Panimula

35 0 0
                                    

"Ang ganda ng langit."

'Yan ang aking laging bukambibig sa tuwing lalabas ako ng bahay. Nakakabighani tignan kung gaano kaasul ang kulay nito. Kumpol-kumpol na mga puting ulap na tila akala mo ay mga bulak na nakalutang. At ang sinag ng araw na mas lalong nagdedepina sa kulay nito.

Nakatingala ako habang nakatayo sa pila ng jeep, hindi namalayan na nasingitan na pala ako. Binalik ko ang tingin sa pila nang makitang tatlong pasahero na lang ay ako na ang sasakay.

"O lima pa o! Kasya pa yan! Urong-urong naman sa loob, upong otso lang tayo dito!" sigaw ng mamang nagtatawag ng pasahero.

"Ano ba yan lima pa daw eh kalahati na lang ng 'pwet ko yung nakaupo." rinig kong reklamo ng babae sa loob. Hindi siya pinansin ni manong barker at nagpatuloy sa pagpapasakay.

Agad akong umupo kahit katiting na bahagi na lamang ng pwetan ko ang lumalapat sa upuan. Late na 'ko sa trabaho unang araw ko pa naman. Tatlo ang pinapasukan kong trabaho. Waitress ako sa umaga sa isang restaurant, sa hapon naman ay tagahugas ako ng pinggan sa karinderya, nagbebenta naman ako ng yosi at kendi sa mga tricycle driver 'twing gabi.

Unang araw ng pasok ko ngayon bilang waitress. Ito na ata ang pinaka-pormal kong trabaho dahil nagpasa ako ng resume dito. Tapos ako ng senior high school kaya naman tinaggap ako sa trabahong iyon. Malapit lang ang biyahe dahil sa malapit na branch ako in-assign.

Nang makababa ako sa jeep tinakbo ko na ang pagitan dahil sampung minuto na 'kong late. Pagkapasok ko sa loob, iilang mga staff at OJT ang nadatnan ko. Hinihingal na binati ko sila habang nagpupunas ng pawis.

"Magandang umaga po."

Tango at titig lamang ang sinukli nila sa akin bago bumaling sa lalaking nasa harap.

Matipuno ang pangangatawan ngunit hindi naman siya mukhang katandaan. Siguro ay mga tatlo o apat lamang ang agwat ng edad namin. Makapal ang kanyang kilay at napakaganda ng mga mata. Sakto ang tangos ng kanyang ilong at ang hubog ng kanyang labi. Napatigil ang pagsuri ko sa kanyang katawan nang magtama ang mata namin. Umiwas ako ng tingin nang taasan niya ako ng kilay.

"Good morning everyone. I am expecting that before you come here today you have already attended the orientation held last week. Today marks as your first day at this job and I'm hoping that you will give me a great first impression." napakalalim ng boses niya na akala mo ay sinasadya. Lumalabas din ang kanyang adams apple sa tuwing lumulunok siya sa pagitan ng pagsasalita. Siya siguro ang may-ari nito.

Matapos niyang magsalita ay umalis na siya kaagad. Nagkalat naman kaagad ang mga tao at nag-kanya kanya. May pumalit na babaeng nagsasalita sa harap, manager ata siya. Inaasign niya ang bawat isa sa trabaho. Nasa dulo ako kaya medyo matatagalan pa.

"Gwapo 'no?" Napabaling ako sa katabi ko nang bulungan niya ako. "Siguro may asawa na yan o kaya girlfriend. Swerte naman ni Ate Girl sarap na ng boyfriend, mayaman pa." sabay tumawa ng ipit. Natawa naman ako pero inilingan ko lang siya.

"Hi ako si Jena, ikaw ano pangalan mo? Parang hindi kita nakita nung orientation." inilipat niya na sa akin ang buong atensiyon niya.

Humarap ako sa kanya para makita ang kabuoan niya. Hindi siya pamilyar sa akin. Maliit at payat si Jena, siguro ay kasinglaki lang ng palad ko ang mukha niya. Matangos ang ilong at mukhang banyaga ang ibang detalye ng kanyang mukha.

"Hi. Isabel ang pangalan ko. Hindi ako nakapunta nung orientation kasi may importanteng nangyari. Malaking kawalan ba yun?" Sobrang daming nangyari nung araw ng dapat orientation ko sa trabaho. Nakakaloka.

"Hindi naman. Usually sa orientation brief background lang about sa company ganun. Pero malaking tulong din yun lalo na kung first time mo. First time mo ba?" nagbubulungan pa din kami dito sa likod. Isang row na lang ay kami na ang susunod.

"Oo eh. Hindi naman nila siguro tatanungin kung umattend ako ng orientation." pampalubag loob ko sa sarili ko. Magsasalita pa sana siya nang bigla kaming tawagin ng sabay nung babae.

"Madrigal, Jena? Sa left wing ka ng restaurant kasama mo yung tatlong babae dun sa gilid." tinuro naman ng babae kung saan dapat pumunta si Jena. Kumaway siya sa akin bago nakisalamuha sa ibang babae doon. "Castellon, Isabel, hmm ikaw sa receiving area. You'll welcome our guests. Dalawa kayo nung lalaki dun." tinuro niya ang pinto kung saan nakatayo ang isang matangkad na lalaki.

Lumapit ako sa pinto at kumaway sa makakasama ko sa area na ito. Matangkad at kulot ang buhok niya. Siguro ay perm o kaya'y natural. Kumaway siya pabalik sa akin nang nakangiti, lumabas ang kanyang dimple sa magkabilang pisnge. Maputi ang kanyang balat at maayos ang hubog ng katawan. Nang makalapit ako ay agad niya akong binesohan.

"Hi sis! Welcome to the working world. 'Wag kang mag-alala nasa mabuting kamay ka!" masigla niyang bati habang pinapakita pa ang kanyang kamay. Natawa naman ako sa kasiglaan niya. Halata mo kaagad na beki siya sa kilos at pananalita.

Mukhang magiging maayos ang trabaho ko dito dahil magaan ang pakikitungo ng mga tao.

"Ako si Robi. Roberto real name ko te ang pangit diba? And I'm a proud member of LGBTQ+. Nakita mo yung mga babae sa left wing? Naiinggit na sayo yan kasi kasama mo ko dito, akala naman nila bet ko mga kipay nila. Wiz ko bet." maarte niyang sabi kasabay ng pag-ikot ng mata niya.

Hindi ako makapagsalita sa sobrang tawa, naluluha-luha pa ako ng bigla niya akong hilahin para gumilid. Agad nawala lahat ng katatawanan sa katawan ko nang makita ko yung lalaking nagsasalita kanina. Ang bigat ng kaniyang presensya. Tingin palang niya kala mo ay hinuhusgahan ka na. Lumipat ang tingin niya mula kay Robi papunta sa akin.

"We will open in 5 minutes. Stay at your post and don't leave. Do your job properly. Understand?" Sasagot na sana ako nang iiwas niya ang tingin sa akin at inilipat sa lahat ng trabahador dito. 'Yes sir' ang naging tugon ng lahat. Tinapunan niya pa ako ng isang tingin bago dire-diretsong umalis.

"Grabe ang gwapo ni Sir! Swerte mo girl ang tagal mong natitigan. Buti hindi pa lumaglag 'yang panty mo!" kabig niya sa akin bago bumalik sa harap at ayusin ang suot na vest.

Sumunod naman ako sa kanya papunta sa assigned post namin. Ang daming tao. Sikat at dinudumog ang restaurant na ito kaya sobrang laking pasasalamat ko na tinaggap nila ako.

Ngiti at bati sa mga dumadating na customer ang ginagawa namin sa tatlong oras na nakatayo. Nang mag-lunch break ay dumiretso na ako sa locker at inaayos ang gamit ko.

"Girl san punta? Dito lang tayo sa loob kakain may paayos ka pa ng bag jan." puna sa akin ni Robi. Kinuha niya din ang bag niya sa locker at nagretouch ng mukha.

"Ah part time lang kasi ako dito. May trabaho pa ko sa karinderya pagkatapos ko dito." napadalawang lingon sakin si Robi matapos kong magsalita.

"Wow sana all. Buti pinayagan ka ng management na magpart time dito. No offense meant pero medyo high class kasi datingan ng restaurant na 'to kaya nakakagulat na pumapayag silang may part time."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Robi. Oo nga naman, kadalasan eh full time ang mga empleyado kapag ganitong klaseng restaurant and mostly college graduate ang kinukuha. Malaking palaisipan na nakapasok ako.

"Oo nagulat nga din ako nung tinawagan nila ako for orientation. Pero susubukan kong magresign dun sa karinderya para makapag-full time ako dito. Siya kasi yung may-ari ng apartment na tinutuluyan ko kaya nag-offer ako magtrabaho sa kanya."

"Oh siya sige na. Bye see you tomorrow sisteret!" bumeso siya sa akin.

Nag-commute ako pauwi sa apartment na tinutuluyan ko. Nagpalit ako ng damit at dumiretso na sa karinderya ni Aling Sita. Tambak-tambak na hugasin ang unang nakita ko nang pumasok ako sa kusina, DJ na naman ako nito.

"Bilisan mo jan Isabel at may bisita ka." dinig kong tawag sa akin.

Napakunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahan na bisita.

"Sino ho?" sigaw ko dahil medyo may kalayuan siya sa akin, medyo binge din.

"Nanay mo."

Steep and Shallow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon