3rd Person of POV
Tulog pa si Bianca sa kanyang kwarto samantalang ang kanilang mga katulong ay naghahanda para sa kakainin nito. Ang kanyang mom and dad ay sabay na bumaba papuntang dining room samantalang ang kanyang kapatid ay nauna na rito.
Nakapangalumbaba lang ito na nakatingin sa mga maids sa ginagawa ng mga ito kaya hindi niya napansin na nasa harapan niya na ang kanyang mommy. Agad siyang hinalikan nito sa pisngi na para bang sinasabing "Good morning anak".
Napangiti naman si John which is ung kapatid ni Bianca. Nagkakape naman ang kanyang dad habang nagbabasa ng balita sa newspaper. Minsan na lang siya pinapansin ng kanyang daddy dahil sa nangyare sa kanyang ate.
Samantalang ang mga maid ay tapos nang magluto at ayusin ang lahat ng dapat ayusin, ang tatlong tao naman na nasa dining room ay hindi pa kumakain ng dahil sa inaantay nilang magising si Bianca.
Ang isa sa mga rules sa bahay nila ay hindi dapat munang kumain kapag hindi pa sila kumpleto. Speaking of Bianca, tulog parin ito at kung makahilik ay talo pa ang isang lalaki. Maganda naman ang ugali nito pero kapag kaharap na niya ang madaming tao kasama na dun ang kanyang pamilya ay nag-iiba ang ugali nito maliban na lang sa pinsan niyang si Maris.
Nagiging BITCH siya, kaya yun ang kanyang pinapalabas na ugali dahil ayaw niyang may nakakakita sa kanya na mahina siya. Hindi rin nagtagal ay nagising na ito dahil sa lakas ng tunog ng kanyang alarm clock. Agad siyang tumakbo papuntang C.R. upang maghilamos at magmummog. Pagkatapos niyang gawin ito, bumaba na siya ng hagdan patungo sa dining room nang nakataas ang isa niyang kilay.
Nang makarating siya dun ay nagsimula na silang magdasal at nang matapos ito ay nagsimula na silang kumain. Habang kumakain ay nagsalita si Bianca....
"Ahm, dad, can you buy a latest guitar for me? Please?" habang nagpa-puppy eyes.
"Sure" ngumiti ang kanyang dad kay Bianca at ganun din naman ang ginawa ng kanyang anak. Pero bigla namang um-extra ang kanyang ina.
"Argh Bianca, stop doing puppy-eye-look kasi 'di bagay sayo at hon, bakit mo siya bibilhan ng guitar eh hindi naman siya marunong? Tapos ung latest guitar pa ang gusto mo huh Bianca?" nanlilisik na sabi nito kay Bianca at nakatayo na sa kanyang kinauupuan. Ganito kasi ang kanilang arrangement.
Bianca|||||||||Dad
TAAAABBBLLLLLLEEEE
John|||||||||||MomNgumisi si Bianca na ikinagulat ng kanyang mom mas lalo na ang kanyang dad. Ni minsan hindi niya nakita ang kanyang anak na ngumisi sa kanyang ina kaya ngayon ay labis itong nagulat. Lalong tumaas ang isang kilay ni Bianca habang nakatingin sa kanyang mom na nakangisi pa rin na para bang sinasabi "wag-mo-ako-pakialaman".
Lalong nanlisik ang mga mata ng kanyang ina habang nakatingin ito sa kanya pero hindi nagtagal ay umupo na rin ito at sinabing,
"Alam mo Bianca, ayoko sa lahat ay masama ang ugali at mas lalong ayaw ko na kinakalaban ako" sumagot naman si Bianca.
"Ako din, ayaw ko sa lahat na kinakalaban ako lalo na't alam niyang kaya ko siyang kalabanin" sabay smirk nito. Lalong nagulat ang kanyang ama dahil hindi niya akalaing kaya nang sumagot ni Bianca ng pabalang.
Alam ng kanyang dad kung bakit siya nagkaganito pero hindi niya alam na may mas lalala pang masamang ugali sa anak nito. Hindi alam ng ina ni Bianca kung bakit siya nagkaganito pero may mga pattern narin siya kung bakit. Mysterious and creepy right? Pagkatapos sabihin yun ni Bianca ay bigla ulit napatayo ang kanyang ina na masama ang tingin sa kanya.
"Kahit anak pa kita, kaya kitang patulan" nanggagalaiti nitong sabi. Napangisi ulit si Bianca sabay sabing,
"Do whatever you want". Bigla nang napatingin si John sa kanyang kapatid with concern-look pero inirapan lang siya nito kaya napaiwas na lang ito ng tingin. Cyempre kahit magkaaway silang magkapatid ay concern parin si John kay Bianca. Pero para sa kanyang ate ay plastic ito at pakitang tao.
Bago pa man umawat ang kanyang dad ay bigla ulit nagsalita ang kanyang ina,
"You BITCH" nagulat ang asawa nito sa kanyang sinabi sa kanyang anak kaya hindi niya maiwasan na uminit ang kanyang ulo. Pero bago ulit nito maawat ang away sa pagitan ng dalawa ay bigla ulit nagsalita si Bianca,
"I know" that's why her mother slapped her beautiful face. Mabuti na lang at napipigilan pa niya ang kanyang sarili na 'di saktan ang kanyang ina kaya nagpatuloy na lang ito sa kanyang pagkain. Nasa isip tuloy niya, "Pathetic! Wala siyang pakialam kahit nasa hapag-kainan kami".
Bigla na lang tumayo ang kanyang dad at hinila sa wrist ang kanyang mom. Bigla siyang napangiti ng pagkatamis-tamis dahil alam niyang pagsasabihan ng kanyang dad ang kanyang MOMster. Pero bigla na lang sumingit ang kanyang kapatid kaya napairap na lang ito.
"Dad, mamaya na kayo mag-usap ni mom. Hindi pa siya gaanong kumakain kasi baka mamaya atakihin na naman siya sa puso" - John, habang nakatingin sa kanyang dad. Kaya hindi napigilan ng kanyang dad na bitawan ang braso ng kanyang asawa at inalalayan pagbalik sa dining room at kumain.
"Sorry hon hindi ko sinasadya" sabi ng dad niya na mukhang alalang-alala.
"Okay lang" nakangiti nitong sabi. Hindi tuloy maiwasang isipin ni Bianca na ang galing um-acting ng nanay niya sa paawa effects chuchu at nasa isip na naman niya na masyado na namang sipsip ang kanyang kapatid.
Bigla na lang siya napatayo kaya tinignan siya ng dad niya. Ngumiti lang siya sa kanyang ama bilang sign na "okay-lang-ako-dad" tapos diretso akyat sa kanyang kwarto. Nakita pa niya ang kanyang ina na ngumisi kaya napairap na lang ito. Pagdating niya sa kanyang kwarto ay bigla na lang tumulo ang kanyang mga luha sabay sabing,
"Bakit kapag sila ang kaharap ko hindi ko kayang umakto na tunay akong BITCH? Yung buong-buo na bitch talaga? *sobs* nahihirapan akong um-acting at buti na lang nagagawa ko pa. Bakit kapag ganun ang *sobs* pinapakita ni dad kena *sobs* mom and John, nagseselos ako? Bakit hanggang ngayon feeling ko kulang parin ako sa *sobs* sa pagmamahal nila? Bakit kapag si John ang nakikiusap na hindi man lang nagpapa-cute bumibigay si Dad?" bigla na lang siyang napangiti ng mapakla sabay sabing,
"Hahaha, wala pala sa bokabolaryo ko ang salitang LOVE that's why hindi ko yun maramdaman. Bitch nga pala ako" sabay punas ng kanyang mga luha, ngiti ulit ng pagkatamis-tamis sabay ayos na ng kanyang sarili para pumasok sa eskwelahan.
********************
A/N: Panget po ba?? Sensya na hindi ako professional eh hahahahaha.. Sorry kung tarayan agad at iyakan ah?? Sabaw utak ko chos, na-byuntae ako sa picture ni Jungkook KO eh hahahaha..
Read and Vote, Kamsa '(*∩_∩*)′

BINABASA MO ANG
The Princess Bitch
AléatoireBianca Angela Smith - isang BITCH o sabihin na nating naging bitch siya sa hinaharap dahil sa nangyare sa kanyang nakaraan. Masisisi mo ba siya kung bakit siya nagkaganun? Marahil mababaw ang kanyang dahilan para sa iba ngunit para sa kanya ay napak...