Chapter 16

1.2K 35 6
                                    

MATAGAL na tinitingan niya ang kanyang repleksiyun sa salamin, sinuri niya ang kanyang itsura kung bagay din ba sa kanya ang sinuot niyang mini dress na usong-uso ngayon. Hanggang ibabaw ng tuhod niya ang haba noon, kulay gatas at hapit na hapit sa kanyang bewang kaya’t lumabas tuloy ang maliit na kurba ng bewang niya at bilugang dibdib niya.

“Hindi ko akalaing ngayon ko gagamitin ito pero ang ganda lang para akong koreana hihihi,” nakangiting aniya at umiikot pa.

Pinarisan niya ng kulay gatas din na sandals terno ng kanyang bags at panali sa buhok ang kanyang mini dress.

“Ang ganda talaga para akong model sa online shopping apps,” tuwang-tuwang komento niya.

Naputol ang pag-d-day dream niya nang marinig niya ang pagtunog ng door bells, walang ano-anong tumakbo siya at tumigil sa harap ng pintuan. Inayos muna niya ang sarili at pinaskil na ang ngiti sa kanyang labi at binuksan ang pintuan.

“Hi,” bati niya sa lalaking titig na titig sa kanya.

Nagkamot ng batok ang lalaki nang makabawi na ito. “Pasensya na kung natagalan ako—”

“Hindi, ayos lang. Ahmm, tara na?” anyaya niya.

Ngumiti ito at tumango habang ng lalakad sila sa hallway ay kapansin-pansin ang paglingon at pagtingin ng tao sa kanila. Napatingin siya kay King walang imik sa kanyang likuran, hindi niya alam pero nang makita niyang nakatingin ang mga babae kay King ay tumigil siya sa paglalakad.

“Mary, may problema ba?”

Inangat niya ang kanyang mukha at tumingin sa lalaki. “Pwede ba akong kumapit sa braso mo? Nanakit kasi ang paa ko,” pakiusap niya.

Nakita niyang mukhang nagulat ang lalaki kaya’t babawiin niya sana na lang ang sinabi ngunit nagulat siya nang kinuha nito ang isang kamay niya at nilagay nito sa braso nito.

“Tara na,” nakangiting anyaya nito.

Tulalang napatango siya at hinayaan ang lalaking alalayan siya. Pagdating nila sa labas ay tumigil ito sa paglalakad kaya’t napatigil din siya.

“Gusto mo bang sumakay o lalakarin na lang natin?”

Napatingala siya sa langit, ang ganda ng panahon ng mga sandaling iyon. Hindi mainit at hindi rin madilim kundi sakto-sakto lang.

“Ayos lang naman sa akin lalakarin natin,” tugon niya.

“Pero baka lalo sumakit ang paa mo—”

“Ayos lang, pwede mo naman akong buhatin—” Nabitin sa eri ang masunod niyang sasabihin ng may napagtanto siya.

Napahawak siya sa kanyang mukha nang makitang umangat ang gilid ng labi ng lalaki na animo’y naaliw ito sa sinabi niya.

“Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko nagbibiro lang ako—”

“Ayos lang kahit seryoso ka pa. It’s my honor to carry you.”

Tumalikod siya sa lalaki para itago ang pamumula ng mukha niya. Napa-angat siya ng tingin ng hinawakan nito ang kamay niya at marahan siyang hinila. Walang imik silang naglalakad sa gilid ng karsada, kung dati ay nililibot niya ang tingin sa paligid sa tuwing naglalakad siya sa daan, iba na ngayon dahil hindi maalis ang kanyang mga mata sa lalaking nasa harap niya. Tulad ng dati ay para itong magnet na kada kita niya rito ay tila ba hinahatak siya nito. Walang kupas din ang talent nitong pabilisin ang tibok ng puso niya.

“Wala na, finish na. Patay na patay talaga ako sa lalaking ito,” bulong isip niya.

Napabalik siya sa katawang lupa niya nang mabunggo ang noo niya sa malapad na likuran ng lalaki.

Mahal Kita Dati Pa {R-18}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon