Amber Mae DecarlotaNaramdaman ko na ang sinig ng araw na tumatama sa aking mukha. Mula sa bintana dito sa kuwarto ko.
Bumangon na'ko at sinimulang ligpitin ang aking hinigaan.
Ito ang araw na pinaka-inaabangan ko. Ang unang araw ko sa sikat na sikat na private school dito sa lugar namin.
Ekslusibo ang paaralang Bateson Central Highschool sa mga may-kaya at mamayang pamilya dito sa Pampanga.
Kaya ang katulad kong mahirap. Pinapangarap na makapag-aral sa iskwelahang 'yun. Hindi dahil sa sikat ito. Bagkus, dahil kumpleto sila ng facilities, appliances, instruments at etc. Para sa iba't ibang activities at sports ng iskuwelahan.
Sinimulan ko nang gumayak, dahil first day ngayon. Ayoko namang ma-late at aabutin pa ng thirty minutes ang byahe papunta sa BCHS.
Pagkuwan natawa ako. Nakita ko kasi sa salamin yung sarili ko. Suot-suot ang girls uniform ng BCHS. Hindi bagay sa akin, pinasadya ko na malaki ng konti yun blouse. Samantalang medyo mahaba sa original na sukat yung skirt.
Pormahang losyang nga raw ako eh. Magagawa ko, dun ako komportable.
Hays. Ang manang mo talaga Amber.
Tumungo na ako sa baba at pumunta sa kusina.
Yahhh! Ambango ah. Amoy tortang talong.
Tama nga ang hinala ko. Tortang talong, hotdog at adobo ang nakahain sa lamesa. Nukss. Adobo my favorite, sempre hindi mawawala ang kape.
Nakita ko si mama na may ina-asikaso pa sa kusina. Dali-dali ko s'yang pinuntahan at hinalikan sa pisngi.
"Goodmorning Ma! " bati ko rito.
"Oh! Anak. Wag ka ng maglambing sa akin. Puro ako pawis" humarap sa'kin si mama at pinunasan ang pawis niya. "Abay... Ang aga mo naman" dagdag pa nito.
"Mukhang excited ang prinsesa namin ah. " bungad ni papa na kagagaling lang sa budega ng bigasan.
"Sobra. 'Pa. Dream come true po, na makakapasok na ako sa BCHS" magiliw kong sagot pagkuwan ay umupo na ako at simulan na namin ang almusalan.
Nitong bakasyon kasi. Ang BCHS ay nag labas ng 100 slots namakakatanggap ng scholarship sa school nila.
Nang malaman ko yun, ginawa ko ang lahat ng paraan para makapag paregister. Libo-libo ang mga nagparegister. But only 500 registrants got the chance to take the exam.
Labis ang saya ko nang inaanunsyong isa ako sa makakapag take ng examination. Hindi lang dun naputal ang pasasalamat at kaligayahan ko nang makapasa ako sa napakahirap na scholarship exam nila.
Kaya naman nagkararoon ako ng oportunidad nasa BCHS maipagtuloy ang dalawang taon ko pa sa highschool.
Sobrang worth it ng isang buwan kong pagre-review, dahil naipasa ko ang exam. Ang totoo hindi ko inaasahan na makakapasa ako, dahil hindi naman ako gaanong katalino. Ngunit sa tulong ng pagpupursige at diterminasyon kong makapasok sa aking dream school. Nag-effort akong magreview kahit nakakahilo.
Napuno ng tawanan at pagsuporta sa akin nila mama ang umagahan namin. Ansaya lang ng ganitong buhay. Kahit hindi kami mayaman, basta gumigising kami ng kumpleto at sabay-sabay na kumakain. Nakakakontento na. Parang wala na'kong hihilingin pang iba. Siguro kung may kulang man, iyon yung wala akong kapatid. Na solong anak lang ako. Mas masaya siguro kung meron akong kakulitang kapatid.
Tigil na sa kadramahan Amber. Pahalagahan na lang kung ano ang nanjan.
Nasa byahe na kami ni papa, gamit namin ang sasakyan niyang L3. Simple lang ang negosyo ni papa. Bigasan. Meron kaming puwestong bigasan sa palengke. Ani mismo sa sakahan namin ang tinitinda niya. Si mama sa bahay lang. Inaabala ang kanyang sarili sa mga gulay at bulaklak na nakatanim sa aming bakuran.
YOU ARE READING
One Thing In My Mind (On-going)
RomanceSi Ian Dash Martinez, Hugo Del Farro, Dylan Guevara at Eichiro Isles. Ang magkakaibigang pinapatatag ng kanilang malokong samahan, sa kanila'y hindi uso ang salitan iwanan. Sa labanan, kalokohan, at katorperhan ay kapit-bisig sila. Puwera na lang s...