THOUGHT 2:VODKA

6 1 0
                                    

It's been one week since the punishment happened, nakaka pang gigil lang dahil hanggang ngayon sobrang sakit ng katawan ko dahil sa pag bubuhat ng mabibigat na bagay nung nag linis kami ni bob.

"Cyst what happened?" Nakita ni breynnan na halos hindi ko na ako makatayo ng maayos dahil sa iniinda kong sakit ng katawan

"This is what i called the fruit of my parents punishment." inirapan ko siya ng tuluyan na akong nakatayo, nakaka loka feeling ko baldado ako sa lagay na to.

Nasa school kami today and because our prof didn't attend to our class, may oras kami para mag chitchat, tumayo lang ako para iunat ang balakang na nangawit na kakaupo

"So catch up later?" Ani niccy , she's has a kind of look na nerd pero makikita sakanya ang maganda nitong mukha idagdag pa ang singkit niyang mata pero makapal ang eyeglass.

"Hindi ako sasama."


"Vilivian napaka kj mo talaga" ani breynnan


"May ipapa kilala kami sayo girl, yummy guy" ani elaine

Ilang beses na nila ako nireto at kahit ni isa sa mga iyon ay hindi pumasok sa standard ko, hindi ko naman kayang paki samahan ang mga iyon lalo na't hindi ako interesado.

"Kayo na lang, besides katatapos lang ng punishment ko"

"Oh c'mon Miss vilivian iamore Meneses" pwede namang vim na lang bakit buong pangalan pa? Nang aasar nanaman tong si breynnan eh, alam naman niyang ayokong tinatawag ako sa buo kong pangalan.

"Oh c'mon elaine dizon" ginaya ko ang pagkaka bigkas niya sa pangalan kong may tunong maarte, inirapan na lang niya ako dahil lagi kaming ganitong dalawa. Kontrahan pero we're friends naman sadyang may ayaw lang akong nagagawa niya at nasasabi niya

"Wag na lang tayo tumuloy kung di sasama si vilivian" nakaka asar talaga tong si breynnan lagi na lang pang asar, tumingin silang tatlo sakin habang nakatayo pa din sa harap nila

"Mag party kayo pero di pa din ako sasama" napabuntong hininga ang tatlo dahil sa pang hihinayang na di ako makakasama ngayong gabi

"Sayang naman di mo makikilala si papa dustin" kinikilig na sabi nia niccy


"Tigil tigilan niyo ko sa kalandian niyo ah"


"Last na talaga vilivian dali na" malambing na pang pipilit sakin ni niccy, alam niyang siya ang kahinaan ko kung sa cuteness ang pag uusapan walang binatbat ang lahat sa ka cutenessan ng isang to kahit na nerd look marami pa ding nag kaka gusto sakanya

"Still no"


"Please. Last na talaga" niyakap na niya ako sa braso para lang mapapayag ako kay ano pa bang dapat gawin?


"Okay! Oo na, basta wag niyo lang sobrahan pag iinom mamaya" nag palakpakan ang mga loka loka dahil maisasama nanaman nila ako, mag papa alam na lang ulit ako kay mommy at sana payagan ako

"Mission accomplished" ani elaine


"Negative" sabay tawa ko


"Tch. Positive , makikilala mo si dustin"

Kahit dustin pa sila ng dustin kung aayawan ko din lang naman ulit makiki sakay na lang ako, i love my friends pero hindi ko kaya ung mga ginagawa nila. They're dating sa iba't ibang lalaki and as usual , issue nanaman sa school kami lang naman ang circle of friends na may pagka bitchesa ang ugali.

3 am thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon