Babala at Mga Masasamang Pangitain

139 3 0
                                    

Pamagat: Mga Berbalang ng Cagayan Sulu

Lalawigan: Mapun, Sulu (Dating Cagayan de Sulu)

Taon:1896

Urband Legend: Naging katako'- takot sa mga dayuhan galing Europa ang pagbisita sa isang isla na kung tawagin ay Cagayan Sulu dahil pinaniniwalaang pinamumugaran ito ng mga Berbalang. Ang mga Berbalang ay maihahalintulad sa Aswang. Meron silang parang mata ng mga pusa at natatakam sa dugo, lasag at laman loob ng tao. May mga nagsasabi na ang anting - anting lamang ng Coconut Pearl ang siyang magagamit bilang panagang upang mapatay ang isang Berbalang.  

Babala: Mag iingat ka sa pagbisita sa mga lugar ng hindi mo kilala. Tandaan na ang Diyos parin ang pinaka makapangyarihan sa buong Sansinukob. Magdala ng Rosaryo sa bulsa 

Sources: 

_______________________________________

Pamagat: Laway ng Aswang

Lalawigan: Iloilo

Taon: Kahit Kailan

Babala: Huwag na huwag kang tatanggap ng kahit anung inumin o kahit pa pagkain na hindi mo ito nakitang ihinanda para sa iyo. Hindi mo alam. Baka ma - YANGGAW ka. Kadalasan ay ihinahalo ng mga Aswang sa mga pagkain at inumin ang kanilang sariling laway at ihinahanda sa mga panauhin upang mahawa sila sa pagiging aswang. Hindi lamang pala bertud ang siyang naglilipat ng pagiging halimaw ng isang nilalang. Kaya sa mga lalawigan ng Visayan region ng Pilipinas ay halos lahat ng pinagkukuhanan ng mga inumin ng mga tao ay galing sa mga processed o mga water station upang makaiwas sa Yanggaw. 

Sources: Rose Anne Nacillo - Ann at Russel Annores _______________________________________

Pamagat: Kumakatok 

Lalawigan: Pangasinan 

Taon: Kahit kailan 

Masamang Pangitain: Sa lalawigan ng Pangasinan, pinaniniwalang may mamatay sa isang tahanan kapag sa isang gabi may kumatok sa pinto ng bahay. May mga nagsasabing tatlong nilalang ang kakatok sa pinto sa isang gabi. Isang batang babae at dalawang matatandang lalaki. Kung ikaw ang nagmamayari ng bahay ay hindi mo naman siguro bubuksan ang pinto kahit anong mangyari. Bago matulog sa gabi ay siguraduhing nakasara at naka kandado ang lahat ng mga pinto at bintana sa gabi. Hindi mo alam kung ano ang maaring sumambulat sa iyo pagkagat ng dilim. Magpasa gayunpaman  ay manatiling mapagmatyag at magdasal. Ang kahit anong kasamaan ay magagapi ng poong maykapal. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Isla ng KasamaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon