I massaged my head as soon as I gained my consciousness. Hindi muna ako dumilat dahil sa silaw.
Bumangon ako paupo bago ko idilat ang mga mata ko.
I roved my eyes all over the place. Seems like I'm in the agency's infirmary.
May biglang nagbukas ng pinto.
"Gising ka na pala Hawkins." Kahit hindi ko ito lingunin ay alam ko na agad kung sino ito.
I sighed, "This is definitely not my day." I mumbled.
"Alam mo naman siguro kung anong ginawa mo Hawkins?" umupo ito sa upuang malapit sa akin.
I massaged the bridge of my nose, "President, I acted according to the situation."
"No, you acted according to your own aspiration."
"But it's the most rational thing to do!" I scowled in annoyance.
"It isn't." he walked towards me, "I know that you knew how precise the plan of our Strategists Team, yet you opposed it!" His voice is slowly rising because of exasperation.
"You knew that this would be likely the prospect once you changed the mission plan yet you still took the risk! Now what? Do you even know what happened to your team? Do you even know what happened to your mission after you passed out?"
Hearing those words made me baffled for a second. I looked at him with perplexed eyes.
"Don't look at me like that. You should know by now that you failed your mission."
"Wait, what?" I'm totally confused.
"Do I need to repeat myself?" He stared at me gravely.
"No, that can't be true!" tumayo ako at pumunta sa harapan nya.
"Team Beta just reported me that they took control of the situation in capturing those armed mafioso's! That's your goal right?!" I can't stop my rage from exploding.
"Just because I involved them in my plan doesn't mean you can treat them like this. Para ka namang di lalaki nyan President!" nagngingitngit na 'ko sa galit. Naghirap ang team ko para masolve 'tong case na 'to. Hindi ako makakapayag na masira lahat ng pinaghirapan nila.
Umupo sya ulit habang hindi tinatanggal ang tingin nya sa akin. "You never change Ban."
He took something from his suit and handed it to me.
"What do you want me to do with this flash drive?"
"Nawalan ka lang ng malay na bobo ka na?"
"Tch."
I searched for my tab and quickly insert the flash drive in it.
Hinintay kong matapos ang pag loading bago ko in-arrange ang files.
I creased my forehead after reading the file's name. File #880740 Fynn Mafia Firearms Trade
'May report na agad na nagawa?'
Supposedly, sa makalawa pa kami gagawa ng report tungkol dito. "Who did this?"
"Don't talk, just keep on reading." at hindi na ako nito pinansin.
Mas lalong nangunot ang noo ko sa nabasa kong laman ng file na ito.
'Squad Uno failed the mission.' yun ang sabi sa file na ito.
Binuksan ko ang nakalakip na isa pang file dito. Puro ito litrato ng mga kasamahan kong walang bahid na tama ng bala ng baril ngunit mga naka higa at tila walang mga malay.
Nilingon ko si President, "Anong ibig sabihin nito?" andami kong gustong itanong sa kanya.
"Squad Uno, consisting of 5 teams." tumayo ito at naglakad palapit sa basket na puno ng mga prutas.
"Alpha, Beta, Charlie, Delta and Echo." he looked at me, "Such a brave combatants with such a skilled leader."
Kumuha ito ng mansanas at kinagatan. "Dumating ang Gunslingers habang nawalan ka ng malay, pinakatakas nila ang ilang mga mafioso kasama ang mga armas na galing kay Eric. Each and every member ng squad mo ay pinatamaan nila ng forced siesta spell."
"What?! Na saan sila ngayon?!" agad akong kinabahan para sa mga kasama ko.
" Alam kong alam mo ang mangyayari kung di maagapan ang spell na nasa katawan nila ngayon." muli itong kumagat sa mansanas na hawak nya.
"Nasaan sila?!"
"Wag ka ng mag alala. Mabuti at pinaalam sakin ni Sniper na may iniba ka sa plano at alam nyang maaaring manganib ang buhay ng lahat kung kaya't napadala ko agad si Phantom para marescue kayo."
Si Sniper?
Ibig sabihin alam ni Sniper una palang na nandoon ang Gunslingers? Alam kong tahimik syang tao pero ibang usapan na kung buhay ng mga kasamahan namin ang nakataya.
"Bakit hindi nya sinabi sakin?"
"Tingin mo ba kung sinabi nya 'yun sayo makikinig ka ?"
"Syempre! Buhay ng mga kasama ko ang nakataya dito!"
"Alam kong sinubukan kang pigilan ng mga kasama mo, nakinig ka ba?" tiningnan ako nito ng diretso sa mata at wala akong ibang nagawa kundi umiwas ng tingin.
Tiningnan ko muli ang mga picture sa file at hindi ko mapigilang di makaramdam ng guilt.
Hindi ko lang nasira ang misyon namin, napahamak ko pa sila.
Hindi nagsisinungaling si President. Talagang hindi namin napagtagumpayan ang misyon namin. Bakit ko nga ba pinagdudahan ang mga salita nya? Hindi sya ang tipo ng tao na babaliwalain ang pinaghirapan ng mga tauhan nya.
"Ngayon Ban, I'll tell you the same thing." he paused, "Just because under mo sila doesn't mean pwede mo na sila tratuhin ng ganito." Inilapag nito ang naubos na mansanas sa mesa.
"Sana alam mo na kung bakit ako galit na galit kanina Ban. You know how much I hate reckless actions. Hanggat maaari ayokong may mangyaring masama sa mga kasapi ko sa agency." dumiretso na s'ya sa pintuan.
"Now, reflect on your actions." at tuluyan na nga siyang lumabas ng infirmary.
Naupo ako sa kama. Hindi ko mapigilang hindi matulala dahil sa mga nangyari.
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis.
'Kailangan kong ayusin 'tong gulong nagawa ko.'
Kailangan kong humingi ng patawad sa mga kasama ko. Hindi lang ako ang naaapektuhan dito.
Biglang pumasok sa isip ko si Sniper. Hindi ako nagtatakang alam nyang nandoon sa lugar na 'yon ang Gunslingers dahil sa pwesto niyang iyon, kitang kita nya lahat ng pangyayari.
Kailangan ko siyang makausap tungkol sa mga nangyari habang wala akong malay.
Tinanggal ko lahat ng mga apparatus na nakakabit sakin at nagpalit na din ako ng damit. Hindi pa magaling ang dalawang tama ng bala sa hita at balikat ko pero mas mahalaga ang pag uusapan namin ni Sniper.
Dumiretso na 'ko sa pinto ng infirmary at walang ano ano'y binuksan ko ito.
Sinilip ko muna kung mayroong tao bago ako lumabas.
"Patient with severe injuries should behave in their sickbed and recover. Don't add more problems to our nurses."
Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa loob ng infirmary bago ko pa man ito maisara.
Pinigilan ko ang pinto bago pa ito tuluyang sumara at agad na sinilip ang nagsalita.
Nangunot ang noo ko, "Sniper?"

YOU ARE READING
Alix Vancove
AcciónBan Hawkins is an executive officer at Sovereign Agency. An agency consisting of gifted employees. They put an action on whatever the local non-gifted agencies can't handle. He was ordered to capture the person behind the potent and notorious mafia...