Chapter 6

15 4 0
                                    


      Yuya's POV

       Eto nanaman po kami sa isang club. Dumiretso sya sa isang sofa at tumawag ng waiter para bigyan sya ng drinks. Nakasunod lang ako sa kanya nang mapansin ko ang isang lalaki na nakablack jacket at black cap.

       Nang mapansin nitong tinititigan ko sya ay bahagya nitong ibinaba ang cap nya para hindi masyadong makita ang muka nya.

       Nilapitan ko si Sayou at binulungan.

        "Look at your 3 o'clock. Dahan dahan lang." Sabi ko dito at lumingon naman ito.

       "Kanina ko pa napapansin ang lalaki na yan na sumusunod sayo." Bulong ko dito.

       "Ok let's see. I'll just go to restroom and see if he still follow me" sabi nito na sinang ayunan ko naman.

         Naglakad na si Sayou papuntang CR at nakita kong hindi umiiwas ng tingin ang lalaki kay Sayou, nakatitig lang ito saka tumayo ng makapasok na si Sayou sa Cr. Sumunod ito.

        Agad akong tumayo para sundan ang lalaki. Pero huli na nang makarating ako sa CR ay nakapasok na sya kung nasaan si Sayou.

        "Sayou Ojousama!" Sigaw ko.

        "What do you want from me??!!" Narinig kong sigaw ni Sayou.

        Dali dali akong pumasok para sumaklolo pero napatigil ako bigla nang makita kong hawak nya ang braso ng lalaki at nakapilipit ito patalikod.

       "Like seriously!? Kailangan ba talaga nito ng butler? Anu pang silbi ko? Tss." Sa isip isip ko.

       "I'm talking to you! What do you want from me???!" Muli ay sigaw ni Sayou.

       "Wala kang malalaman saken!" Pagmamatigas ng lalaki.

        "Yuya! Get him and follow me!" Utos nito.
 

      "Hai! (Yes!)" Sagot ko naman. Agad kong hinawakan sa magkabilang kamay ang lalaki at binitbit ko palabas. Nagpupumiglas ito pero hindi ko sya hahayaang makatakas.

       Nang makalabas na kami ay binigyan ko ito ng isa o tatlong suntok para tuluyan itong mawalan ng malay at maisakay ko sa motor.

        Dinala namin ito sa hide out ni Sayou Ojousama.

       "Woaah! Ang laki namang hide out nito. At take note! Ang daming gamit." Manghang mangha ako dahil sa mga nakita ko. Dahil puro dekalibreng baril ang nandito, may mga samurai din na nakasabit sa pader.

        "Here! Put him down here and tie him!" Utos nito at agad ko naman itong sinunod.

        Kumuha sya ng malamig na tubig at isinaboy sa lalaki dahilan para ito ay magising. Kumuha din sya ng upuan at umupo sa rito nang nakadekwatro.

       Nagkasa ito ng isang 45 caliber na baril at itinutok sa lalaki.

       "Patayin nyo nako! Wala kayong makukuha sakin!!!" Pagmamatigas ng lalaki.

       "Ok! Mabilis akong kausap" sabi nya at ipinutok ang baril ngunit pinadaplisan nya lang ito. Ako man ay nagulat dahil hindi ko inaasahang kaya nyang gawin iyon.

        "One more question, if you answer it correctly I will free you. If not, sorry but I'm not gonna waste my time talking to you. You know that I'm a daughter of Yakuza right? I am the only daughter of Kinomoto gang. So I do not hesitate to kill. You should know that" muli ay ikinasa nito ang baril.

        Nanginginig na sa takot ang lalaki at naihi din ito sa salawal sanhi ng takot nya.

       "Parang awa nyo na, napag utusan lang ako. Ayoko pang mamatay, may mga pamilya ako. Parang awa nyo na!" Pag mamakaawa nito.

わたし の カッコ可愛い お嬢様 (My Cool and Cute Lady) **COMPLETED**Where stories live. Discover now