THOUGHT 3: SKETCH

5 1 0
                                    

Nag kulong ako sa kwarto mag damag para tapusin ang pinapagawa sakin ni bob. Sinend na din kasi niya agad yung picture sakin kaya nag simula na din akong gumawa nito lalo na't bukas na bukas magagamit ko na yung kotse niya.

Inihuli kong idrawing ang mata nito, panigurado akong magugustuhan niya ang drawing ko. Iniisip ko pa lang masyado na akong natutuwa sakanya. Inabot ako ng 3 am para matapos ang buong mukha nito kaya agad na lang din akong nag pahinga dahil may pasok pa ako mamaya.

"Vim wake up" gising sakin ni bob

Uminat ako bago tuluyang buksan ang naka pikit na mata. Nakita kong naka bihis na siya papuntang school.

"Nasan na yung pinapagawa ko?" Bungad niya sakin

Magagalit na sana ako dahil ginising niya lang ako para doon ng maalala ko na may pasok nga pala ako ngayon.

"Anong oras na?" Balik kong tanong sakanya na pinag kunutan niya ng noo

"7 am hindi ka pa late so nasan ang sketch?"

"Nasa art room ko kunin mo na lang"

May pinagawa si mommy na isang room para maging pwesto ko sa pagpipinta dahil lagi niya na kang nakikita na madumi ang kwarto ko at iba't ibang gamit na ang naka tambak dito.

"Sige. Mauna na ako yung susi na kay manang"

Nginitan ko lang siya ng pagka lawak lawak dahil paniguradong magugustuhan niya talaga iyon. Kilala ko si bob hindi niya pag aabalahang tingnan iyon ngayon, titingnan niya lang ito pag ibibigay na niya sa pag bibigyan niya.

Naligo na agad ako dahil baka ma late pa ako, sasabak nanaman ako sa ma traffic na daan.

"Manang umalis na ba sila mommy?" Tanong ko sa isa naming katulong

"Ay opo miss vim, pinapasabi nga po pala ng mommy niyo na linisin mo daw po yung art room niyo"

"Sige po. Pag uwi ko na lang"

Hindi na bago sakin ang pag linis ng art room ko, madalas din chinicheck ni mommy kung malinis iyon dahil dun din naman siya tumatambay at nag pipinta. Masaya lang kami na kahit kami ni mommy pareho ng hilig.

Nang makapasok na ako sa school nakita ko na agad ang mga kaibigan kong pakalat kalat lang sa field ng university. Kinawayan nila ako para sabihing pumunta ako sakanila at ayan nanaman ang mga mata ng mga taong akala mo kakainin nanaman ako.

"Ang ganda niya!"

"I'm jealous to her legs"

"Shes a flirt and shes not beautiful"

"Napaka ganda niya talaga, ang suwerte ni bob na pinsan niya si vilivian"

"That's true!"

Yan lang naman ang naririnig ko sa hallway hanggang sa maka lampas ako sa kanila ako pa din ang laman ng usapan, hindi naman na bago sakin ang mga iyon pero di ko na lang din pinapansin because i already know that I'm gorgeous.

Maraming naiinggit sakin dahil pinsan ko si bob, isa sa mga pinag kaka guguluhan ng mga babae dito sa university namin. He's almost perfect ayoko i down ang lahi naming mga meneses.

"How's the headache girl?" Ani niccy ng maka lapit na ako sakanila

"You bitch. Kailangan ko pang umabsent para lang mawala" tinawanan naman ako ng tatlo

"Masanay ka na uminom my god! You're already 19 years old" ani niccy na tumatawa tawa pa

"Correction 19 pa lang ako, at ayokong uminom kung sa bar din lang"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

3 am thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon