Ikalima

3 0 0
                                    

Alas-tres na ng madaling araw kaya naman nagsimula na akong magligpit ng paninda. Habang nag-aabang nang masasakyang tricycle may kumalabit sa akin, lumingon ako pero wala namang tao. Sinipa ko ang lalaking kumag sa gilid ko na umani nang malakas na pag-aray.

"Aray naman Isabel! Dati batok lang ngayon sipa na." Hinihimas niya ang tagiliran niya.

"Sa susunod sasaksakin na kita." Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Inumaga ka na ah, tara na hatid na kita." Kinuha niya sa akin ang mga bitbit ko.

"Akin na 'yan. Mukha ba 'kong baldado? Kinse lang babayad ko sa'yo ah, di ka pa bayad sa yosi mo kahapon. Buraot ka talaga."

Siya ang nagbuhat ng maliit na lamesa habang buhat ko ang box na pinaglalagyan ng yosi. Medyo malayo nakaparada ang tricycle niya kasi hindi rehistrado sa toda rito.

"Bakit ba hindi ka naka-rehistro rito? Tapos dito ka pumapasada, teluk mo talaga."

"Andito ka eh." Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan siya. "Charot." Tumawa si timang at binilisan ang lakad.

"Gago talaga." Bulong ko sa sarili at binilisan din ang lakad. Nang makasakay kami ay ang bilis niya magpatakbo. Death race ata nasa utak niya.

"Hoy! Pol putangina magpapakamatay ka ba? Dadamay pa ko amp." sigaw ko sa kanya.

"Hjjhdfbjcyejadcnuhfajhgedbnyrfjb." Ano raw? Puro hangin naririnig ko.

Malakas na batok ang inabot niya sa akin nang makababa ako. "Pulpol ka talaga. Bayad ko." Inabot ko sa kanya ang buong bente. Tumalikod na ko pero pinigilan niya ko sa balikat.

"Sukli mo." Mabilis niyang inabot sa akin ang limang piso. Tinanguan niya lang ako bago umalis.

Weird talaga 'nun.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto dahil baka magising si Aling Sita, sesermunan ako 'nun pag nakataon.

Nakapasok ako nang tahimik at mapayapa. Dumiretso ako sa banyo para maglinis ng katawan. Habang sinasabunan ko ang bawat parte ng katawan ko, tumutulo nang dire-diretso ang luha ko. Bumabalik sa akin lahat ng kahayupang ginawa sa akin ni Tito. Kung paano niya ako molestiyahin kapag natutulog ako, nakakadiring haplos niya sa akin tuwing naliligo ako.

Nakakasuka.

Pakiramdam ko napaka-dumi kong babae kapag hinahawakan niya ako. Binilisan ko ang pagligo dahil hindi na ako makahinga. Nararamdaman ko pa rin ang magaspang niyang kamay sa balat ko, sobrang natatakot ako kaya wala akong ibang nagawa kung hindi umiyak habang yakap nang mahigpit ang hubad kong katawan.

Bumukas ang pinto at bumungad si Aling Sita na may dalang tuwalya at nag-aalalang mukha. Binalot niya ako sa tuwalya at sa mainit niyang yakap sabay haplos sa buhok ko nang dahan-dahan habang binubulungan ako na...

"Shhh, tahan na anak."

"Tama na po, ayoko na po, tama na po..." Paulit-ulit kong sinasabi habang mahigpit na hawak ang tuwalyang nakabalot sa akin.

Ilang minuto rin ang tinagal namin sa loob bago ako tuluyang kumalma. Pinagbihis muna ako ni Aling Sita bago ako pinakain ng almusal. Mugto ang mata ko at ang onting oras na lang ay kailangan ko nang pumasok.

"H'wag ka muna kayang pumasok sa trabaho Isabel? Kahapon ay nilalagnat ka tapos ngayon... ay siya! Ipagpapaalam kita sa amo mo. May contact number ka ba ng restaurant niyo?" Tanong niya sa akin habang nahihirapang gamitin ang telepono niya.

"Okay lang po ako. Kailangan ko pong pumasok araw-araw para malaki ang sahod ko. Kino-contact na po ako ng ospital para sa bill ni Papa. Down payment pa lang po kasi ang nabigay ko. Kailangan ko pa po nang pang-piyansa tapos yung bayarin ko pa po dito..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Steep and Shallow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon