Chapter 3

108 3 0
                                    


3rd Person of POV

Maagang nagising si Ace upang magluto ng kanilang almusal na kakainin kasama ang kanyang magulang. Lagi siyang tumutulong sa gawaing bahay kaya minsan ay napagkakamalan siyang bakla. Ganun lang talaga si Ace dahil lumaki ito at nakita niya mismo sa sarili niyang dalawang mga mata ang kanyang magulang na nagtutulungan at yun ang kanyang kinalakihan niya.

Mayaman sina Ace pero hindi siya sanay na ang mga katulong pa nila ang gumagawa sa lahat ng bagay kung kaya naman niyang gawin. May kapatid ito pero wala ito sa Pilipinas kundi nasa Korea kasama ang kanyang lolo't lola sa side ng mama niya.

Maganda ang ugali nito pero may past siya na ayaw na niyang mangyare pa, ang main-LOVE. Pagkatapos niyang magluto ay inalagay na niya ito sa mesa at kinuha ang lahat ng dapat nilang gamitin. Pagkatapos nun ay bumalik ulit siya sa kusina upang magtimpla ng juice.

Hindi niya alam na nandun na ang kanyang magulang sa dining room at nakaupo na. 'Di alintana sa kanila ang saya dahil maaasahan talaga ang kanilang anak sa lahat ng bagay. Pagkatapos ni Ace magtimpla ay pumunta na siyang dining room upang ilapag na ang tinimpla niya.

Nagulat siya na nandun na ang kanyang magulang pero hindi nagtagal ay lumapit siya rito at kiniss sa pisngi ang kanyang ina at nag-bro fist naman sila ng kanyang ama. Ang niluto niya ay sinigang na baboy at menudo cyempre may kanin, paborito ito ng kanyang magulang at cyempre siya rin. Nagsimula na silang kumain at habang kumakain ay nagsalita ang kanyang ama.....

"Anak, kailan ka magkaka-girlfriend?" at dahil dun sa sinabi ng kanyang ama ay nabulunan siya at buti na lamang ay inabutan agad siya ng kanyang ina na maiinom at hinahagod ang kanyang likod.

"Dad, alam mo naman siguro ang nangyare sakin sa past diba? Saka gusto kong mag-focus sa studies at mas lalo na sa inyo" sabi niya na halata namang nahimasmasan na at nakangiti. Napangiti naman ang kanyang ina dahil sa inasal ng kanyang anak pero hindi niya napigilan na hindi magsalita.

"Anak, kung magkukulong ka lang sa past mo walang mangyayare sayo. Kailangan mo ng tao na mamahalin ka habang buhay. Oo nga't masaya ka sa piling namin pero nais din naming sumaya ka para sa sarili mo. Paano kung mawala kami ng ama mo? Kailangan mo ng taong mag-aalaga sayo at kasama mo sa lahat ng oras, yung taong hindi ka talaga papabayaan. Hindi naman kasi anak na lahat ng babae ay nang-iiwan, kung lahat ganun ehdi sana iniwan ko na rin yang daddy mong bugnutin hahaha. Basta pag nakahanap ka pakilala mo agad sa amin at wag mo nang pakawalan pa, sayang naman kung ganun" napabuntong hininga na lamang si Ace, tinignan niya ang kanyang ama na nakasimangot, hindi niya tuloy mapigilang tumawa.

"Hahahahahahahahaha, ang panget mo pala dad pag naka-simangot hahahaha" sabi niya na hawak ang kanyang tiyan.

"Eh kasi, hindi naman ako bugnutin, ang gwapo ko para maging ganun. Saka kung panget ako anak ehdi sana panget ka din hahahaha" si Ace naman ang napasimangot sa sinabi ng kanyang ama. Sumingit naman ang kanyang ina.

"Hoy mister! Gwapo si Ace dahil sakin siya nagmana so means maganda ako hmp!" pagtataray nito sa asawa at napatawa na lang ito. Habang si Ace ay kumuha ng juice at ininom ito. Hindi niya alam na may balak ang kanyang magulang kaya napatigil ito sa paghaharutan. Patuloy parin sa pag-inom si Ace dahil ninanamnam pa niya ito gaya ng nasa utak niya na isinisink-in ang sinabi ng kanyang ina.

"Ahm son, are you gay or baog ka?" dahil dito ay naibuga niya ang kanyang iniinom at buti na lang dahil walang natamaan maski pagkain kaya thankful naman siya. Tinignan niya ang kanyang ama na nakatingin din sa kanya na may panlolokong tingin.

"Of course not dad!" hindi niya napigilang sumigaw dahil nasa harapan siya ng hapag-kainan. Hindi napigilan na tumawa ang kanyang ina at sumakay sa trip ng asawa niya.

"Then, patunayan mo na hindi ka nga bakla or baog, mag-girlfriend ka" nakangiti nitong sabi. Hindi naman sa pinagtutulakan nila ang kanilang anak, gusto lamang nila mapasaya ito.

"Fine!" at napa-facepalm na lang siya dahil sa inasal ng kanyang magulang dahil bigla na lang sila tumayo sa kanilang inuupuan at nagsisisigaw sabay yakap sa isa't isa.

"Wooooohhh!! Magi-girlfriend na ang anak ko!" ani ng dad niya.

"I'm so happy for you anak" sabi naman ng kanyang ina. Nagyakapan ang tatlo at nagpatuloy sa kanilang kinakain. Nagkwentuhan lang sila ng masasayang nangyare na bagay sa kanila at sa gagawin ni Ace sa kanyang life in 2nd year college. Habang nag-uusap ay nasa isip ni Ace na "Hahanap ako ng best na babae sa lahat ng best kaysa sayo Keren" at napa-smirk na lamang ito sa nasa isip niya. Magsisimula na siyang mag move on at kakalimutan ang past niya.

~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: sorry na po mga ates at kuyas kung panget, sabaw utak ko eh. Lutang dahil kay V my loves hahahahaha.
Read and VOTE po pleeeeaaasse '(*∩_∩*)′ Kamsa ~~^^~~
Ung UNTITLED PART 1 ay wag nyo pong pansinin, ayaw po kasing madelete eh.

The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon