Ikaapat

3 0 0
                                    

Minsan lang ako manigarilyo, mabibilang ata sa daliri kung ilang beses ako humithit ng yosi sa isang buong taon.

Putangina ni Randy.

Ang kapal ng mukha ni gago matapos ipakulong tatay ko ayaw pa ipagamot ng maayos. Dati pa na may dinadamdam si Papa. Laging nahihilo tapos biglang maninikip yung dibdib lalo na kapag nasosobrahan sa trabaho.

"Oh mukhang problemado ka Isabel ah." Bati sa akin ni Leonard nang makita ako sa iskinita.

"Isa lang. Nasa kulungan na naman si Papa eh, di pa nga masyadong magaling yun binalik agad sa selda." Inalok ko siya ng yosi.

"Pass tol maamoy ni Karen." Girlfriend niya. "Ang higpit naman nila sa tatay mo. Hindi naman murder kaso nun ah, teka ano nga ulit kaso niya?"

"Assault daw. Sinapak niya si Randy dahil sinasaktan nanay ko. Grabe makapaghigpit akala mo nakapatay na amputa." Ismid ko sabay tapon sa kanal ng yosi.

"Nagtaka ka pa, ganun talaga pag may pera. Minsan nga kahit di mo kasalanan ikaw makukulong basta mahirap ka. Nakakatakot maging mahirap sa panahon ngayon."

"Kaya yung kasabihan na 'Bulag ang batas' sa mahirap lang ma-apply yun. Kasi sinisilaw ng mayaman gamit ang pera nila ang batas para bulag na pagdating sa hustisyang hinihingi ng mahirap." Napailing na lang ako sa nasabi.

"Nakakatawa na imbes tayo ang nagkokontrol sa pera, pera ang kumokontrol sa atin. Bawat galaw natin may katumbas na halaga. Buhay nga ng tao nabibili na." dagdag niya pa.

"Oh siya sige na bago pa natin isa-isahin kung gaano ka-putangina mabuhay sa mundo, punta na ko sa mga toda hahanda ko pa paninda ko." Tinapik ko siya sa balikat bago dire-diretsong naglakad palabas.

Sinet-up ko muna ang lamesa bago nagsindi ulit ng yosi. Nagulat ang ibang tricycle driver dahil ngayon lang nila ako nakita manigarilyo. Pinagsabihan ako ng iba, ang iba naman ay pinuri ako.

Hindi talaga magiging isa ang opinyon sa'yo ng tao. Maaring ang isa ay gusto ka, ang isa naman ay ayaw sa'yo. Kahit ano pa ang gawin mo, mabuti man yan o hindi, may masasabi at masasabi talaga ang tao.

"So you smoke."

Nalunok ko ang usok nang makita si Sir Dom sa tapat ng lamesa ko. Kanina pa pala ako nakatulala.

"Sir bakit ka po nandito?" Uubo-ubo ako habang pinipilit na iiwas ang usok sa kanya.

"Kakalabas mo lang ng hospital and yet you're here smoking cigarettes." Umiling siya.

"Sir bakit ka ho nandito? Malapit lang ho ba bahay niyo dito? Lagi kayong nadadaan ah." Naiinis na ko ha. Pakielam niya ba kung naninigarilyo ako?

"Kalsada 'yang nasa harap mo, natural dumadaan ang mga kotse. And also your store is placed in front of SnR, a shopping and grocery center in which I have membership. Don't tell me you're assuming that I come here because of you?" Sungit. Dami pang sinabi. Defensive ka girl?

"Okay ho Sir. Pasok na po kayo sa loob nakaharang po kotse niyo hehehe." Peke kong tawa.

Umismid lamang siya at nilipat ang tingin sa yosi na nasa pagitan ng daliri ko. Naitapon ko naman kaagad ito bago pa niya masita. Iminuwestra ko ang daan sa kanya para umalis na siya sa pwesto ko. Ang dami nang gustong bumili pero dahil nakaharang siya, napupurnada.

Tumalikod siya sa akin at nagsimula nang maglakad. Hay salamat.

"Hi Isabel! Ang ganda mo ngayong gabi ah. Isang lights nga." Si Pol, ang medyo bagets na tricycle driver. Bente-dos pa lang 'to kaya ang lakas ng loob pormahan ako.

Inabot ko sa kanya ang yosi pero dahil may lahing saltik 'to kaya naman dahan-dahan niyang inabot sa akin ang bayad na may kasamang haplos sa palad ko.

Steep and Shallow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon