahawak ng mahigpit sa akin si Shamilla. Pucha nanlalamig siya. Napangiti na lang ako sa kaniya ng awkward.

“And! Ito na nga, ang pinaka-aantay ng lahat. Ang i-announce ang dalawang winners. Are you readyyyyy?!”

“Yeaahhh”

“Yesss!”

“Woooohh”

Claps. Claps. Claps.

“A total of seven points, our second winner! Gwenjee Vargaz!”

Announce no'ng emcee. Napalingon ako sa isang contestant—oo nga pala, siya yung nakausap noong nakaraan ni Shamilla—wait! What?! Siya?!!!

Kinakabahan siyang lumapit sa emcee at inabot sa kaniya ang gold female surfer trophy niya.

“Thank you Ms. Gwen for participating the competition. Hope you enjoy, and god bless you”

“Thank you po!”

Pagpapasalamat pa nito at tumayo na siya sa gilid ng stage nang may malawak na ngiti.

He. Hehe. Hehehehe.

“And for our final winner! A total of eight points, Ms. Alexandria Summer!”

Anunsyong muli ng emcee na ikinabingi ko pa at saglit akong natulala ngunit napawi rin nang batukan ako ni Shamilla, nilingon ko siya.

“What?” Inis na tanong ko sa kaniya.

“Don't 'what-what' me Alexa! Ililibre mo pa kami ni Irine! Congrats! Umakyat ka na doon ulol”

Pinagtulakan pa ako nito at nang makaakyat ako sa stage ay hindi ko alam kung anong gagawin ko'ng reaksyon. Pucha, am i dreaming? Lol.

Iniabot sa akin ng emcee yung sarili ko'ng gold female surfer trophy, pucha totoo nga!

“Thank you for participating Ms. Summer, you really did a good job. Continue to climb at the top and reach your dream”

Saad nito sa akin at napangiti naman ako at inabot ko na din ang trophy ko, HA HA HA!

Tumayo na din ako sa tabi ni Gwen, nagkatinginan pa kami at awkward naman akong napangiti sa kaniya.

“And now, our two winners everyone! Thank you for participating and watching. Thank you and Good night!”

                                   ***

Tapos na din ang kumpetisyon at tuluyan na din akong nakahinga ng maluwag. Nililinis na din nila ang paligid.

Hindi pa rin ako makapaniwala, at hindi ko talaga maiwasang mapangiti. Nasuklian din yung mga paghihirap, i mean, nagsisimula pa lang pala ako at magpapatuloy pa'ng abutin ang mga pangarap ko.

“Hey?” Napalingon ako, yung challenger ko pala ito.

“Yes?” tanong ko pabalik. Lumapit siya sa akin at nakangiting humarap sa akin.

“Congrats”

Saad pa niya at iniabot ang kamay niya sa akin. Nabigla ako ngunit agad di'ng nakabawi at tinanggap ang kamay niya at nakipag-kamay.

“Thank you”

“Sorry for being rude the other day, hope we meet again”

“It's okay, yeah.”

Nagpatuloy pa ang pag-uusap namin sa tabing dagat nang gabing 'yon. Ngunit nagpaalam na din siya nang sinundo na siya ng kapatid niya.

Mabait nga talaga siya—pero, nakalimutan ko'ng tanungin ang pangalan niya.

“Alexa?”

“Yo, Shamilla”

“Halika' na, ililibre mo pa kami aba!”

Natawa lang ako sa sinabi niya at sumunod na din sa kaniya. Kahit hindi niya sabihin alam ko'ng dissapointed din siya sa sarili niya. Pero, sigurado akong maraming pa'ng pangalawang pagkakataon para sa kanilang dalawa ni Irine.

Sabi ko nga, Failure is not an obstacle, it's a part of a success.

Continue to aim for failure and learn the cost of your success.

Queen of the Waves [On-going]Where stories live. Discover now