Chapter 5

124 5 0
                                    

Bianca's POV

"Manang, where's dad?" tanong ko sa isang katulong namin. Well, it's 6 a.m in the morning. Aga kong magising maya pa namang 8 ang pasok ko, 6 kasi ang right time namin sa bahay para kumain kami ng sabay-sabay. Yun kasi ang gusto ni dad, magulo man or nag-aaway kami nila mom kelangan kumpleto.

Dapat sila ang mas mauuna sakin sa dining room eh ang kaso sila mom at ung pakitang tao kong kapatid lang ang nandun. Ayaw kong makisabay sa kanila, madaming nagfa-flashbacks sa utak ko which is ayaw ko nang maalala pa.

"Nasa office na siya, emergency daw saka pinapasabi sa iyo ng dad mo na wag ka daw munang magtaray lalo na't walang aawat sa iyo haha" napailing na lang ako at napangiti ng sikreto dahil sa binilin ng dad ko. Well, si Manang Lourdes lang ang ka-close ko sa lahat ng kasambahay namin, ang bait kasi niya sakin eh. Kaya madali kong nakagaanan ng loob.

"Sige po manang, salamat, akyat na po ako" sabi ko na nakangiti sa kanya. Nasa living room kasi ako pero tanaw na tanaw dito ung dining room. Alam kong nakatingin sakin si mom pero wala akong paki tsss.

"Hindi ka ba kakain? Aba'y ang payat mo na ah kaya kumain ka baka ako ung mapagalitan ng daddy mo" nakangiti niyang sabi, how I wish na ganyan din ang mom ko pero hindi na ako umaasa.

"Manang, sexy kasi ako kaya akala mo payat ako. May shape nga katawan ko eh haha. Sige na nga Manang kakain na ako para matuwa ka sakin kesa mapagalitan ka ni dad kahit hindi ka naman niya papagalitan hahaha" natawa na lamang si Manang kaya ngumiti na lang ako. Pumunta na ako sa dining room at umupo at nagsimulang mag sandok ng kanin.

Tapos kukunin ko na sana ang ulam na gusto ko ang kaso malayo sakin, nasa tapat pa mismo ng aking ina. Pinipilit kong abutin kesa siya pa mismo ang mag-abot sakin. Dahil nga sa kagustuhan kong maabot yun, hindi ko namalayang sumawsaw ung laylayan ng damit ko sa sabaw ng sinigang.

Ayaw ko ng sinigang, mas bet ko si adobo. Oo, ung adobo ang inaabot kong ulam. Pagkasawsaw ng damit ko, tumigil na ako sa kakaabot ng ulam na gusto ko, kukunin ko na sana ung sinigang pero nagulat ako nang biglang tumayo si mom at kinuha ang adobo sabay lagay nito sa plato ko. Yung kapatid ko, walang pakialam, kain lang ng kain palibhasa walang pakinabang dito sa bahay.

Nagulat ako sa ginawa ni mom kaya hindi agad ako makakilos. Matagal-tagal na rin niya kasi hindi ito ginagawa sakin kaya nagulat naman ako. Nginitian niya ako na halata mo namang sincere pero nasa isip ko pa rin na pakitang tao siya gaya ng kapatid ko.

"Anak, dapat sinabi mo na lang sakin na aabutin ko sayo ung ulam, yan tuloy nadumihan ang damit mo" masarap pakinggan ang salitang ANAK lalo na't kapag sa mismo mong ina ito narinig pero hindi ko na lang siya pinansin. Naupo na lamang siya at napa-buntong hininga. Nagpatuloy na lang kami sa aming kinakain nang may nag-flashback ulit sa utak ko.

Flashback~~~~~10 years old

Ang sarap ng ulam namin, adobo weeeehh! Wala si papa, nasa trabaho niya eh kaya kaming tatlo na lang ang nandito sa kusina, andun ung mesa eh, ehdi dun kami kakain.

Nagsandok ako ng kanin at kukunin sana ung ulam namin na adobo kaso hindi ko abot, gusto ko pa naman ung hita ng manok. Pinipilit kong abutin ang kaso hindi ko abot eh.

"Mama paabot po ng adobo" masaya kong sabi.

"Abot mo na yan" at nagpatuloy na siya sa pagkain. Nalungkot tuloy ako nun kasi gusto ko na ng adobo eh.

"Mama paabot ng ulam" sabi ng kapatid ko. Inabot naman yun ni mama at nilagyan pa mismo ng manok ang plato ni John John. Yung hita pa mismo ang inilagay kaya hindi ko napigilan na kunin yun sa plato ng kapatid ko.

The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon