Gabi na ng matapos kaming maligo ng aking mga kaibigan sa ilog. Kakatapos ding umani ng bigas at mais ang mga uripon (alipin) ng aming Datu kaya't ako ay nagmadali naring umuwi sa aking Uray (lola) upang makapag pahinga.
''Maio Bilisan mo ng mag bihis nang makakain na tayo. ''
''Nagluto ako ng iyong kinahihiligang Adobong Manok.'' Wika ng aking Uray Dawan. ''Mag lalabing apat nako bukas. Ano kaya ang balak ng aking Uray sa aking kaarawan?'' Tanong ko sa aking sarili habang isinusuot ang aking pambabang kasuotan. ''Kaarawan mo na pala bukas Maio. Kailan lang. ''
''Ang bilis mong gumulang.'' Wika ng aking Uray Dawan habang hinahaplos ang aking ulo. ''Binatang binata ka na kung ikaw ay aking tinitignan. Idinikit ng aking uray ang kanyang pisngi sa akin. Opo. ''Sinuklian ko naman ngiti ang aking pinaka mamahal na Uray.
Nahinto ang aming hapunan nang biglang humangin ng malakas at napatay ang apoy sa kandila. Biglang tumunog ang Gong ng aming Banwa (Kaharian). Ang hudyat na may nangyayaring pananalakay sa aming Banwa. Mga Mangangayaw! (Pirata) Gulat na sambit ni Uray Dawan. Apo, ''Diyan ka lamang at huwag kang lalabas kahit na ano pa ang mangyari.
''Uray Dawan, Uray Dwan!'' Wika ng isang humahangos na Timawa (mamamayang malaya)
''Ano iyon Ladaw?'' Alalang tanong ng aking Uray. ''Uray Dawan may mga mangangayaw na nagtangkang lumusob sa ating Banwa. Ang mabuti pa'y magtungo na kayo at iyong apo sa Torogan (Bahay Pinuno) ng Datu nang sa gayon ay mapangalagaan nila kayo.''
Kasabay nun ay lumisan din agad ang Timawa at sumaklolo sa mga iba pang bantay sa aming Banwa. Palibhasa nasa dulo at malapit kami sa kagubatan kaya't hindi gaanong napansin ng mga mangangayaw an gaming tirahan Tumango lamang ang aking Uray at nag wika,
''Huwag kang mag alala Maio, tinitiyak ko sayong walang mangyayaring masama sa ating dalawa rito kaya't hindi na natin pa kailangang magtungo sa bahay ng ating pinuno.'' Halika tulungan mo ako'' Utos ng aking Uray at inilabas niya ang tatlong Itim na alupihan sa loob ng isang sisidlan, Pagkatapos ay sinunod ko naman ang dalawang garapon na puno ng mga hantik at huling inilabas niya ang isang tuyong dahon ng Santol na nakatupi na parang isang tela at duon lumabas ang isang puting Paro Paro. ''Nais kong mag manman ka sa ating mga kalaban. Huwag mo silang pababayaan na makarating dito.''
Agad namang nag tungo ang Paro Paro upang pagmanmanan at lituin ang mga kalaban upang hindi sila makarating sa aming kinaroroonan. Nagtungo naman ako sa baul ng aking Uray at mabilis kong inabot ang mga talata na punong puno ng mga naka sulat na usal sa kanya. Lumakas pa ng lumakas ang hangin tanda ng isang sagupaang nagaganap sa ibang bahagi ng aming banwa. Magmadali kang magtago sapagkat hindi ka nila maaring makita.''
''Subalit Uray'' Alala kong wika.
''Sige na, Pabayaan mo ako sa gagawin ko. Mahalagang mapangalagaan kita. Hindi mo na ako kailangang pag isipin sapagkat alam ko ang ginagawa ko.''
Sa kung anong kadahilanan ay agad akong napahinto sa aking pag aatubili at tumingin sa aking Uray at tumango. Nagtungo ako sa kinaroroonan ng isang malaking Kaban at duon nagtago. Huminga ng malalim ang aking Uray at biglang nagdasal. Hindi ko maunawaan kung ano ang mga salitang kanyang sinasambit kaya't ako ay kinakabahan at balisa. Malamig ang aking pawis at bumilis ang tibok ng aking puso.
Hindi ko na alam ang susunod na mangyayari kaya't nag hintay nalamang ako ng ilan pang mga sandali habang nakasilip sa maliit ng butas ng Kaban. Hindi pa man siya nag tatagal ay bigla nalang bumukas ang pinto ng pagkalakas lakas at nagiba ito. Sinugod na pala kami ng mga mangangayaw. Malalaki ang katawan ng limang kawal na sumugod sa amin. Puno sila ng mga tattoo at matatangkad. Mahahaba ang kanilang mga buhok at may mga matatalim na pangil ang kanilang mga bibig. Nanlilisik ang kanilang mga pulang mata.
BINABASA MO ANG
Mga Isla ng Kasamaan
HororWARNING! Rated 18, MATURE CONTENT Tourist Beware Horrible Experiences awaits you from the Islands of the Philippines. 1. Barang - A gruesome story of how a babaylan brutally killed their enemies using an evil dark practice. 2. Nagkagutay gutay at...