Sasakyan ni Aaron ang gamit namin, habang nasa biyahe kami papuntag MCDO ay tahimik parin ang tropa.
"Spit it out." ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Grabe! Ang intense ng kanina! Ang drama ng words of wisdom ni Madam." sabi ni Aaron habang pinapaypayan ang sarili habang ang kanang kamay ay nasa manibela.
"Ang sakit ata ng sampal niya, let me see nga." napalingon ako kay Kath, tiningnan naman nito ang namumula kong kaliwang pisnge. " OH EM! Look! May galos ka." Napatingin naman ako sa salamin, may kaunting galos lang parang galing sa daplis ng kuko.
"May Band Aid ka?" itinuro naman ni Aaron ang compartment nito, binuksan ko ito at naghagilap, nakita ko naman agad ang isang box ng Band Aid. Nilagyan ko ang pisnge ko na may galos mabuti nalang at skin tone itong Band Aid ni Aaron.
"Sana naman tantanan na ni Yvonne si Ice at itong si Ace." napabuntonghinga nalang ako sa sinabi ni Kath.
"May nadamay pa tuloy na inosente." mahina kong sabi na alam kong narinig nila sa sobrang tahimik.
Hindi naman mahaba ang biyahe at nakarating na kami sa MCDO, lumabas na kami habang naghahanap ng mapaparkingan si Aaron, nakita namin ang mga Tropa naming lalaki nasa loob ng MCDO, napalingon ito pagpasok namin. Napakunot naman ang noo ni Ice, hindi ko alam na nandito pala sila baka tinext ni Kath.
Pagkapasok namin nakita naman agad kami ni Lhai, kumaway ito sa amin napadapo naman ang tingin ko sa katabi nito na si Ice.
"Ang tagal niyo naman gutom na gutom na ako." Sabi ni Lhai at hinihimas ang tiyan.
"Nag-order ka na sana." pairap naman na sabi ni Aaron.
"Ba't kayo natagalan?" umupo si Kath sa tabi ni Fau habang ako e kaharap si Ice.
"Paano ba naman kasi itong si Yvonne sinampal itong si Ace, mabuti at maliit lang yung galos." Tumayo naman si Auie. "Ano ba order mo Ace?"
"Cheese Burger, large Fries at MC Float akin Auie." Sabi ko at umalis na ito.
"Bakit ka naman sinampal?" tanong ni Ichi. Napatingin naman ako kay Ice at parang nakuha naman nito agad. "Kumusta naman ba?"
"Ito masakit ang tulis pala ng kuko nun, pero di ko naman na pinatulan, sinabihan ko lang na tantanan na niya yung kahibangan niya kay Ice at sinabi ko yung totoo."
"Paano kung sige parin?" Tanong ni Ice.
"Ano ka ba, titigil na'yon." dumating naman agad si Auie at binigay sa akin ang pagkain ko.
"Paano ka nakakasigurado?" nakataas pa ang isang kilay nito. Mabuti pa siya marunong magtaas ng isang kilay.
"Naku! Kung hindi pa siya tinamaan dun sa sinabi ni Ace, ewan ko nalang." segunda naman ni Aaron. Mukha kasing may topak na naman itong yelo na'to, nagsusungit na naman kasi.
"Hayaan mo Ace, ako magiging bodyguard mo." sabay kindat ni Lhai.
"Ayiiieeeee!!! Baka saan pa 'yan mapunta." siniko naman ni Bryce si Lhai.
"Teka maiba tayo, malapit na ang bakasyon. Saan kayo?" Tanong ni Ichi.
"Hindi ko pa alam e." sagot naman ng iba.
"Ikaw Ace?" uminom muna ako ng coke float.
"Hindi ko rin alam, baka sa bahay lang."
"Hmmm... May naisip ako, bakit di tayo sa probinsya namin magbakasyon?" Masayang sabi ni Kath.
"Pwede rin pero saan ba yang probinsya niyo?" tanong ni Auie habang kumakain ng burger.
"Sa PhotoCity."
"Waah! Di ba may mga beach doon?" masaya namang segunda ni Krystel.
"Magagamit ko narin ang bagong bili ko na swimsuit." masabi ni Aaron sabay hawak kay Kath sa braso.
"Ako game ako kayo ba?" tanong ni Auie.
"Sure." sabay na sabi naman ng guys.
"Ako tatanungin ko muna sila Dad at Mom." tumango naman sila sa sinabi ko.
"Btw, Ace. Di ka na kaya guguluhin ni Yvonne bukas?" na hssst nalang si Aaron.
"Umm... Di ko rin alam." Nilalaro ko nalang ang straw at ngumiti kay Auie.
"Kung sana hinayaan mo nalang," napalingon naman ako kay Ice na nasa harap ko.
"Bakit para ano?"
"Para di na mas lumaki pa." sabay sip sa juice nito.
"Lumaki na nga e, lumalapa gawa ng pagsisinungaling mo. Nadamay pa 'yung inosente." sabi ko sabay irap sa kanya.
"Hep hep hep, enough na nga 'yan. It's done already." Pag-aawat naman ni Kath. "We just hope na titigil na si Yvonne and pwede ba be close okay, parang lagi kayong nag-aaway. I mean always naman kayong nag-aaway but still..."
"For world Peace." sabat naman ni Aaron.
Nagusap-usap pa ang grupo pero ng gumabi na ay nagsi-uwi na kami. Hinatid kami ni Aaron since sasakyan naman niya gamit namin kanina.
"For once naman sana Ace hindi na kayo mag World War III ni Ice, nakakapagod kaya maging referee no." basag ni Aaron sa katahimikan.
"Kung hindi naman siya mag susungit di ko rin naman siya sinusungitan ah."
"You have a point din naman, kung di man lang naman pinaglihi sa kasungitan itong pinsan ni Kath." sabay tingin kay Kath passenger's seat.a
"Mabait naman 'yan si Ice ah... sadyang kay Ace lang talaga 'yan nagsusungit." sabay kindat sa akin.
"May Weekly Assembly bukas ng hapon di ba?" inuna kasi akong ihatid since medyo malapit yung bahay namin.
"Friday na pala bukas, hmmm.. I think so, so saan tayo?" masayang tanong ni Kath.
"Mall?" tanong din ni Auie.
"Arcade?" may ngiting sabi ni Aaron.
"Okay fine. Dito na ako A. Text-text nalang." nagpaalam na ako sa kanila at pumasok na sa gate. Pagkapasok ko ng bahay e wala pa sila Dad at Mom, baka bukas pa sila uuwi.
Tumunog bigla ang phone ko nang nasa kwarto na ako.
From: Unknown
are u home?
To: Unknown
hu u?
...sending...
...sending....
Message failed to sent...
"Kainis di pa pala ako nakapag paload." sabi ko at tinapon ang phone sa kama.
tzzzzzzt.....tzzzzzzzt...
From: Unknown
gud night ^^
"Sino kaya itong text ng text sa akin, bukas mag loload na talaga ako."
________________________________________________________________________
Thank you so much for reading.
Don't forget to press vote and follow my account for more story updates.
Keep Safe Everyone! :*
YOU ARE READING
Mr. ANTIPATIKO
Novela JuvenilAno mang pangalan, pangyayari, lugar, pribado o gobyernong ahensiya na nakapaloob sa kwento na may kaugnayan sa reyalidad ay hindi sinasadya ng may akda at ito ay nagkataon lamang. Ito po ay pawang kathang-isip lamang ng manunulat. cover credits to...