Madilim na daan, tahimik na lugar at malamig na simoy ng hangin ang dumapo sa aking balat, na parang ito ang paraan para maibsan ang pag hihinagpis na nararamdaman. Ito ang lugar kung saan natapos ang lahat.Pala isipan kung bakit maraming bagay ang hindi itinadhana sa aking buhay, kung bakit maraming taong dadating ngunit hindi mag tatagal lilisan din. Maraming taong pumipilit na gawin ang mga bagay na hindi mo naman kagustuhan. At sa dulo ikaw ang magiging luhaan at sugatan dahil hindi ka nagawang ipag laban.
Marahan kong nilanghap ang simoy ng hangin na nanganga hulugang ito ang huli, pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at pilit na itinatak sa aking isip ang litrato ng lugar dahil ito na ang huli,sabay ng pag ikot ko habang naka dipa ang kamay na parang batang natutuwa sa simpleng laro at pinilit na pangitiin ang sarili dahil ito na ang huli.
Tumigil ako sa lahat ng aking ginagawa at marahang tumingala sa langit ngumiti ako dahil "malapit na ako" yun ang unang sinabi ko dahil handa na ako sa susunod na magiging kabanata ng aking buhay.
Kung hindi kayang manatili sa akin ng isang tao hindi ko din kayang manatili ng hindi kasama sila dito.
Nang maka pasok ako sa aking sasakyan sinimulan ko itong patakbuhin sa walang katumbas na bilis. Na para bang sakin lang ang buong kalsada at hindi inisip ang lahat ng mangyayari
"Malapit na ako"
"Malapit na ako"
"Malapit na ako"
Paulit ulit na bulalas ko habang marihin na hawak ang manibela ng aking sasakyan. Alas tres ng madaling ngayon at walang taong mapapa hamak at madadamay sa kagustuhan kong ito. Mas lalo ko pang binilisan ang pag papa takbo kasabay ng pag patak ng luha sa aking pisngi na senyales na masaya ako sa gagawin kong ito, dahil makikita ko na ulit sila, makikita ko na ulit siya.
Alam kong tatapusin ko ang lahat sa madaling paraan at walang masasaktan na kahit sino man. Muli kong tinapakan ang selenyador ng aking sasakyan upang mapa bilis pa lalo ito ng tuluyan nang biglang....
"May nabangga!" Sigaw ng isang ale
Kitang kita ng aking mga mata ang lalaking nasa harap ng aking sasakyan na nakahandusay at punong puno ng dugo ang buong katawan. Sa dami ng taong naka palibot dito ay lalo ko lang itong hindi nakita ng tuluyan.
Naramdaman kong nahilo ako at namanhid ang kalahating katawan dahilan para hindi na kayang igalaw ang paa upang maka alis sa kinauupuan, napahawak ako sa aking noo ng naramdamang may likidong tumutulo mula sa aking ulo.Naka ukit ang ngiti sa aking labi habang pa unti unti akong nawalan ng malay dahil alam kong tagumpay ang aking ninanais.
Hindi ko na muli mararamdaman ang sakit na iniwan ng nakaraan, at ipag papatuloy ang buhay sa kasalukuyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/226954014-288-k740486.jpg)
BINABASA MO ANG
3 am thoughts
Teen FictionHow can you survive if you can't control your emotions that will turn you to death. There's a girl who tried to be a perfect one but... It is not enough to stay people in her life. She's begging, she pleased but no one hear her, until she realized t...