Kumusta! Ako pala si Ace, 18 Years old and I am in my Second Year College sa SayHi Academy.
Naglalakad ako papunta sa classroom ng may biglang umakbay sa akin, maaga pa naman at nasa labas pa ang ilang mga estudyante.
"Auie! Himala ata at maaga ka ngayon, akala ko malalate ka na naman." Tinanggal na nito ang pagkakaakbay at inayos ang backpack.
"Ano ka ba naman Ace, syempre minsa kailangan nating magpaimpres." sabi nito sabay kindat sa akin.
Magkaklase kami ni Auie, naging magkaibigan kami nung Freshmen Year ko dito sa SayHi Academy. Isang subject lang na magkaklase kami at yun ay P.E. medyo mahiyaan pa ako noon ito naman si Auie ay may pagka-social butterfly, siya na siguro ang Ms. Friendly ng SayHi Academy.
Pagpasok namin sa Classroom ay nasa kanya-kanyang gawain ang mga kaklase ko, yung iba nasa labas pa ibig sabihin wala pa ang guro namin.
"Hi guys! Good Morning! Sunshine!" Masiglang bati ni Auie.
"Himala ata Auie at maaga ka ngayon? May mabait ba na espiritu na sumanib sayo?" pagbibiro ni Kath.
"Alam na this Ghurl." Makahulugan namang sabi ni Krystel.
Nagkukulitan pa ang mga girls kaya pumunta na ako sa pwesto ko, nahagip naman ng magaganda kong mata ang lalaki na tahimik na naglalaro sa phone nito.
"Hi Ice!" Nakangiti kong bati sa kanya. Sa School kasi namin may kakaiba kaming sitting arrangements. Magkabilaan ang pwesto ng lalaki at Babae, bali sa isang side puro lalaki lahat tapos nasa gitna ang aisle at nasa kabilang side naman puro babae. Ewan ko ba at anong pumasok sa isipan nila at naging ganito ang set-up. "Good Morning!" bati ko sa kanya na nakatingin parin sa phone.
"Anong maganda sa umaga Ace, kung ikaw ang nakikita ko?" walang ganang sabi nito.
"Alam mo pasalamat ka at binati ka ng mala dyosang ka gaya ko." nakabusangot na sagot ko sa kanya.
"Kung tingin mo isa kang dyosa mukhang tulog ka pa ata o nananaginip ka ng gising." Inirapan ko ito at nakapangalumbabang pinanood.
"Bakit ba ang sungit-sungit mo? Para kang laging may mens." wala gana kung sabi.
"Wala ka na dun, at pwede ba lalaki ako kahit na mas mukha ka pang lalaki sa akin." Pang-aasar nito, nainis naman ako sa sinabi niya.
"Anong sabi mo!" Bigla naman dumalo ang mga kaibigan namin.
"Ayan na naman kayong dalawa, ang aga pa para magbangayan no." Singit naman ng mukhang singit na si Bryce.(Joke! Pogi yang kaibigan ko crush kaya yan ni Ahem).
Magsasalita na sana ako ng pumasok na ang Prof. namin si Mr. Liam.
"Kayong dalawa na naman?" bungad niya sa amin at nakatingin sa aming dalawa ni Ice. "Ang aga niyo atang nagsasagutan ngayon?" Natatawang sabi nito.
"Maayos po akong nakikipag-usap Sir." Nakabusangot kong sabi.
"Oh saka na muna yan at magsisimula na ang klase, mag si upo na kayo." Nang nakaupo na ang lahat ay nagsimula na si Sir Liam sa pagtuturo, English ang first subject namin.
Hindi naman kami palaging nag-aaway ni Ice, may mga araw naman na mabait kami sa isa't isa yung hindi kami nag iimikan yun ang klase ng bait niya, madalas lang talaga ang minsan na hindi kami nagkakasagutan o nagbabangayan siguro tuwing Full Moon (^_^v). May mga panahon naman talaga na pagmasyadong mainit ang pagsasagutan namin at batuhan ng mga masasamang salita, inaawat naman kami ng grupo o di kaya ay isa sa amin ang mananahimik.
"I think that's all for Today, mag-aral kayo para sa short quiz natin." Sabi nito at tumunog na din ang School Bell. "Good Bye Class!" Nag-iinat naman ako, dito parin ang next subject namin kaya di na kami umalis.
Humarap si Kath sa akin nasa harapan ko kasi ang upuan niya, katabi niya si Krystel at magkatabi kami ni Auie.
"Beh, alam mo napapansin ko parang ang laki ng problema niyo sa isa't isa ng pinsan ko." Oo magpinsan sina Kath at Ice, sobrag opposite nila sa ugali.
"Napansin ko rin, di ba nung isang araw lang muntikan na talaga kayong mag batuhan ng pagkain sa Cafeteria." dugtong ni Auie na nakatingin narin sa akin.
"Ewan ko ba, mainit lang siguro talaga ang dugo niya sa akin at walang araw na di niya ako iniinis, sinusungitan o di kaya inaasar." kibit-balikat kong sabi. Wala naman kasi akong maisagot sa tanong nila. Ano nga ba ang dahilan at ganyan siya sa kainis sa akin? As far as I remember, never kaming naging magkaklase noong 1st Year, isa pa 2nd Year ko lang siya nakilala dahil kay Kath, si Kath yung since 1st Year kaklase ko na. "Sa tingin ko ay ayaw niya talaga sa akin kaya ganyan siya." Napasimangot ako kasi sa totoo lang naging ultimate crush ko Ice nung unang kita ko palang sa kanya, sobrang pogi naman kasi nito. Maputi ang balat nito at halatang sobrang kinis, mapupula ang manipis nitong labi, nasa ayos ang makakapal nitong kilay at yung mga mata niya napaka attractive.
"Hmmm... Matanong ko nga sa bahay mamaya." sabi nito at tumango-tango pa.
"Ghurls!" Napalingon kami sa pinanggagalingan ng boses at isang tumatakbong Aaron na papunta sa amin. Wala siya kanina kasi iba yung first subject niya at nasa ibang section siya. "Grabe! Pigilan niyo ko baka may masabunutan akong ibon." sabi nito habang pinapaypayan ang sarili.
"Sinong ibon naman yan aber?" Tanong ni Auie na masama ang tingin kay Aaron. Ang totoo niyan crush ni Auie si Aaron kaso ng malaman niyang baklita pala itong mokong na'to ayun nasira daw ang pangarap niya, ewan ko kay Auie, di naman kasi closet gay si Aaron lalaki talaga ito pumorma huwag lang bubuka ang bibig at mapapakanta ka nalang ng Sayang na sayang talaga.
"Sino pa e yung Yvonne na 'yun, yung kaklase ko sa kabilang section." Pagtataray nito.
"Oh, e ano bang ginawa sayo at sobrang inis mo ata sa kanya?" Tanong ni Krystel, umupo naman si Aaron sa upuan sa may likuran ko kaya napaikot ako para makaharap siya.
"Paano ba naman kasi parang higad ang kati-kati, lahat nalang ata ng lalaki nilalandi niya. Pati si Papa Kyle ko nilalandi at yung ugok nagpalandi rin." Nakangusong kwento nito.
"Si Kyle? Ito bayong nanligaw kay Ace dati?" Napasapo nalang ako ng ulo sa tanong ni Auie.
"OO Auie yung manliligaw ni Ace na Boyfriend ko." sabay irap kay Auie. Masugid kong manliligaw si Kyle dati mga Freshmen palang kami pero kalaunan umamin naman siya na nagkagusto pala ito kay Aaron kaya ayun naging sila nitong bading na'to.
"Yvonne? Wait... Teka... Siya ba yung ex ni Ice? Yung Blonde?" Napalingon kami kay Kath.
Wait EX? Nagkagirlfriend pala ang yelo na ito, well di naman nakapagtataka kasi nga naman di ba nagka crush nga ako e, pero di ko akalain na may papatol sa ugali siya. Hmmm. Kaya siguro sila nag hiwalay kasi masama ugali nito.
"EX?! Kaya siguro sila naghiwalay kasi malandi yung babaeng 'yun!" Sumang-ayon naman si Kath.
"Yeah, ganoon na nga ang nangyari. Pinagpalit itong si Ice dun sa Basketball Captain." Napalingon naman ako sa pwesto ni Ice na ngayon ay kausap na ang kaibigan naming mga lalaki, napatingin naman ito sa akin at nagkasalubong ang mga mata namin kumunot naman ang noo nito na parang nag tatanong 'Anong tinitingin-tingin mo?' napairap nalang ako sa naiisip ko.
---------------------------------------------------
Thank you so much for reading! Stay tuned!
Don't forget to follow me for more interesting stories.
YOU ARE READING
Mr. ANTIPATIKO
Teen FictionAno mang pangalan, pangyayari, lugar, pribado o gobyernong ahensiya na nakapaloob sa kwento na may kaugnayan sa reyalidad ay hindi sinasadya ng may akda at ito ay nagkataon lamang. Ito po ay pawang kathang-isip lamang ng manunulat. cover credits to...