Chapter 2

107 5 0
                                    

Bianca's POV

Tsssss, grabe hiyang-hiya ako sa sarili ko. Iyakan ko daw ba ang mga taong walang kwenta saka hindi ako kayang pahalagahan?? Arrrrggggghhh nakakaurat (ˇˍˇ). Nandito ako ngayon sa kotse ko at patungo akong eskwelahan.

Ang school na pinag-aaralan ko ay sa akin lang naman. Working student ako, kung bakit? May companies kami at ang isa dun ay ako ang nagmamay-ari, isang hotel ang aking hina-handle.

Yung kapatid ko namang pakitang tao ay may sarili na ring company pero ayaw niya pang i-handle, tinatamad daw cya eh ehdi pagbigyan. Pagkarating ko sa school ay pumunta akong garage para i-park ang aking sasakyan. Pag kababa ko ay taas-noo akong naglakad.

Lahat ay nakatingin sakin, ang iba pa ay binabati ako pero iniirapan ko lang sila. Plastic yang mga taong yan kaya binabati ako, gusto nilang makipag-kaibigan sakin dahil ayaw nilang natatarayan ko sila. Madami din akong manliligaw pero wala akong matipuhan sa kanila. Mga gwapo nga pero kapag tinarayan ko susuko agad.

Ayaw ko sa lahat ng tao ay ganun, madaling sumuko. Gusto ko sa tao ay natatagalan ang ugali ko. Wala akong kaibigan dahil lahat ng mga nagiging kaibigan ko ay iniiwan ako lalo na't nakuha na nila ang gusto nila sakin. May true friends ako nung highschool pero ngayon hindi ko na alam kung nasaan siya. Gusto ko sana siyang hanapin pero wala pa akong time.

Okay balik tayo, ang mga bumabati sakin ay tinatarayan ko lang naman. Alam na nila yun kapag ganun ang ginawa ko kaya nga ang tawag sakin THE PRINCESS BITCH eh. Oo, kahit dito sa school ay yan ang tawag sakin. College na ako, 2nd year college.

Hindi ako katalinuhan pero may ipinagmamalaki ako, ang pagiging successful ko. Section One ako, ang kinuha ko namang course ay ang Fashion Designing. Mahilig kasi ako sa mga damit lalo na kapag ako ang gumagawa. Biglang nag flashback sa utak ko na lagi akong binibilhan ng damit ng nanay ko.

Arrgghh!!! Nakakaurat, ayoko na ngang isipin yun eh kasi parang may tumutulak sakin na itigil na ang pagiging bitch ko. Sila naman ang may kasalanan kung bakit ako nag kaganito, medyo napailing ako at dumiretso na lang sa classroom ko.

Kumatok ako at pinagbuksan naman nila ako ng pinto, aba dapat lang dahil mali ang pinaghihintay ang prinsesa. Pagkabukas ng pintuan, lahat ng estudyante ay nakatingin sakin na gulat at ang iba naman ay clueless.

Ngumiti lang ako nang pagkatamis-tamis at uupo na sana ako ng bigla akong harangin ng isang teacher. Ay may teacher pala dito akala ko ordinaryong estudyante lang.

"Ahm, miss, kindly introduce yourself" nakangiti niyang sabi. Maitsura naman siya ang kaso bakit parang hindi niya ako kilala?

"You didn't know me?" - ako habang nakaturo pa sa sarili ko. Umiling lang siya bilang sign na hindi nga niya ako kilala. My gosh! Ang mga nagiging teachers ko last year means 1st year college ay kilala ako at sila pa mismo ang nag-i-introduce para sakin. Okay, pagkailing ng teacher na'to ay may biglang sumingit na unknown classmate.

"Ma'am siya ung---" bigla siyang napatigil nang itaas ko ang aking kamay bilang sign na STOP.

"Mga classmate, sino ang nakakakilala sakin?" sabi ko habang nakataas ang isang kilay ko. Bigla kong tinignan ung teacher ko at tinanong kung ilan yung mga classmate ko icluding me. 37 daw so meaning 36 ung mga nakaupo. Nagsitaasan naman ng mga kamay ang iba at ang natitira ay nag-aalinlangang magtaas so meaning hindi nila ako kilala.

Kunyare pa sila, pektusan ko sila sa down there nila eh. Tinawag ko ung isang babae na nagtaas ng kamay.

"Ikaw babae, kung kilala mo talaga ako, ano ang tunay kong pangalan?"

"Ahm, ano, ano po pala ang sagot?" ay ang tanga.

"Bakit ka nagtaas ng kamay mo kung hindi mo ako kilala?"

The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon