Ikatatlo

9 0 0
                                    

Sisinghot-singhot ako kinaumagahan pag gising. Ang bigat ng pakiramdam ko at umiikot ang aking paningin. Naamoy ko ang niluluto ni Aling Sita mula sa kwarto kaya mas lalong kumalam ang tiyan ko, kahapon pa ako di kumakain.

"Isabel gising ka na ba? Halika na dito at may naluto na akong almusal. Sinabi ko naman sa'yo na sanayin mo na ang sarili mong kumain araw-araw eh aba wala ka na sa puder ng demonya mong tiyahin." sermon niya sa umaga.

Niyakap ko sa likod si Aling Sita habang nagaayos siya ng lamesa. Sobrang bait niya sa akin na halos itinuring niya na ako na parang tunay niyang anak. Siya ang nagsabit sa akin ng medalya nzng matapos ko ang senior high school. Siya din ang una kong nilapitan nung nagka-regla ako at lagi kong takbuhan kapag hindi ko na kaya. May mga anak si Aling Sita pero lahat sila nasa ibang bansa na at pinapadalahan na lang siya ng pera.

"Salamat po sa lahat. Kung hindi po dahil sa inyo baka hanggang ngayon ay nandoon pa din ako kay Tita."

"Ay ano ka ba! Ang aga-aga napakadrama mo. Oh siya mag-almusal ka na dyan at mala-late ka na sa trabaho."

Tumawa naman ako at kumawala na sa yakap. Sabay kaming nag-agahan ni Aling Sita pero nauna siyang matapos dahil kailangan niya nang pumunta sa karinderya. Ang sipag ng matandang yan. Kahit malaki naman ang kita ng apartment niya at pinapadalahan din siya ng pera ng mga anak niya, gusto pa rin niyang magluto kaya nga nagtayo siya ng karinderya.

Ganun pa rin ang pila sa jeep pero hindi na ako nagmamadali ngayon dahil maaga akong nagising. Kanina pa tulo nang tulo ang sipon ko at halos mahimatay na rin ako sa sobrang hilo pero nilalabanan ko. Nainuman ko na naman 'to ng gamot.

Pag pasok ko sa staff room ay naabutan ko si Jena na nagm-make up.

"Good morning Isabel! Putla mo naman girl, may sakit ka ba?"

Nilapitan niya ako at kinapa ang leeg.

"Ay! Ang init mo 'te! Bakit pumasok ka pa?"

"Sipon lang 'to tsaka nainuman ko na din naman ng gamot. Mawawala din yan mamaya pag napagpawisan ako."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago inirapan.

"Hay nako, ikaw pag nahimatay ka mamaya dun nako talaga. Magpa-assist ka na lang kay Robi mamaya tapos diretso uwi since half day ka lang naman."

"Opo master!" Biro kong sinabi. Inirapan niya lang ako muli bago lumabas.

Nagdodoble na ang paningin ko nang magsimula ang trabaho.

"Girl okay ka lang ba? Ako na dito mag-paalam ka na lang na may sakit ka. Sige na sobra na init mo."

Inilingan ko lang siya at pinikit ng madiin ang mata para mawala kahit papaano yung pagdodoble. Napahawak ako sa balikat ni Robi nang maramdamang babagsak ako. Maya-maya lang ay nawalan ako ng malay.

Nagising ako na sobrang bigat ng ulo ko. Pakiramdam ko limang sakong bigas yung nakapatong sa ulo ko ngayon dagdagan pa ng panlalamig. Inikot ko ang paningin ko at nakita ang busangot na mukha ng may-ari ng restaurant.

Bakit nandito 'to?

"So you're awake. Going to work with high fever? Really? Hindi mo ba kayang pakiramdaman sarili mo?" Masungit niyang tanong.

Hindi ko alam kung bakit lagi akong natutulala kapag nagsasalita siya. Parang may mahika at sparks na nakapalibot sa kanya kapag tinitignan ko siya.

"What? Titigan mo na naman ako at hindi sasagutin?"

Dahan-dahan akong tumayo kahit sobrang hilong-hilo ako.

"Pasensya na Sir kung nakagulo pa ko kanina. Kailangan ko ho kasing kumita kaya hindi ako pwedeng umabsent." Malat ang boses ko habang nagsasalita.

Steep and Shallow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon